EPISODE 8: TO THE RESCUE

2000 Words
EPISODE 8 TO THE RESCUE PHOEBE’S POINT OF VIEW. I don’t need his help. Nakayanan ko ngang paaralin ang kapatid ko na walang tulong galing sa kanya eh. Kaya ko ang sarili ko—kaya kong bayaran ang mga utang ko ngayon. Hindi ko kailangan ang pag papaka-ama niya sa amin ng aking kapatid. Matagal na niya kaming iniwan kaya wala na siyang dapat pang balikan pa. “Saan ka pupunta, Ate? Gabi na.” Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Ellie. Nakabihis ako ngayon at aalis talaga ako. Humarap ako kay Ellie at tinignan ko siya ng malamig. “Alam ko na gabi na, Ellie. Kaya ko ang sarili ko kaya ‘wag ka nang tanong ng tanong diyan,” sabi ko sa kanya. Napatayo na rin siya at nakapamewang na humarap sa akin. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Ate Phoebe? He’s just trying to help us! Oo, nagkamali nga siya noon, pero marami pa namang time para magbago eh… and he changed! Pinagsisihan na ni Papa ang lahat ng nagawa niya noon. Ngayon ay gusto niyang bumawi sa ating dalawa, Ate. Mayaman na si Papa ngayon at pwede na rin niya tayong bigyan ng sariling bahay!” Tinignan ko ng masama si Ellie at mas lalo lang akong nakaramdam ng sobrang galit ngayon. Hindi ko rin maiwasan na masaktan sa mga pinagsasabi ni Ellie dahil parang wala lang sa kanya ang lahat ng dinanas namin noon ng dahil sa pag-iwan ng totoo naming ama. “Ellie, paano mo nasasabi ‘yan na harapan ko ngayon? Paano mo nasasabi ‘yan ngayon sa akin?! Nang dahil sa tang inang lalaking ‘yan ay nagkasakit si Mama! Iniwan niya tayo, Ellie. Pinabayaan tayo ng lalaking ‘yun! Tapos bigla na lang siyang magpaparamdam ngayon at mag o-offer ng tulong sa atin? No way, Ellie. Bahala na’t wala na akong tulog kakahanap ng pambayad sa mga utang natin kaysa naman kunin ‘yang pera ng putang inang ‘yan!” galit kong sabi sa aking kapatid at umalis na ako. Bata pa si Ellie nang mga panahon na iniwan kami ng lalaking ‘yun kaya hindi niya ako masyadong naintindihan. Pero nakikita niya ang paghihirap naming dalawa ni Mama. Buti na lang at mabait iyong bagong asawa ni Mama na naging ama na rin sa amin ni Ellie. Kahit anong mangyari ay hindi ko siya mapapatawad. Kahit sabihin pa ng iba na ama ko siya—wala akong ama na irresponsable. Iniwan na niya kami noon kaya wala na siyang babalikan pa. Ngayon ay papunta ako sa isang bar kung saan ako maglalasing. Alam ko na kailangan ko ng pera ngayon dahil paulit-ulit na akong sinisingil ng landlady ng apartment namin, pero kailangan ko talagang maglasing ngayon. Syempre ay sa isang bar lang naman ako na afford ko pumunta. Hindi ko kaya iyong mga bar na pinupuntahan ng kaibigan ko na si Alessandra na sobrang mahal ng mga inumin. Okay lang naman sa akin kahit na isang gin bilog lang ang inumin ko, pero mas maganda pa rin talaga na sa bar maglasing kasi feel na feel ang moment. “Kuya, isang alak pa po rito!” sabi ko sa bartender ng maubos ko na ang alak na aking iniinom. “Hindi tayo pwede… pinagtagpo pero ‘di tinadhana….” Gusto kong sigawan ang kumakanta ngayon sa may stage dito sa bar dahil sobrang lungkot ng kinakanta nito. Sumasabay pa sa lungkot na aking nararamdaman ngayon. Pwede ba ‘yung happy naman? Nandito nga ako ngayon para magsaya eh, hindi magdrama! Muli ko na namang naalala si Alexis. Kahit anong pilit ko na kalimutan siya ay hindi ko magawa. Palagi niyang ginugulo ang isipan ko. Kailangan ko ‘tong pigilan… hindi dapat ako magkagusto sa nakababatang kapatid ng bestfriend ko. Pinaglalaruan lang din naman ako ni Alexis eh. He’s a playboy and a troublemaker. Ako lang talaga ang napili niyang paglaruan ngayon lalo na’t naka-score na siya sa akin. Siya ang lalaking nakakuha ng virginity ko at hindi ako makapaniwala na nakuha na lang niya ng ganun-ganun na lang ang pinaka-iniingatan ko. “Kuya, isa pang alak!” sigaw ko ng maubos ko na ang isang bote ng alak. Nahihilo na rin ako ngayon pero kaya ko pa ang sarili ko. Hanggang ngayon ay malungkot pa rin ang pinapatugtog ng banda na nasa harapan. Konting-konti na lang talaga at sisigawan ko na sila eh. Nakakadala ang mga kinakanta nila ngayon—gusto kong magsaya! “Kuya, alak pa!” muli kong sigaw ng hindi pa pumupunta ang bartender sa akin. Nagkakamot siya sa kanyang buhok habang papalapit sa akin ngayon. “Ma’am, naka 2k na po kayo sa alak eh tapos hindi pa kayo nakakapagbayad. Magbayad daw muna kayo bago kayo bigyan ng panibagong inumin,” sabi nito sa akin. Natigilan ako sa sinabi ng bartender at parang nawala bigla ang pagkalasing at hilo na aking nararamdaman ngayon. “H-Huh? 2k?” hindi makapaniwala kong tanong. Tumango ito. “Yes, Ma’am. 2k po ang alak na nainom niyo ngayon. Magbayad daw po muna kayo,” muli nitong sabi. Napasapo ako sa aking noo at huminga ako ng malalim bago muling mag angat ng tingin nito at tinignan ko ito ng masama. “Kaya kong magbayad ‘no! Anong tingin mo sa akin walang pera?! Wait ka lang!” inis kong sabi at agad kong binuksan ang aking dala na bag at kinuha ang aking wallet. Binuksan ko naman ang aking wallet at laking gulat ko ng makitang two thousand na lang ang laman ng aking wallet… wala nang iba pa. Napalunok ako sa aking laway at humigpit ang pagkakahawak ko sa aking wallet ngayon. “May pambayad po ba kayo, Ma’am? Mag o-order pa ba kayo ulit?” tanong sa akin ng bartender. Huminga ako ng malalim at muli akong nag angat ng tingin dito at matalim ko siyang tinignan. “Magbabayad ako! At hindi na ako o-order dahil aalis na ako!” inis kong sabi at padabog kong inilapag ang 2k sa may bar counter. Habang nakatingin ako sa natitira kong pera na kinukuha na ngayon ay hindi ko mapigilan na maawa sa aking sarili. Sana sa may 7/11 na lang ako naglasing eh! Bakit ba dito ako pumunta? HINA akong lumabas sa bar at nawala na lang bigla ang aking pagkalasing ng ma-realize ko na wala na akong pera ngayon. Pinagsisihan ko ang paglalasing ko kanina. Ang pag e-emote sa bar ay para lang sa mga mayayaman—hindi sa mahirap na katulad ko! Ano na ang gagawin mo ngayon, Phoebe? Ni-piso ay wala kang pera! Ang layo pa naman ng apartment namin dito sa bar na aking pinuntahan. “Miss, wala ka bang masasakyan?” Napatingin ako sa isang lalaki na nakasakay ngayon sa isang motor. Nakangiti itong nakatingin sa akin ngayon, pero kinikilabutan ako dahil iba ang tingin nito sa akin. Umiling-iling ako. “May sundo ako. Hinihintay ko ang boyfriend ko ngayon,” malamig kong sabi. Hindi ko pinapakitang kinakabahan ako ngayon dahil sigurado akong mas lalo lang akong guguluhin nito ngayon. Lumapit ito sa akin habang nagdadrive pa rin sa kanyang motor at nakangiti pa rin ito sa akin ngayon. “Sumakay ka na lang sa akin, Miss. Libre lang naman! Mukhang mamaya pa ‘yung boyfriend mo.” Inis ko itong tinignan. “Susunduin nga ako,” sabi ko at mabilis na kinuha ang aking phone sa aking bag. Dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon ay kung sino na lang ang unang pumasok sa aking isipan ay iyon ang aking tatawagan ngayon. Si Alexis… Siya ang unang pumasok sa aking isipan kaya siya ang aking tinawagan. Calling Alexis… Sh-t! Sagutin mo ang tawag ko, Alexis. Ngayon ka pa ba mawawala kung kailan kita kailangan? “Mukhang hindi ka sinasagot ng boyfriend mo ah! Sumakay ka na lang kasi sa akin,” muling sabi ng lalaki. Hindi ko ito pinansin at muli kong tinawagan si Alexis. Kung hindi niya pa rin sasagutin ang tawag ko ay hinding-hindi ko na talaga siya papansin—kakalimutan ko na siya at pati ang feelings ko sa kanya. Kapag naman sinagot niya ang aking tawag at tinulungan niya ako ngayon… bibigyan ko siya ng chance. Gagawin ko ang gusto niya sa akin. “Hello, sexy babe?” Oh my God! Thank you, Lord! Muntik pa akong mapatili at mapatalon sa tuwa ng sagutin na ni Alexis ang aking tawag. Nang mapasulyap ako sa lalaking gumugulo sa akin ngayon ay nakita ko ang inis sa kanyang mukha. “Babe! Nasaan ka na ba? Diba ang sabi mo ay susunduin mo ako rito sa labas ng Angel’s bar? Iyong bar na malapit lang sa GMall! May lalaking lumapit sa akin ngayon at nag-offer na ihatid na raw ako sa apartment ng libre. Gusto mo bang sumabay na lang ako sa kanya?” sabi ko at muling sinulyapan ang lalaki. Ngumiti naman ito muli sa akin at tumango-tango na para bang tuwang-tuwa sa aking sinabi. Napalunok ako sa aking laway at ang lakas na ng pagtibok ng aking puso ngayon sa kaba. Please Alexis, ‘wag kang pumayag. Sunduin mo ako rito! Matagal na hindi nakakapagsalita si Alexis sa kabilang linya kaya pinagpapawisan na ako ngayon sa sobrang kaba. “‘Wag kang umalis diyan sa kinatatayuan mo. Alam ko ang location mo dahil tina-track ko kung nasaan ka ngayon. ‘Wag kang sumakay diyan kung ayaw mong patayin ko ‘yan,” madiin at seryosong sabi ni Alexis sa kabilang linya. Napalunok naman ang lalaki na gumugulo sa akin at nakita ko ang takot sa mukha nito. “O-Okay, Alexis. Mag-ingat ka diyan. Maghihintay ako rito sayo.” “Don’t hang up the phone, Sexy babe. Malapit na ako diyan,” muling sabi ni Alexis. Sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Akala ko ay aalis na ang lalaking nanggugulo sa akin pero hindi pa rin talaga. Aalis lang daw ito kapag pumunta na si Alexis at sunduin na talaga ako. Akala niya siguro ay nagsisinungaling lang ako. Makalipas ang ilang minuto na paghihintay ay may lumapit na sa amin na isang black na aston martin na sasakyan. Tumigil ito sa harapan ng motor nitong lalaking gumugulo sa akin. Bumukas ang pinto nito at lumabas si Alexis na nakasuot ng black leather jacket at kahit na gabi na ngayon ay nakasuot pa rin siya ng sunglasses. Naglalakad palapit sa amin si Alexis at hinubad niya ang kanyang suot na salamin—buti naman. Lumapit ito sa akin at nagulat na lang ako sa sunod na ginawa ni Alexis… hinalikan niya ako sa aking labi! “Sorry for making you late, sexy babe. Alam mo naman ang boyfriend mo, nagpaparami pa ng pera!” nakangiting sabi ni Alexis at muli akong hinalikan sa aking labi bago siya humarap sa lalaking gumugulo sa akin kanina. Hindi na ito nagsasalita at nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Alexis na para bang gulat na gulat. “I-Isang Coleman ang boyfriend mo?” nauutal na tanong ng lalaki sa akin habang nakaturo kay Alexis. Nagulat naman ako. Kilala niya si Alexis? Pero sabagay, si Alexis naman ang pinakamagala sa mga Coleman eh. Bago ako makasagot sa tanong ng lalaki ay naunahan na akong magsalita ni Alexis. “Oo, isa ngang Coleman ang boyfriend niya. May balak kang gumawa ng kalokohan sa girlfriend ko?” masungit na sabi ni Alexis. Mabilis namang napailing ang lalaki at pinaandar na nito ang kanyang motor at umalis na. Nang makaalis na ang lalaki ay humarap sa akin si Alexis at hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Bakit ka nandito? Naglasing ka ba? Delikado na mag-isa ka lang, Phoebe!” nag-aalala na sabi ni Alexis sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita. Muntik na ako don… buti na lang dumating si Alexis. Ang bilis niyang pumunta rito upang tulungan ako. To the rescue kaagad siya at… at sobrang saya ko ngayon. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD