EPISODE 41 PROMISE PHOEBE’S POINT OF VIEW. “PHOEBE… anak ko.” Humakbang siya palapit sa akin, pero agad din akong umatras palayo sa kanya at tinignan ko siya ng masama. “How dare you show up here? The audacity of calling me your child? You’re nothing to me, Old man!” galit kong sabi sa kanya. Ang tatay ko? Matagal nang patay ang tatay ko na itinuturing ko rin na totoong ama… ang apelyidong ginamit ko ngayon. I will never use his surname because he is not my father. Kahit na hindi ko siya totoong ama ay minahal niya pa rin kami ni Ellie. Pero itong lalaking nasa harapan ko ngayon? Iniwan niya kami. Pinagpalit niya kami sa ibang pamilya niya. Tapos ngayon ay magpapakita siya sa amin? Kay Ellie? Hindi ako nasisilaw sa mga pera niya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pa