EPISODE 42 KNOW PHOEBE’S POINT OF VIEW. MALAPIT na talagang grumaduate si Alexis. Sobrang saya at excited ko para kay Alexis. Konting-konti na lang talaga… ito na ang pinakahihintay namin na mangyari. Pagkatapos ng graduation ni Alexis ay aamin na kami sa kanyang mga magulang—sa buong Coleman family. Maayos na rin kasi ang kalagayan ni Alessandra at magkasama na ulit sila ni Alonzo. Tinanggap nila si Alonzo kahit na anak ito ng kaaway nila dahil napatunayan niyang maganda ang intensyon niya kay Alessandra at mahal na mahal niya ito. Nagpakasal na rin silang dalawa at ngayon ay may sarili na silang bahay kung saan sila nakatira. Natanggap nga nila si Alonzo… ako pa kaya? Malakas ang loob ko na tatanggapin nila ako at hindi magagalit sa akin si Alessandra. Matagal ko nang hinanda ang