EPISODE 40 THE PAST PHOEBE’S POINT OF VIEW. BUTI na lang talaga at naniniwala si Ellie sa pagsisinungaling ni Alexis. Kasi kung ako pa ‘yon, mabubuking na talaga kami dahil hindi ako marunong magsinungaling at baka umiyak lang ako sa harapan ni Ellie. “Oh diba? Naniniwala sa akin si Ellie. Ikaw kasi, wala kang tiwala sa akin,” nagmamayabang na sabi ni Alexis sa akin. Nandito kami ngayon sa kanyang condo unit. Hindi ko na ulit pinabalik si Alexis doon sa apartment dahil delikado na. Baka magtaka na si Ellie kapag makita niya ulit na dumalaw doon si Alexis. Alam kong sinabi ni Alexis kay Ellie na dadalaw ito sa susunod, pero kailangan pa rin talaga kaming mag-ingat. Hindi naman tanga ‘yung kapatid ko at balang araw ay mare-realize niya rin itong kalokohan namin ni Alexis. “Alexis, it’