Chapter 7: Kuya Dos

2458 Words
"Bakit ko ba nasabi 'yon?" kausap ni Georgina sa kanyang sarili. Bigla tuloy siyang nagsisi sa mga sinabi niya kay Dos. Pero iyon lang ang tanging alam niyang paraan upang hindi malaman ng iba, lalo na si Kiel ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Huminga siya nang malalim. Naghugas na siya ng kamay. At kumain na rin siya. "Tapos na agad si Dos?" untag ni Lyn sa kanya nang pumasok ito sa kusina. "Oo, Lyn. Mabilis siyang kumain, eh!" depensa niya. "Eh, may natira pa siyang kanin sa plato niya. Himala yata na hindi niya naubos ang pagkain niya ngayon," komento nito. "Baka, busog siya," saad naman niya. "Busog?" gagad ni Lyn. "Sabi niya, gutom na gutom siya, kaya nagrequest ng pritong isda at kamatis dahil na-miss niya raw ang buhay pulis," wika pa nito. Hindi na sumagot si Georgina. Sumubo na lang siya ng kanin para hindi na magtaka ang babaeng katulong. SAMANTALANG kumuha naman ng inuming alak si Dos sa mini bar nila roon. Pakiramdam niya kasi ay nakulangan pa siya sa iniinom niya kanina sa bar. Pero gusto rin niyang pakalmahin ang sarili dahil sa sagutan nilang dalawa kanina ni Georgina. Lumabas na siya upang magpahangin. Pinagmasdan niya ang paligid. Tahimik at tunog ng mga kulisap ang pawang mga maririnig. Nahagip ng dalawang mata niya ang lagi niyang pinagtatambayan noon. Ang fountain. Naalala niya tuloy ang yumaong ina na roon lagi sila nagbobonding. Naglalatag ito ng blanket. At kinukuwentuhan siya nito ng paborito niyang libro. Bumuntong-hininga siya. Naglakad siya papunta roon. Umupo siya at binuksan niya ang nakalatang alak. "Alam kong masaya na kayo sa kinaroroonan ninyo ngayon, mama," bulong sa kanyang sarili. "Kung buhay lang sana kayo ay hindi ganito kalungkot ang buhay ko," dagdag pa niya na lumagok ng alak. "I know, Dad loves me so much, pero hindi ko masabi-sabi ang problema ko sa kanila dahil may iba na silang pamilya. Kaya, ang hirap, Ma. Ang hirap," garalgal na aniya, sabay inom ng alak. Nang maaninag niya na may palalapit na tao sa kinaroroonan niya ay nagtago siya. Madilim kasi at tanging buwan lang ang liwanag doon. Nang malapit na ito sa kanya ay saka lang niya ito nakilala. "Georgina," usal niya. Umupo ang dalaga sa inupuhan niya kanina. "Tapos ka na bang kumain?" untag niya dahilan upang tumili ang dalaga kaya tinakpan niya ang bunganga nito. "Ako lang 'to," sambit niya. Tinanggal niya ang kamay niyang nakatakip sa bunganga ng dalaga. "D-Dos? A-Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya. "Sinusundan mo ba ako, ha?" gagad pa nito sa kanya. "Ako unang pumunta rito. Tumago lang ako dahil akala ko ay kung sino na ang palapit rito sa fountain. Ikaw? Ba't narito ka?" untag niya kay Georgina. "Nababagot ako sa loob kaya gusto kong magpahangin. Saka, nakita ko na kanina na magandang magtambay rito dahil nakarrerelaks," paliwanag nito. "Bumalik ka na sa kuwarto mo dahil baka dumating na si Kiel. Mahirap na, lalo at madilim dito. Baka kung ano'ng maisipan kong gawin," paalala niya sa dalaga. "Anong ibig mong sabihin? Saka, gusto kong magpahangin, kaya pakialam mo ba, ha?" muling gagad nito. Lumagok si Dos sa nakalatang alak. Saka, siya umupo sa tabi ni Georgina. "Baka, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ka halikan kaya pumasok ka na sa loob." "Ikaw na lang pumasok sa loob. Tingnan mo, kagagaling mo lang sa pag-inom kanina ay umiinom ka na naman," pangaral nito sa kanya. Umismid si Dos. "Gusto kong uminom nang uminom para malasing na naman ako at makatulog agad ako. Sobrang sakit kasi na ako ang nakauna sa babaeng kaharap ko ngayon pero sa iba napunta at nagpakasal. 'Di ba ang sakit?" "Sinasabi ko, sa 'yo na pagkakamali lang ang namagitan sa atin. Kaya ibaon mo na 'yon sa limot para makamove-on ka na dahil ako, kinalimutan ko na ang nangyari sa atin," matigas na pahayag sa kanya ni Georgina. Muling lumagok ng alak si Dos, hanggang maubos niya at itinapon iyon. Saka, niya hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. "Tumingin ka sa mga mata ko, Georgina at sabihin mo na talagang kinalimutan mo na ang pinagsaluhan natin no'ng gabing 'yon?" matigas na sambit niya sa dalaga. Umiwas ng tingin si Georgina. Kahit madilim ang kinaroroonan nila ay nakikita nila ang isa't isa. "Kinalimutan ko na 'yon, Dos," pahayag nito. "I don't believe you dahil hindi ka nakatingin sa akin," gagad niya. "Look at me, Babe. Then tell me that you have forgotten what happened to us," maawtoridad na aniya. Lumunok muna si Georgina. Nanginginig man ay tumingin siya sa mga mata ni Dos at nakita niya na malamlam ang mga mata nito. "K-Kinalimutan ko na ang nangyari sa atin, Dos. Kaya, kung puwede lang ay iwasan mo na ako dahil asawa ko ang kapatid mo," pakiusap nito. Umiling si Dos. Hinaplos niya ang mukha ni Georgina dahilan upang mapapikit ito. "Kahit nakatingin ka sa akin, nararamdaman ko na nagsisinungaling ka, dahil iba ang sinasabi ng mga mata mo sa sinasabi ng puso mo," gagad niya sa dalaga. "Pero iyon ang totoo, Dos. Kaya k—" Hindi naituloy ni Georgina ang sasabihin dahil biglang sinakop ni Dos ang labi niya. Ayaw niyang tumugon sa lalaki, pero tila may nag-udyok na tugunin niya ang halik nito. Napangiti si Dos, subalit itinulak siya ni Georgina at tumayo ito saka tumakbo papasok sa loob ng mansyon. Sinundan niya ang dalaga. At dahil mas mabilis siyang tumakbo rito ay naabutan niya ito. "I'm sorry, Babe," sambit ni Dos na niyakap ang dalaga. "Bitiwan mo 'ko, Dos baka may makakita sa atin at mali ang ginagawa nating ito," nagpupumiglas na wika ni Georgina. "Pero, alam ko na gusto mo rin ito. At ano ang mali sa ginawa kong panghahalik sa' yo, ha? Dahil asawa ka ng kapatid ko? Gano'n ba 'yon, ha?" gagad ni Dos sa kanya. "Oo!" sagot ni Georgina. "Mali ang ginagawa nating ito dahil ayaw ko ng gulo!" gagad rin niya. "Kiel will never know about us, Babe, kaya walang mangyayaring gulo. At isa pa, ako unang nakakilala sa 'yo, kaya dapat ay sa akin ka, right?" wika nito na muling niyakap ang dalaga. "Ano ba! Bitawan mo' ko!" muling tulak ni Georgina kay Dos. "Simula ngayon ay layuan mo na ako. At itigil mo na rin kung ano man iyang nararamdaman mo!" matigas na wika niya. Ngumisi si Dos. "Do you think na kaya kong gawin 'yan, ha? Damn! I can't control myself not to kiss and hug you," garalgal na saad nito. "Pero, kung iyan ang gusto mong gawin ko, then I will do that. And from now on ay iiwasan na kita," saad pa nito na naglakad na papasok sa loob ng mansyon. Napailing na lang si Georgina. Alam niya na mahirap at imposible ang gusto niyang mangyari. Ngunit iyon lang ang tanging paraan na alam niya. At isa pa ay kailangan na iyon ang gawin nilang dalawa upang hindi makahalata ang mga kasama nila sa bahay, lalong-lalo na si Kiel. Pumasok na rin siya sa loob. Nadatnan niya na umiinom na naman si Dos. Ngunit hindi niya na ito pinansin dahil baka lumaki pa ang kanilang deskusyon. Umakyat na siya sa taas. Subalit hindi niya mapigilang hindi lingunin ang lalaking dating pulis. Gusto niya itong kausapin kanina tungkol sa pribadong buhay nito, ngunit nauna ang emosyon ni Dos kaya nawala iyon sa isip niya. Huminga siya nang malalim. At saka na siya tuluyang umakyat sa itaas. Narinig niya na may humintong sasakyan. At baka si Kiel iyon o ang matandang mag-asawa. Sumilip siya. Si Don Miguelito at Donya Amara ang dumating. "Umiinom na naman 'yang anak mo, Miguelito," sambit ng matandang donya. "Hayaan mo na siya, Amara dahil baka gusto lang niyang uminom. At dito naman siya sa mansyon umiinom, hindi sa labas. Hindi ba, Hijo?" baling ng matandang don kay Dos. "Yes, Dad," tipid na sagot ng lalaki. "Bahala nga kayong mag-ama riyan at sa loob na ako sa kuwarto dahil baka ma-highblood pa ako," gagad nito na nagmartsa na papasok sa kuwarto. Umupo naman si Don Miguelito sa harapan ng anak. Samantalang kumuha ng isang baso si Dos. Sinalinan niya iyon ng wine at ibinigay sa ama. "Matagal na rin tayong hindi nakapag-uusap ng masinsinan, Hijo," saad nito. "And I know you dahil hindi ka basta-basta umiinom na walang dahilan," dagdag pa nito. Humugot ng malalim na hininga si Dos. At sumimsim siya ng alak. "I have a question, Dad. Is it hard to forget a woman you have s*x one night?" Natawa si Don Miguelito sa sinabi niyang iyon. "Yes and why did you ask about that? Have you ever tried having s*x with a girl for one night?" nakakunot noo na tanong ng kanyang ama. Bumuntong-hininga siya. Sumimsim siya ng alak sa baso. Ngunit napansin niya na tila may nakatingin sa kanya. Kaya sumulyap siya sa itaas at nakita niya na nakasilip si Georgina sa pinto nang kuwarto. Magsasalita na sana siya nang biglang sumigaw ang dalaga. "Multo!" sambit nito na kumaripas ng takbo pababa sa hagdan. "May multo, Papa!" sigaw pa nito. Pero, ang totoo ay wala namang multo, kundi ayaw lang niya na ungkatin ni Dos ang namagitan sa kanila. Tumayo si Don Miguelito. Subalit umiling lang si Dos. "What happened, Hija? Saan ang multo?" sunod-sunod na tanong ng matandang don. "M-May nakita ho akong white lady at black lady na naglalakad s-sa itaas, Papa," utal-utal na aniya. Pinukulan ng masamang tingin ni Dos si Georgina. Ngunit hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. "Maupo ka rito, Hija at dito mo na lang hintayin ang asawa mo," ani Don Miguelito na inalalayang makaupo sa upuhan si Georgina. "Hindi ka lang sanay rito sa mansyon kaya kung ano-ano'ng nakakikita mo. Rito ka muna at ikuhanan kita ng juice," saad pa ng matandang don na dumiretso sa kusina. "A-Ako na ho, Papa," sambit ni Georgina. "Ako na. Dahil baka, red lady ang susunod mong makita," natatawa na wika ni Don Miguelito. 'Kaw muna bahala sa hipag mo, Dos," dagdag pa nito. Lumabas na si Don Miguelito sa kusina kaya sinamantala ni Dos ang sandaling iyon. "Multo ba talaga nakita mo, Misis Sandoval? O, natakot ka lang dahil sa mga naririnig mo?" matigas na saad ni Dos. "Talaga bang balak mong gumawa nang gulo, ha? Ba't kailangan mo pang ungkatin sa papa mo ang tungkol sa atin?" mariin na wika ni Georgina. "Inungkat? I did not mention your name, kaya paanong inungkat ko, ha?" gagad niya. Ngunit hindi na nagsalita pa si Georgina dahil pararating na si Don Miguelito dala ang baso na may lamang juice. "For you, Hija. Inumin mo at makpagkuwentuhan ka muna sa amin ng Kuya Dos mo," wika nito dahilan upang maubo si Georgina. "Sa taas na lang siya, Dad at doon na lang siya maghintay kay Kiel," pagtataboy naman ni Dos. "D-Dito muna ako K-Kuya Dos. Makikinig na lang ako sa kuwentahan ninyo," saad naman niya. Gusto niya kasing makasiguro na walang babanggitin si Dos kay Don Miguelito na siya ang nakatalik nito. Lihim siyang sinulyapan ng masama ni Dos, subalit hindi na lang niya ito pinansin. "Balik tayo sa pinag-uusapan natin kanina, Hijo. Ikaw ba ang may naka-one night stand na babae, ha? Aba'y hanapin mo na siya para may asawa ka na rin tulad ng iyong kapatid at mabigyan mo na 'ko ng apo," masayang pahayag nito. "Actually, Dad ay—" "Uhm, Pa, paano kayo nagkakilala ni tatay?" sabat ni Georgina. "Ay iyon ba? Nakilala ko ang tatay mo dahil nirekomenda siya ng kaibigan ko sa pinagagawa kong rest house noon. Pero, sandali lang muna, Hija dahil may pinag-uusapan pa kami ng Kuya Dos mo," saad nito. "So, ano na 'yon, Hijo? Ikaw ba nakasubok niyon?" baling ng matandang don sa anak. Huminga nang malalim si Dos. Tumingin siya kay Georgina. "Huwag kang sumasabat kapag hindi ikaw ang kinausap dahil iyon ang ayaw na ayaw ko," maawtoridad na saad niya dahilan upang pamulahan ng mukha si Georgina. "Ang kaibigan ko ang nakasubok niyon, Dad. The woman suddenly disappeared so my friend looked for her. But he could not find her. Then he found out na ikakasal na pala ang babaeng nakatalik niya sa mismong kapatid niya," mahabang salaysay niya na sumulyap kay Georgina. "Really!" sambit ng matandang don. "So, ano'ng ginawa ng kaibigan mo, Hijo? Ang sakit naman ng pinagdadaanan ng kaibigan mo. Si Thor ba 'yan?" "No, Dad. Hindi si Thor. And til now ay naguguluhan pa rin ang kaibigan ko," pagsisinungaling niya. "Kayo, Dad? Paano kung halimbawa na kayo nasa posisyon ng kaibigan ko. What are you going to do?" seryoso na tanong niya sa ama. "Ang hirap nga iyang problema ng kaibigan mo, Hijo. Pero, kung ako nasa kalagayan niya ay ipaglalaban ko karapatan ko," saad nito. "Buti na lang ay hindi kayo ganoon ni Kiel dahil hindi naman kayo magkakilala ni Georgina, hindi ba?" wika nito. Sumimsim ng alak si Dos, saka muling tumingin kay Georgina. At hindi sinasadyang nagtama ang kanilang mga mata. "Yeah. I don't know her, Dad. Kaya, nakapagtataka lang ho na ipinakasal ninyo si Kiel sa kanya. Ang babaeng mahirap pa sa kalabaw. At hindi rin ba kayo natatakot na baka pera lang habol ni Georgina kay Kiel. Lalo na't halatang mababang uri ang pinanggalingan niyang pamilya. Baka, maubos kayamanan n'yo sa babaing ito," diin na wika niya dahilan upang maikuyom ni Georgina ang dalawang kamay. Ngumisi si Dos dahil sa nakitang reaksyon ni Georgina. Pero, sa loob-loob niya ay nasasaktan siya. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan na baka, ipa-annul agad ng ama ang kasal ng dalawa. Pero, umaasa siya na sana ay peke ang nangyaring kasal ng mga ito. "Ba't napalayo ka na sa ating usapin, Hijo? Saka, hindi naman gan'yan ang pagkakakilala ko sa pamilya ni Georgina, kaya nakipagkasundo ako sa magulang niya na pakasalan ang kapatid mo," paliwanag ng don. Ngumisi nang nakaloloko si Dos. "Iyon lang ba talaga ang rason, Dad?" "What do you mean, Hijo?" untag ng kanyang ama. "Nothing, Dad. I just want to make sure they are good people dahil hindi n'yo pa kilalang lubusan ang pamilya nila, lalo na ang mahal kong hipag," mariin na wika niya sa salitang 'mahal'. "Excuse me ho, Pa. Sa taas na ho ako, dahil bigla yatang uminit ang ulo sa akin ni Kuya Dos," sabat ni Georgina. "Hindi ka na ba natatakot, Hija?" nag-aalala na saad ng matandang don. "Hindi na po. Sige ho, akyat na ako," wika niya na tumayo na't pumanhik na sa itaas. Pumasok siya sa kuwarto nilang dalawa ni Kiel. At dahil sa inis kay Dos ay kinuha niya ang unan saka iyon pinaghahampas sa pinto. Alam niya na paraan lang iyon ni Dos para inisin siya. Pero, pang-iinsulto ang sinabi nito tungkol sa pamilya niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD