Chapter 6: Haplos

5000 Words
"D-Dos," usal ni Georgina. "Baka may makakita sa atin dito," kinakabahang saad pa niya. "Why did you leave me at the hotel without even saying goodbye?" matigas na sambit ng lalaki. "D-Dos," muling usal niya. Napalunok siya dahil seryosong Dos ang kaharap niya, hindi gaya no'ng isang gabi na laging nakangiti ito. "Gabi-gabi akong bumabalik sa bar, baka sakaling makita, kita ulit do'n," pausang wika nito na gumalaw ang adam's apple. "Halos mabaliw ako sa kahahanap sa 'yo. At ginulo mo ang mundo ko, Georgina. Pero, dito lang pala kita makikita sa mismong araw pa ng kasal mo. But, damn! Ba't sa kapatid ko pa!" impit niyang sigaw, sabay mapaklang ngumiti sa kanya. "H-Hindi ko alam na magkapatid kayo at ngayon ko lang din nakita ang kapatid mo, Dos," pahayag niya, dahilan upang mapamaang si Dos sa kanya. "What do you mean na ngayon mo lang nakita ang kapatid ko?" "No'ng gabi na nakita mo ako sa bar ay masama ang loob ko sa aking magulang dahil pinambayad utang nila ako sa papa mo at ang kabayaran ay ang pakasalan ko ang kapatid mo. Kaya pumayag na ako nang umuwi ako ng gabing magkasama tayo upang matapos na't mabayaran na namin ang aming utang sa papa mo," paliwanag niya. "Sh*t!" inis na sambit ni Dos sabay suntok nito sa pader na dingding dahilan upang masugat iyon. "But why didn't you tell me about that thing when we're together?" "Dahil kakikilala lang natin nang gabing 'yon, Dos." "But you gave me your body. Your v*rgin*ty," sunod-sunod na gagad nito. "Isang pagkakamali lang namagitan sa atin, Dos. Kaya kalimutan mo na 'yon dahil ikakasal na ako sa kapatid mo," saad niya. Tinitigan siya ni Dos. Iniyuko niya ang kanyang ulo dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito. "Para sa 'yo ay pagkakamali lang 'yon, but for me it's a big no!" muling gagad ng lalaki sa kanya. "Magkano utang ng magulang mo kay papa at ako ang magbabayad para hindi matuloy ang kasal ninyo ni Kiel," maawtoridad na saad pa nito. "Lalabas na ako, Dos," pag-iiba niya. Dahil hindi ito nagbibiro sa sinabi nito. "Baka makahalata pa sila at ayaw kong mapahiya ang pamilya ko at ng pamilya mo. Isa pa ay may pinirmahan na kasunduhan si tatay sa iyong papa. Kaya, pasensya ka na," wika niya dahilan upang matigilan si Dos. Binuksan niya ang pinto, saka lumabas na siya palayo roon. Naiwan namang nagtagis ang mga bagang ni Dos. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng malalaking bato sa nangyayari ngayon. "Ba't ngayon ka lang, Georgina?" untag naman ni Mang Andoy nang pumasok si Georgina sa opisina ng attorney. "Marami ho kasing nagbabanyo, Itay," pagsisinungaling niya. Ngunit hindi na sumagot ang tatay niya dahil nariyan na ang attorney na magkakasal sa kanila. Kasabay nito ang dalawang pares na nakasuot ng pormal na damit. At kung hindi nagkakamali si Georgina ay ninong at ninang ang mga ito. "Umpisahan na natin ang inyong kasal," saad ng attorney. Pumuwesto na si Georgina sa harapan, kasunod nito si Kiel na abala sa pagtitipa ng cellphone. Ngunit sa huli ay inilagay iyon ng binata sa bulsa niya. Nasa kasagsagan ng pagsesermon ang lalaking attorney nang pumasok si Dos. Pinagtinginan siya ng mga tao roon, lalo na si Don Miguelito. Nginitihan pa siya ng ama. Kaya gumanti rin siya ng ngiti kahit may kaunting sama siya nang loob dito dahil sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na kagustuhan ng ama na si Georgina ang kabayaran sa utang ng magulang nito. Isa pa ay hindi ganito ang pagkakakilala niya sa kanyang ama. Pinagmasdan niya ang magulang ni Georgina. Halata sa mga ito na talagang hirap sila sa buhay. Ganoon din ang maliliit pa nitong mga kapatid at dalawa lang sa mga ito ang binatilyo na. Pero, hindi ang pagpapakasal sa taong hindi mo mahal ang sagot sa kahirapan. Kaya wala sa sariling tinawag niya ang dalaga. "Georgina!" sambit niya dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "What's wrong, Son?" untag sa kanya ni Don Miguelito. "Yes, Bro? Why did you call my wife's name?" tanong naman ni Kiel. "Gutom ka na ba? Kung gutom ka na ay mauna ka na sa El restaurante," pagbibiro pa nito. "Damn! She's not your wife! She's mine!" Iyon sana ang gustong sabihin ni Dos, subalit nagsusumamong mga mata ang nakita niya mula kay Georgina. "U-Uhm, S-Sorry. Ituloy niya na ang kasal," saad niya. Ipinagpatuloy ng lalaking attorney ang pagsesermon sa dalawa. Samantalang umalis na siya roon nang walang paalam dahil hindi niya kayang makita at masubaybayan ang pag-iisang dibdib ng babaeng itinatangi ng puso niya at ng kanyang kapatid. Sumakay si Dos sa kotse niya. Kinuha niya ang dalawang ticket at pinunit iyon ng pira-piraso. "You're mine, Georgina! You're mine!" impit niyang sigaw. Ngunit kaya pa ba niyang bawihin ang dalaga gayung ikinakasal na ito sa kanyang kapatid. Pero, kasunduhan lang ang nangyari kaya, baka, peke lang ang kasal ng dalawa. Isinandal niya ang kanyang ulo sa upuhan ng kotse. Pumikit siya, kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamay. Subalit naalala niyang tawagan si Thor. "Buddy, I need someone to talk to now," malungkot na aniya sa kaibigan. "Bakit, ano'ng nangyari? May problema ba?" untag naman nito. "Kita na lang tayo sa bar. Dating gawi," pahayag niya rito. Hindi niya na hinintay pang magsalita si Thor dahil binabahan niya na ito nang tawag. Pinaandar niya na ang kanyang pulang kotse. At ngayong araw ay ibubuhos niya ang nararamdamang sama ng loob. Walang isang oras nang makarating siya sa bar kung saan doon niya unang nakita si Georgina. Bumaba na siya sa sasakyan niya. At naroon na rin si Thor dahil naka-park na ang kotse nito. Maaasahan talaga ito kahit kailan. Kahit nagresign na siya bilang pulis ay hindi pa rin ito nagbabago sa kanya at ganoon din naman siya. Pinapasok na siya ng guard. Nakita niya na naka-order na at umiinom na si Thor sa pinili nitong puwesto. Lumapit na siya. Kumuha siya ng isang boteng alak. Binuksan iyon saka niya nilagok. Sumulyap si Thor sa kanya. "Masyado bang seryoso ang problema mo, Buddy at nag-aya ka rito sa bar?" "Nakita ko na siya, Buddy. At ikinakasal na siya sa kapatid ko," sagot ni Dos, sabay lagok niya ng alak. Tumitingin sa kanya si Thor. Tingin na ngatatanong. Pero, nagtanong na rin ito sa kanya. "Sino'ng nakita mo, at ikinakasal na kay Kiel?" "Si Georgina, Buddy," sagot ni Dos dahilan upang maibuga ng lalaking pulis ang alak na nasa bibig nito. "Hindi ka nagbibiro, Buddy?" gagad ni Thor na pinunasan ang bibig gamit ang kamay. "Yeah. Kaya iniwan ko na sila dahil mantakin mo— na sa ilang gabi ko siyang hinahanap ay makikita ko lang pala siya sa araw ng kasal niya. Saklap, 'no?" ngumising aniya na muling lumagok ng alak. "Tapos sa kapatid ko pa talaga, p*tang'na!" sambit pa niya na ibinagsak ang bote ng iniinom na alak. "Relaks ka lang, Buddy. Saka, paanong ikinakasal na si Georgina sa kapatid mo?" nagtatakang wika ni Thor. "Ginawa siyang pambayad ng tatay niya kay papa, kapalit ng pagpakakasal niya kay Kiel. No'ng time na nakita natin siya sa bar ay 'yon ang problema niya na hindi naman niya in-open sa akin. Ngayon ko lang nalaman ang problema niya, so I was surprised when I saw her marrying my brother," galit na pahayag niya. Muli niyang kinuha ang bote ng alak, saka nilagok hanggang maubos niya iyon. Kumuha na naman siya ng isa subalit, pinigilan siya ni Thor. "Masyado pang maaga para uminom ka ng marami, Buddy," pagpapaalala nito. "Hayaan mo muna akong uminom, Buddy para mawala saglit ang nararamdaman kong sama ng loob," wika niya. Bumuntong-hininga si Thor. Ngayon lang nito nakita na seryoso ang kaibigan. "Ano'ng gagawin mo ngayon?" untag nito. Sandaling huminto si Dos sa pag-inom ng alak. "I don't know what to do now, Buddy." "Sa ngayon. Pero, paano sa susunod na mga araw?" muling tanong ni Thor. Hindi sumagot si Dos, ngunit nagpakawala na lang siya ng hangin. Hindi na rin nangulit si Thor. Hinayaan na lang muna niyang maglabas ng sama ng loob ang kaibigan sa pamamagitan ng pag-inom nito ng alak. "Waiter!" tawag ni Dos. Lumapit ang isang waiter sa puwesto nila. "More bottles of whisky, please," utos niya rito. "Okay, Sir," sagot ng waiter. Umalis na ito sa kanilang harapan. At pagbalik nito ay dala na nito ang limang bote ng whisky, saka nagpaalam na rin ito. "Marami ka nang nainom, Buddy. Magmamaneho ka pa pauwi sa inyo," nag-aalala na saad ni Thor. "Mas gusto kong malasing, Buddy. Para pag-uwi ko sa mansyon ay makatutulog agad ako. At kung alam ko lang na ganito mangyayari ay hindi na sana ako pumayag na mamalagi roon dahil alam kong makakasama ko si Georgina," malungkot na sambit niya. Walang nagawa si Thor kaya pinanood lang nito ang kaibigan. Hindi rin naman niya puwedeng sabayan si Dos sa pag-inom dahil may operasyon pa sila mamayang gabi. NAGTATAKA naman si Don Miguelito dahil biglang nawala si Dos sa kasal ng kapatid nito. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya ang anak kaya tinawagan niya ito, subalit hindi sinasagot ni Dos ang tawag niya. Kaya naisip ng matandang don na baka may biglaang lakad ito. "Tingnan mo nga anak mong 'yon, Miguel! Ang bastos talaga dahil hindi man lang nagpaalam sa 'yo! Para siyang kabute na biglang susulpot at biglang mawawala!" pabulong na gagad ni Donya Amara. "Babalik iyon mamaya sa mansyon, Amara dahil doon na siya mamamalagi. At isa pa ay baka may biglang meeting iyon," pagdedepensa ng matandang don sa asawa. "Hay, naku, Miguelito! Kahit kailan talaga ay lagi mong kinakampihan ang batang iyon kaya nagkakaganoon ang ugali!" muling gagad ng matandang donya. Napailing na lang si Don Miguelito sa sinabi ng asawa. Hindi niya na pinatulan ang ugali nito dahil baka lumaki pa ang kanilang deskusyon. Hindi naman mapakali si Georgina sa kinatatayuhan niya dahil kahit pabulong na nag-uusap ang magiging biyenan niya ay naririnig pa rin niya ang mga ito. "Saan kaya pumunta si Dos?" bulong ng isip niya. Tinawag siya nito kanina, pero hindi niya ito nilingon. Gusto niya. Gustong-gusto niya na i-atras ang kasal pero kahihiyan iyon sa kanilang pamilya kung aatras siya. Narito na rin siya kaya itutuloy niya na kahit hindi niya gusto ang nakikita niyang pag-uugali ni Kiel. "You may kiss the bride," sambit ng attorney. Hindi niya tuloy alam kung magpahahalik ba siya kay Kiel, subalit hindi pa man din siya nakaharap sa binata ay hinalikan na siya nito sa labi. "This is just a drama, My wife," bulong nito. "But prepare yourself because we'll be in bed later," sambit pa nito, sabay ngisi nang nakaloloko. Magsasalita sana si Georgina ngunit nilapitan na sila ng kanyang mga kapatid. Binati siya ng mga ito. At babatihin din sana nila si Kiel subalit naglakad na ito palabas doon. "Parang ang suplado ng asawa mo, Ate," komento ni Carla. "Oo nga, Ate. Saka pala, roon ka na ba titira sa kanila?" saad naman ni joy. "Oo. Iyon ang usapan namin nila itay at inay. Pero, puwede n'yo naman akong pasyalin at iyon ang ipapaalam ko kay Don Miguelito at Donya Amara," wika niya. "Hindi ka na uuwi sa atin, Ate? Pero, 'di ba ay pinagkasundo ka lang sa anak nila?" gagad naman ni Ron-Ron, ang bunso nilang kapatid. "Huwag kang maingay, Ron baka marinig ka nila itay," saway niya. "Picturan ko na kayong pito. Mang Andoy, Aling Rebecca, tumabi na ho kayo sa mga anak ninyo at kuhanan ko kayo ng larawan," masayang saad ni Selena. Tumabi ang mag-asawa sa kanilang mga anak, kasabay ng pagkuha ng larawan sa kanila ni Selena. "Siguraduhin mong maganda kami riyan, Ate Selena, ha?" saad ni Carla. "Oo. Pero, mas maganda pa rin ate n'yo dahil siya ang bride ngayon!" bulalas ni Selena dahilan upang umismid ang mga ito. "O, kami naman ng ate ninyo. Heto ang phone at gandahan ninyo pagkuha ng anggulo namin, ha?" sambit ng dalaga na ibinigay kay Carla ang phone. "Bago 'yong cellphone mo, ha! Baka sa iba na naman nanggaling ang cellphone na 'yan?" gagad ni Georgina. "Saka ko na ikukuwento sa 'yo, Sissy baka masira mood mo kapag nalaman mo, eh!" gagad nito. "Ikaw talaga. . . puro kalokohan ang alam mo!" sawata ni Georgina. "Harap na kayo mga Ate, rito at kuhanan ko na kayo. 1, 2, 3, smile!" masayang sambit ni Carla, kasabay ng pagpindot nito ng white button ng camera. "Hayan, tapos na!" saad pa niya na Ibinalik ang cellphone kay Selena. "Ow, ang ganda natin dito, Sis! Para tayong pakawalang artista!" natatawa na sabi nito. "Pakawala? Baka, nakawalang artista?" pagtatama naman ni Georgina. "Basta may artista, 'yon na 'yon!" ngisi nito. "Tara na sa labas at gusto nang kumain ng litsong kaldero." "Ewan ko, sa 'yo! Kalokahan mo talaga, ano?" "Eh, ang seryoso mo, eh! Porke, may asawa ka na. Pero, hindi ko talaga tipo 'yong asawa mo na Kiel na 'yon!" gagad nito. "Mas bet ko iyong kuya niyang dumating. Pero, may nahalata ako kanina na halos sabay kayong lumabas," wika nito. "H-Hindi ko napansin," sambit niya na hindi tumingin kay Selena. "May dapat ka bang sabihin sa akin, Georgina?" "Saka na lang natin pag-upan, Selena kapag handa ko ng sabihin sa 'yo." "Sabi ko na nga ba, eh! De, lumabas din, 'di ba? Kilala kita, babae! Ako pa, eh, magaling mangilatis 'to, pati bulsa ng tao," pagbibiro ni Selena. "Pero halika na. Sa labas na tayo dahil nagsisilabasan na sila," dagdag pa nito. Ngumiti lang si Georgina. Lumabas na nga sila. Binati pa sila ng magkaparehang ninong at ninang na kinuha ni Don Miguelito saka na sila bumaba. "Nasaan si Kiel?" untag ni Don Miguelito na palinga-linga roon. "Bigla na lang umalis ang anak mong iyon at iniwan niya na ang kanyang asawa," dagdag pa nito. "Nagtext sa akin ang anak mo. Nauna na raw siya sa El restaurante. Kaya, sumunod na lang tayo," wika naman ni Donya Amara. Nagkibit balikat na lang ang matandang don. "Kitakits na lang tayo sa restaurant mga Balae," baling nito kina Mang Andoy at kay Aling Rebecca. "Sige, Balae at susunod na kami," sagot naman ng mga ito. Sumakay na sa kotse ang mag-asawang Sandoval. Kaya sumunod na rin sila, kasama si Georgina. Pagdating nila sa El restaurante ay sila lang ang tao roon dahil ayaw rin ni Kiel na may ibang tao roon maliban sa kanila. Naabutan nila na kumakain na ang binata at walang reaksyon ito nang dumating sila. "Ka-turn off talaga asawa mo, Sis," bulong ni Selena. "Nauna na dahil lang sa gutom? Grabe talaga siya! Talagang hindi ko siya gusto para sa 'yo. Pero, wala tayong magagawa dahil nga pinagkasundo na kayong dalawa ng tatay niyang don," dagdag pa nito. "Hayaan mo na lang siya, Sis. Kain na lang tayo dahil gutom na rin ako," saad niya. Umupo na silang lahat sa mga upuhan nakahain roon, kasabay ng pagserve ng menu ng tatlong waiter. Pagkatapos ng kasal na iyon ay nagsiuwihan na sila. Ngunit dumiretso muna si Georgina sa kanila, kasama si Kiel upang kuhanin ang mga gamit dahil gusto ni Don Miguelito na roon siya tumira sa mansyon. "Faster! Dahil ayaw ko nang pinaghihintay ako!" matigas na wika ni Kiel. "H-Hindi ka na ba bababa?" untag ni Georgina. "At bakit pa? And no need dahil nakita ko na magulang mo't mga kapatid mo!" gagad nito. Hindi na sumagot pa si Georgina. Bumaba na siya ng kotse ngunit may pahabol ang asawa sa kanya. "Don't think I want to take you," sambit nito. "Hindi ko rin naman gustong ihatid mo ako!" gagad niya dahil sa yabang ng lalaking asawa. Pabagsak niyang isinarado ang pinto. At pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay. Binilisan niyang nag-ayos ng mga gamit niya. Kaunti lang ang mga dinala niya at halos pajama pa ang mga iyon. Ang ilan ay ang pagpasok niya sa trabaho. Nagpaalam na siya sa kanyang magulang, pati na rin sa mga kapatid niya. Lumabas na siya ng bahay. Naabutan niya na nagyoyosi si Kiel sa labas, habang nakasandal ito sa kotse. Hindi niya ito pinansin. Ni hindi rin siya nito tinulungan sa dala niyang malaking bag. Kung hindi lang sa utang nila ay hindi siya titira sa mansyon ng mga ito. Wala. Hindi sila mayaman kaya makisasama na lang siya sa alon ng dagat. Binuhat niya ang malaking bag saka iyon pinasok sa loob ng kotse. Pagkatapos ay sumakay na rin siya kasunod si Kiel. Hindi niya ito inimikan. Dahil hindi rin naman siya nito pinansin. "Iyan na ba lahat ng gamit mo?" untag ni Kiel sa kanya. Aba! Ang h*das, nagsalita! "Hindi. Marami pa akong iniwan sa bahay," walang gana na sagot niya. Tiningnan siya ni Kiel. "Minsan sa isang buwan ka lang uuwi sa inyo kaya dapat dinala mo na lahat ang gamit mo," saad nito. "Hindi kita tatay para sundin ko. Isa pa, nagpakasal lang ako sa 'yo dahil sa utang ng magulang ko sa tatay mo," wika niya. Ngunit nagulat siya dahil biglang hinablot ni Kiel ang braso niya. "Pinakasalan lang din kita dahil sa mamanahin ko sa papa ko! Ngayon, magtiis ka sa ugali ko dahil wala sa bokabularyo ko ang rumespeto ng babae!" asik nito na pabalyang binitiwan ang braso niya. Kinabahan siya tuloy sa ipinakita ng asawa sa kanya. Kung alam lang niya na ganito ang lalaking pakakasalan niya ay hindi na sana siya pumayag pang magpakasal! Tumahimik na lang siya. Pinaandar na ni Kiel ang sasakyan nito. Papasok na sila sa malawak na bakuran ng mansyon nang mapansin ni Georgina ang isang mamahaling sasakyan sa kanilang likuran. "Wow! Whatta handsome car!" sambit ni Kiel na nakatingin sa side mirror. Napansin din pala nito ang kotse na nakasunod sa kanila. Hininto ni Kiel ang sasakyan. Bumaba ito nang hindi man lang pinagbuksan ng pinto ang asawa. "Gentledog talaga itong lalaki na 'to!" inis na sambit ni Georgina. Bumaba na rin siya, kasabay ng pagbaba ng may-ari ng mamahaling sasakyan dahilan upang manlaki na naman ang dalawang mata niya. "Dos?" pabulong na sambit niya. "Bro?" nakakunot naman na wika ni Kiel nang bumaba ang kuya niya sa sasakyan nito at pasuray-suray ito kung maglakad. "Is that your car?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Kiel. "Yeah. Why?" tanong na saad rin ni Dos. "That's very expensive, pero nakabili ka pa rin niyan? Si daddy ba nagbigay ng pambili mo niyan? At ibinigay niya na ba mana mo nang hindi ko alam," gagad ni Kiel. "I bought this car with my own money. At hindi sa mana na sinasabi mo," gagad rin ni Dos. Pasuray-suray itong naglakad na hindi man lang pinansin si Georgina. Nilampasan niya ang dalaga dahil sa nararamdamang sama nang loob dito. "What happened to you, Son? Ba't bigla ka na lang nawala kanina? At hindi mo sinasagot ang tawag ko," bungad ni Don Miguelito nang salubungin siya nito. Nagmano si Dos sa ama. "I'm sorry, Dad, because someone called me earlier. Hindi na ako nakapagpaalam sa inyo kaya pasensya na ho," hinging paumanhin niya. "Pero, ba't ka nakainom?" untag na naman ng papa niya. "Nagkayayahan ho after our meeting dahil birthday ng isang staff natin sa kumpanya," paliwanag niya. "Oh, really?" sabat naman ni Kiel. "Umalis ka ng walang paalam kaya kabastusan ang ginawa mo. Then pupunta ka rito na gan'yan ka? Former SPO2 ka pa naman but you don't know how to act properly," gagad pa ni Kiel na ikinalaki na naman dalawang mata ni Georgina sa narinig. "I don't have time to deal with you, My brother. At hindi ako pumunta rito para makipag-away o ano," depensa ni Dos. "Tumigil na kayong dalawa dahil baka kung saan na naman mapunta ang usaping ito. At Kiel, pinakiusapan ko ang Kuya Dos mo na rito na siya mamamalagi sa mansyon. Matanda na ako, kaya gusto ko kayong makasamang dalawang magkapatid," pahayag ni Don Miguelito. "What, Miguelito? Rito mo patitirahin ang anak mo? Kaya pala naglinis ang mga katulong sa guest room. At himala yata na titira na siya rito," gagad ni Donya Amara nang lumabas ito sa pinto, kasabay ng pagpukol nito nang masamang tingin kay Dos. "Yes, Tita Amara. Rito na ho ako titira," depensa ni Dos. "Hindi ikaw ang kinausap ko. Bastos ka talaga!" asik nito sa kanya. "I have two ears to hear what you say, Tita Amara. And one more thing, this is also our mansion, so you have no right to ban me from living here," sarkastiko na saad niya sa kanyang step mother. "He's right, Amara. Isa pa ay kagustuhan kong dito tumira ang anak ko. At ako ang masusunod rito," matigas na wika ni Don Miguelito. "Pero, hindi kayo nagpaalam sa amin ni mama, Dad. Para mapaghandaan sana namin ang pag-uwi ng Mahal Kong Kuya," wika naman ni Kiel sabay ngisi nang nakaloloko. "No need. Dad, sa loob na ho ako at gusto ko nang magpahinga," paalam ni Dos na dumiretso na sa loob. Ngunit may pahabol pa siya. "Iyong gift ko pala sa inyo ng asawa mo ay ipababalot ko pa lang," saad niya saka tuluyan na niyang tinungo ang guest room. Hindi naman alam ni Georgina kung lalapit ba siya o ano dahil sa mainit na deskusyon ng magkapatid. At bakit tita ang tawag ni Dos sa nanay ni Kiel? Magkapatid lang ba ang dalawang lalaki sa ama? "Hija! Halika na rito at malapit ng magdilim," tawag sa kanya ni Don Miguelito kaya tumigil siya sa pag-iisip. Kanina pa siya roon pero ngayon lang siya nito napansin. Sabagay dahil nahihiya rin naman siya kung nasa harapan siya ng mga ito habang nagbabangayn. Naglakad siya palapit sa kanila. "Mano ho, Don Miguelito, Mano ho, Donya Amara," pagbibigay niya ng respeto sa mga ito. "Pasensya ka na, Hija kung malakas ang boses namin dito, dahil ganito talaga kami," paliwanag ng matandang don. "Okay lang po," sagot niya kahit ang totoo ay kinakabahan siya. "From now on ay talagang masanay ka na sa amin lalo na at dito na titira ang aking panganay na kapatid," matigas na wika ni Kiel. Hindi sumagot si Georgina. Ngumiti lang siya ng tipid. Subalit kitang-kita niya kung paano siya taaasan ng kilay ni Donya Amara. "Pumasok na tayo, Hija. At bahala na ang mga katulong na kukuha sa mga gamit mo sa loob ng kotse ng iyong asawa," saad ni Don Miguelito. Tumango lang siya. Samantalang umalis saglit si Kiel dahil nagring ang telepono nito. "Alis muna ako, Dad, Mom," pagpapaalam ng binata nang bumalik ito. "At saan ka na naman pupunta?" gagad ng matandang don. "Sa barkada ko, Dad at nakalimutan kong may practice pala kami ngayong gabi ng martial," paliwanag nito. "Hindi mo ba puwedeng ipagpaliban 'yan, Hijo? Bagong kasal lang kayo ng asawa mo. Imbes na maghoneymoon kayo ay mga barkada mo na naman ang aatupagin mo," sermon ng matandang don. "Babawi ako mamaya sa kanya, Dad. Iyong maririnig ninyo ang ungol niya," ngisi na wika ni Kiel dahilan upang mapalunok si Georgina. Tinawag ni Kiel ang dalawang katulong upang kuhanin ang mga gamit. "Myrna, Lyn, samahan ninyo ang inyong senyorita sa kuwarto ni Kiel," utos ni Don Miguelito. "Opo, Don Miguelito," sagot ng dalawang katulong. "Salamat ho, Don Miguelito. Sa inyo rin ho, Donya Amara," pagpasasalamat niya. "I said, papa at mama ang itawag mo sa amin dahil asawa ka na ng aming anak," pagtatama ng don sa kanya. "Hayaan mo na nga siya, Miguelito," inis na sambit ni Donya Amara na tinalikuran na sila nito. "Pagpasensyahan mo na iyong mama, Hija dahil gan'yan lang siya," wika naman ni Don Miguelito. "Okay lang ho 'yon," sagot niya. Tuluyan na siyang nagpaalam sa matandang don. At sumama na siya sa mga katulong sa 2nd floor ng mansyon. Ngunit nahagilap ng dalawa mata niya ang pigura ng hubad na lalaki na nakadapang nakahiga sa kama. Nakabukas kasi ang pinto ng guest room kaya hindi sinasadyang mapasulyap siya roon. "Dos," usal na naman niya. Mataman niyang tinitigan ang lalaki subalit bigla niyang binawi ang tingin dito dahil nakatingin na pala ito sa kanya. Kinabahan tuloy siya dahil sa klase ng tingin na ipinukol ni Dos sa kanya. Tumikhim siya. Tumalikod na siya at sinundan niya na ang dalawang katulong. Ngunit katapat lang din pala ng kuwarto nito ang kuwarto ni Kiel. Shuta! "Dito na po ang kuwarto ninyo ni Senyorito Kiel, Senyorita," wika ni Lyn. "Georgina na lang itawag n'yo sa akin dahil tulad n'yo ay nanggaling din ako sa mahirap na pamilya," pahayag niya. "Baka, pagalitan ho kami ni Don Miguelito, Senyorita. Pero, gan'yan din sinabi sa amin ni Senyorito Dos dahil ayaw rin niyang magpatawag sa amin ng senyorito," paliwanag ni Myrna. "Hindi tulad ni Senyorito Kiel na magagalit kapag hindi namin siya tinawag na senyorito. Gusto pa nga niya na sir o senyor ang itawag namin dahil siya na raw lahat ang magmamana ng kayamanan ng kanyang ama. Ni sa pagtatarabaho ay lagi niya kaming sinisita katulad ng nanay niyang impakta!" gagad na pahayag ni Lyn dahilan upang sikuhin siya ni Myrna. "Baka sabihin ni Senyorita Georgina ay tsismosa tayo," saway nito sa katabing katulong. "Okay lang ho. At Georgina lang din itawag n'yo sa akin. Saka, tayo lang din makakaalam ng mga sinasabi ninyo," saad niya sa mga ito. "O, sige, Georgina. Maiwan ka na namin, ha? Bente-tres lang kami kaya huwag mo na kaming ho-in. Mukha lang kaming stress kasi hindi pa kami naliligo. Hindi rin kasi tayo nagkalalayo ng edad, eh. At saka na lang tayo magkuwentuhan kapag wala si Donya Amara dito. Baka, mahuli niya pa kami," saad ni Lyn. "Okay, Lyn at Myrna. Salamat ulit sa inyong dalawa," saad niya sa dalawang katulong. Lumabas na ang mga ito. Kaya naiwan na lang siyang mag-isa roon. Inilibot niya ang dalawang mata sa kuwarto na iyon. Pakiramdam niya ay hindi magiging maganda ang takbo ng buhay niya kay Kiel. Pero, narito na 'to. Isa pa, hindi peke ang kanilang kasal, kundi ay totoo. Kaya, gagawin na lang niya ang dapat gawin upang maging asawa ng isang Kiel Sandoval. Ngunit ang tanong? Kaya ba niya? Hindi niya ito mahal kaya paano? Isa pa ay kasama nila sa isang bubong ang lalaking nakauna at nakakuha ng lahat-lahat sa kanya. Si Dos. Nagpakawala siya ng hangin sa isiping iyon. Iiwasan na lang niya si Dos. Iyon lang naman ang paraan. Pero, paano? Mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ngayon. May sagot ang kanang utak niya, pero maya't maya ay may katanungan na naman ang kaliwang utak niya niya. Tumayo siya. Kumuha siya tuwalya dahil gusto niyang maligo upang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Tinungo niya ang banyo saka na siya naligo. Pagkatapos ay kumuha siya ng sleeveless at pajama upang isuot iyon. Nagpatuyo siya ng buhok. Humiga siya sa kama, maya't maya ay napapipikit na ang dalawa niya. At hindi niya alintana ang lalaking pumasok sa kuwarto. "Babe," usal ni Dos. Umupo siya sa kama. Tinitigan niya ang natutulog na dalaga. Mapait siyang ngumiti dahil kailan lang ay pinagsaluhan nila ang isa gabi. Pero, ngayon ay asawa na pala ito ng kapatid niya. Hinaplos-haplos niya ang mukha ni Georgina, pababa sa labi nito. Napalunok siya. Gusto niyang halikan ang labi nito, pero kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili. Lumabas na siya sa kuwartong iyon dahil baka biglang dumating ang kapatid niya. Bumalik siya sa kanyang kuwarto. Naligo siya upang mahimasmasan siya dahil marami siyang nainom kanina. Pagkatapos niyon ay nagbihis na siya, bumaba na siya dahil naramdaman niya na gutom na siya. Samantalang napabalikwas naman si Georgina dahil pakiramdam niya kasi ay may may humaplos sa kanyang pisngi subalit mag-isa lang naman siya sa kuwarto. Bumangon na siya. Kumalam ang kanyang tiyan kaya tiningnan niya kung ano'ng oras na. Alas siyete na pala ng gabi. Lumabas na siya nang kuwarto at bumaba na siya. "Mabuti naman at bumaba ka na dahil paakyat sana ako para gisingin ka. Sabi kasi ni Dos ay tulog ka, eh!" saad ni Lyn. "A-Alam niya na—nakatulog ako?" untag niya rito. "Oo. Kabababa lang rin niya kasi. At hindi ka nga niya pinagigising sa akin. Kaso ang sabi ko ay baka gutom ka na dahil gabi na," depensa nito. "G-Gano'n ba? S-Salamat, Lyn. Gutom na nga ako dahil kaunti lang ang kinain ko kanina sa reception," paliwanag niya. "Kung ganoon ay halika na," sambit nito na hinila ang kanang pulsuhan niya patungong kusina. "Gising na, Georgina mo, Dos, este—gising na siya. At gutom na rin katulad mo, kaya magsabay na lang kayong magdinner. Dahil kayong dalawa lang naman ang kakain, eh! Umalis si Don at Donya kaya kayo na bahala rito, ha?" wika ng katulong na mabilis na naglakad palabas ng kusina. "Sit down and eat with me," saad ni Dos. Kinuhanan siya nito ng plato, kutsara, at tinidor. Ngunit nakakamay naman itong kumakain dahilan upang mapatitig siya sa sugatang kamao nito. "S-Salamat, pero magkakamay rin ako dahil hindi ako sanay gumamit ng tinidor," nahihiyang aniya. Tiningnan lang siya ni Dos. Ngumiti ito sa kanya, ngunit iniiwas niya ang tingin dito. "Kumain ka na. Para tumaba ka naman ng kaunti. Ang gaan-gaan mo kasi nang binuhat kita nong isang linggo," pagbibiro na wika nito dahilan upang pamulahan siya ng mukha. "P'wede bang huwag mong banggitin 'yan dito dahil baka may makarinig sa atin, lalo na ang kapatid mo," gagad niya rito. "Wala naman siya rito, kaya huwag kang matakot. Saka, hindi naman niya malalaman na magkakilala na tayo bago ka magpakasal sa kanya," paliwanag nito. "Kahit pa!" matigas niyang sambit. "Saka, tumira ka lang ba rito dahil alam mong dito na ako titira, ha?" gagad niya. Tumigil sa pagsubo ng kanin si Dos. At tumingin ito sa kanya. "Hindi ko pa man din alam na ikakasal ka sa kapatid ko ay rito na talaga ako titira dahil pinagbigyan ko ang kahilingan ni papa," depensa nito. "At hindi ko rin naman gustong makasama ang babaeng nakaniig ko ng isa gabi na ngayon ay hipag ko na dahil katulad mo ay naiilang din ako," dagdag pa ni Dos. Naghugas na ito ng kamay. At tinalikuran na siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD