Pagkatapos na maghandog ng bagong pangalan ni Emperor Hadrian kay Prinsesa Aubriella ay malakas na dumagundong ang masayang hiyawan ng lahat na siyang ikinanginig ng buong palasyo. May ilan pa sa kanila na tumatalon habang magkayakap at may ilan pang napaiyak dahil sa labis na tuwa. "Mabuhay ka, Prinsesa Aubriella!" "Sa wakas dumating na rin ang iniintay na pag-asa ng buong emporyo!" "Labis na nagagalak kami sa iyong pagdating sa palasyo!" "Sobrang maligaya kami sa inyong pagdating, Prinsesa Aubriella!" "Ngayon ay magkakaroon na rin ng liwanag ang palasyo pagkatapos ng ilang taon!" "Nagkaroon na rin ng opisyal na tagapagmana ang ating emperor! Magpapatuloy ang dugo ng mga Suzdal na mamuno sa buong emporyo!" "Maitatama na ang lahat sa kanilang lugar! Talagang isang biyaya ang pagda