Princess 11

1701 Words

Sa isang iglap lang ay nagbago muli ang naging pamumuhay ni Prinsesa Kataleya. Ngayon, tanging sila na lang ni Nana Remy ang naiwan sa loob ng malawak na palasyo na iyon. Dahil kahit ang mga kawal na siyang bantay ng kanyang palasyo ay sumunod na nag-alisan para lumipat sa palasyo ni Prinsesa Aubriella. At si Nana Remy lang ang tanging hindi sumubok na abandonahin ang munting prinsesa. "Mga lapastangan sila! Mga walang utang na loob! Pagkatapos sila bigyan ng magandang trabaho ay ganito ka nila itra-trato!" galit na galit na bulalas ni Nana Remy at napahawak sa tapat ng kanyang dibdib. Nang lingunin ni Nana Remy ang kanyang katabing prinsesa ay agad siya napatikom ng bibig. Magmula kasi na mag-alisan ang mga kawal ay hindi na umimik muli si Prinsesa Kataleya. Tulala lamang ito sa kawalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD