Dahil tungkol sa unang prinsesa ang siyang pag-uusapan nina Count Bardoz at Sir Lenox ay naisip nila na magtungo sa mas pribadong lugar. Agarang inilibot ni Count Bardoz ang tingin para maghanap ng lugar o sulok kung saan sila maaaring mag-usap na walang makakarinig sa kanila. Ang problema ay nagkalat ang mga mersenaryo at mga kasamahan na kawal ni Sir Lenox sa paligid. Masasabi niya na hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan nila ang unang prinsesa. At sa tingin din ng count ay hindi magandang pag-usapan nila ang unang prinsesa kung nasa paligid lamang nila ito. Humugot muna nang malalim na hininga si Count Bardoz bago malakas na pinakawalan ito. "Sige, doon tayo mag-usap sa aking mansyon," napipilitang hayag niya, "Ngunit ikaw lamang ang pinapayagan ko na pumasok sa aming bayan. M