Kanina pa ako hindi ako mapakali sa aking kinauupuan habang nakaabang sa pagbukas ng pintuan ng opisina ni Count Bardoz. Dahil din sa labis na nararamdaman na kaba ay hindi ko maiwasan na ngangatin ang kuko ko sa aking hintuturo. "A-Ano ba kasi ang p-pag-uusapan nila?" pabulong na tanong ko pa sa aking sarili, "A-Ano kaya ang nalaman ni Sir Lenox t-tungkol sa akin? A-Alam na kaya nila ang ginawa kong pagtakas sa aking p-palasyo?" Pagkatapos ay problemadong napasabunot ako sa aking buhok. Halos mabaliw na talaga ako ngayon sa kakaisip dito. Paano kung dahil sa kanyang nalalaman tungkol sa unang prinsesa ay malaman niya na ako pala ang unang prinsesa? Kailangan ko mapigilan iyon na mangyari iyon. Dahil sa oras na mabunyag ang aking sikreto ay wala na akong dahilan pa para manatili pa sa