Hindi si Sir Aziel ang kasa-kasama ko kung hindi magiging mainitin ang ulo niya at bigla na lang magsusungit. Kaya medyo inaasahan ko na rin na mauuwi sa ganito ang tagpo ang pangyayari. Lalo pa na mainit talaga ang dugo at hindi agad nagtitiwala si Sir Aziel sa mga katulad naming dayo. Dahil siyempre nang bago pa lang ako sa bayan ay naranasan ko mula sa kanya ang diskriminasyon niya sa mga dayong katulad ko. Medyo umayos na ang pakikitungo niya sa akin magmula na magkasama kami noon sa bahay ampunan. Pagkatapos ay ako pa ang nagsasanay sa kanya dahil sa kagustuhan niya na mapalakas ang kanyang sarili. Kaya masasabi ko na bahagyang napalapit na rin ang loob namin sa isa't isa kumpara noon na halos isuka namin ang bawat isa. Kung umasta siya ngayon ay parang gwardiya ko na laging nakab