Dahil sa pinapakitang kompiyansa ng aking mga kasamahan ay bahagyang nakampante na rin si Trenton. Gayun pa man ay nanginginig na hinawakan niya ang aking kamay na tila ba pinapasa niya roon ang kanyang natitirang lakas. "Umaasa kami sa magandang balita, binibini," seryosong sambit pa niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko, "Mag-iingat kayong lahat." Malapad naman na ngumiti ako sa kanya. "Pangako iyan, Trenton," kompiyansang sambit ko, "Makakaasa ka sa aming kakayahan. Ilang araw kaya namin pinaghandaan ito. Kaya huwag ka na mag-alala at malalampasan natin ang pagsubok na ito." Dahan-dahan na napatango naman ng kanyang ulo si Trenton bago napipilitan na binitawan ang aking mga kamay. Pagkatapos ay nagpaalam na siya at umalis kasama ang kanyang mga kasamahan na salamangkero. Sila ka