Princess 58

1775 Words

Pagkatapos na ipaalam sa akin ni Sir Lenox ang tungkol sa kakayahan nang may dugong Suzdal ay panandalian na natigilan ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko akalain na hanggang sa ganitong kalalang sitwasyon ay susundan ako ng anino ng aking nakaraan. Tila pinamukha sa akin ng sandaling ito na kahit anong pakikipaglaban o paghihirap ang gawin ko ay hinding hindi ko matatalo ang demonyong si Noir dahil wala naman akong dugong Suzdal. Ito ang mapait na katotohanan sa aking katauhan na matagal ko ng gustong kalimutan. Iyon ay bilang unang prinsesa ng emporyo na walang kahit anong bahid ng dugong Suzdal. Tinagurian pa nga ako ng lahat bilang peke at nagdadala ng kamalasan sa buong emporyo. "Suzdal..." puno ng poot ko pang pagbanggit para nagtatakang mapalingon sa akin si Sir Lenox. May

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD