Dalawangpung minuto... Mayroon akong dalawangpung minuto para tapusin nang tuluyan ang kaguluhan na ito... Pilit na napangiti ako habang inihahanda ang sarili sa gagawing pakikipaglaban. Sa normal na sitwasyon ay napakabilis lamang na palipasin ang dalawangpung minuto. Kumain ka lang, magbasa, mag-trabaho, maligo at kung anu-anong bagay na siyang malimit na ginagawa sa araw-araw. Kaya kung tutuusin ay maikli pa talaga ito. Ngunit sa sitwasyon na kinakaharap namin ngayon tila ang dalawang minuto na iyon ang magiging palugit ng aking buhay. Ibig sabihin may posibilidad na mamatay ako kung hindi ako papalarin. Mapait na napangiti ako nang matanto ang aking nalalapit na kamatayan. Parang kanina lang kasi ay masaya ako na isipin ang aking naging mapayapang pamumuhay sa bayan na ito. Ngunit