Hindi man alam ni Kareem ang dahilan ng utos na iyon ni Leya sa kanila ay nagtungo pa rin siya sa plaza para puntahan ang kanyang tinutukoy na rebulto. Nang makarating ay tumigil sila sa tapat ng malaking rebulto na iyon at sandali ito pinagmasdan. Hindi malaman nina Kareem pero tila pinagtayuan sila ng balahibo nang matitigan ito. "B-Boss, s-sisirain ba talaga natin ang rebultong ito?" nag-aalangan na tanong naman kay Kareen ng isang miyembro niya, "H-Hindi ba dapat humingi muna tayo ng permiso sa count sa ating gagawin? S-Siya ang nagpalagay nito rito di ba?" Dahil sa sinabi ng isang miyembro ay nagkatinginan muna sa isa't isa sina Kareem at Raig. Alam nilang dalawa na dapat na ipaalam muna sa count ang kanilang gagawin sa rebulto pero sa kinalalagyang sitwasyon nila ay wala na silan