"Yaaaah!" *klang!* *booogssssh!* *kling!* *slaaaash!* Kumalat ang napakalakas na hangin sa buong paligid nang magsalubong ang aming mga sandata ni Sir Aziel. Ang malaking espada niya laban sa aking dalawang punyal. Pagkatapos ay sinubukan namin na magtunggali gamit ang aming lakas. Sinubukan pa niya na pwersahan itulak sa akin ang kanyang espada. Dahil doon ay mas nakiskisan ang aming mga sandata at nakasanhi ng mga kuryente na tila naglalaban sa isa't isa. "Aziel! Kaya mo iyan! Mapapaurong mo na ang binibini!" naaaliw na hiyaw pa ng mga kasamahan niyang mersenaryo. Kung titignan talaga kami sa karaniwang pananaw ay magmumukhang dehado ako sa sitwasyon na ito. Lalo pa na hamak na mas maliit ang katawan ko kumpara kay Sir Aziel. Idagdag pa na tanging punyal lamang ang gamit gamit k