"H-Ha... Haaaa... Haaa..." hingal na hingal na bulalas ni Sir Nasir bago nanghihina na napasandal sa isang puno, "S-Sa wakas nakalabas din tayo sa gubat..." dagdag pa niya at sandali na napapikit ng mata para ipahinga ng saglit ang kanyang katawan. Pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang kasamahan at masasalamin niya sa mukha ng mga ito ang nararamdaman na patong patong na pagod at puyat. Lahat sila ay madudungis, punit punit ang mga damit at magugulo ang mga itsura. Kaya kung may makikita sa kanila ngayon ay marahil mga mapagkakamalan sila na mga palaboy sa daan. Naging ganito lang sila dahil sa matinding hirap na pinagdaanan nila sa loob ng kagubatan. Kompiyansa pa naman sila sa kanilang mga kakayahan para suungin ito. Pero hindi nila inaasahan na magiging maya't maya ang pagsalakay ng