Princess 16

2123 Words

Pagpasok namin sa bayan ng Cait ay naramdaman ko ang kakaibang pagtitig sa akin ng bawat makakasalubong namin. Sa isang iglap ay naging sentro ako ng atensyon ng lahat. Halata na mga naiilang sila na may katulad kong dayo sa bayan nila at palihim pang binabantayan ang mga kilos ko. Malakas na napabuga na lang ako ng hininga dahil sa malamig na pagtrato nilang ito. Pero para sa akin, mas mabuti na rin siguro ito kaysa ituring nila ako na parang hangin na dinadaan daanan lang. Iyon kasi ang trato na pinaka-ayoko na gawin ng iba laban sa akin. Aaminin ko na nagkaroon ako ng takot sa ganoong pagtrato. Dahil lumaki ako sa ganoonh kalamig na pakikitungo ng mga tagasilbi ng aking palasyo. Sa naalala, nanginginig na napayakap tuloy ako sa aking sarili. Ngunit isinaisip ko na anumang mangyari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD