Kinabukasan... Humugot muna ako ng malalim na hininga at nagbilang sa isipan ng tatlo bago lakas na loob na binuksan ang pintuan. Pagkatapos ay tumambad sa aking paningin ang mag-asawa na tila kanina pa inaabangan ang paglabas ko sa kwarto na iyon. "Magandang umaga sa iyo, Leya!" sabay at masayang pagbati pa nila sa akin. "M-M-Magandang u-umaga r-rin po sa i-inyo..." pabalik na pagbati ko naman. Napansin ko na naging abot tenga ang ngiti sa labi nina Aling Ester at Mang Almiro nang makita na suot suot ko na ang isang bestida na siyang pagmamay-ari ng namayapa nilang anak. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay unti unti na nangilid ang luha sa mga mata nila habang pinagmamasdan ako. Para kasi sila mga nakakita ng multo sa naging mga reaksyon nila. Natigilan tuloy ako sa biglaang pagb