Nang pumayag ang lahat sa plano ni Sir Lenox na bumuo ng isang mersenaryo ay palihim na naghanda at nagplano agad sila sa kanilang gagawin. At ang pinakadestinasyon nila ngayon na mapuntahan ay ang bayan ng Cait dahil na rin ito ang dahilan kaya nauwi sa ganito ang kanilang sitwasyon. Kung mabibigyan sila ng permiso ni Count Bardoz ay nais nila roon mismo na maglagay ng kanilang magiging base. Ang problema nga lang ayon sa mga kamiyembro nilang taga-Cait, mayroon nang grupo ng mersenaryo ang naroroon. Hindi naman nais ni Sir Lenox na makipag-agawan ng teritoryo sa grupo na iyon ng mersenaryo. Kaya isasabahala na lang niya sa sitwasyon kung mabibigyan sila ng permiso ni Count Bardoz. Kung hindi man palarin ay doon sila magpla-plano kung saang lugar sila susunod na mga pupunta. "Sir, hi