Sa kabutihang palad, bumalik na sa dati ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Cait. Kung tingin ko dati ay puno ng sigla ang bayan at mas dumoble ang siglang ito pagkatapos ng kaguluhan. Wala yatang mamamayan ang hindi ko yata makikitaan ng malawak na ngiti sa kanilang labi sa mga nakalipas na araw. Lahat sila ay namumuhay na masaya at walang pinoproblema sa buhay. Marami pang mga bata ang masayang masaya na naglalaro ngayon at maraming pamilya rin ang sama-sama namamasyal sa plaza para ipagpasalamat na buo pa rin ang kanilang pamilya sa araw na ito. Idagdag pa na bumababa na ang pinoproblema nilang noon na pagtaas ng presyo ng bilihin at nakakalabas na rin ang ilang nahinto na mangangalakal para maibenta ang kanilang mga produkto sa kapital. Kaya muling gumanda ang ikot ng ekonomiya sa baya