Hindi naman nagtagal ay magkakasama na nagtungo kami sa lungga ng mga mersenaryo. Dahil sa aming naging alitan ay walang anumang pansinan na nangyari sa pagitan namin ni Sir Aziel. Kaya mabuti na lang talaga ay kasama namin si Trenton para matagalan namin ang isa't isa na magkasama. Iyon nga lang pagdating namin sa lungga ng mga mersenaryo, hindi ko inaasahan ang magiging mainit na pagsalubong nila sa akin. Pagkabukas ko kasi ng pintuan ay tumambad sa akin ang tuwid na nakalinyang mga mersenaryo at sabay sabay pa sila na sumaludo sa akin na akala mo mga kawal ng palasyo. "Maligayang pagdating, Binibining Leya!" dumagundong ang sabay sabay at malalakas pa nilang pagbati sa akin. Dahil hindi ko iyon inaasahan ay panandalian natameme ako sa ginawa nilang iyon. Pagkatapos ay nilingon ko si