Pagkapasok na pagkapasok namin ni Sir Aziel sa pinto ng opisina ni Kareem ay ramdam ko na ang mabigat na tensyon na pumapalibot sa loob nito. Nang ilibot ko pa ang tingin ay napag-alaman ko na nandito rin sina Master Hassan, Count Bardoz at Raig. Kaya tila kaming dalawa na lang pala ni Sir Aziel ang inaantay nila para masimulan ang panibagong pagpupulong na ito. Doon ay tahimik naupo kami ni Sir Aziel sa upuang nireserba para sa aming dalawa. Pagkatapos nakipagparamdaman naman kami sa aming kasamahan para alamin ang magiging paksa ng pulong na ito. "Nandito na ang lahat," seryosong hayag ni Count Bardoz saka tinignan kami bawat isa. Pagkatapos ay inilahad ni Master Hassan ang kanyang kamay at nagpakalat ng isang mahika para kulungin ang buong kwarto. Ginawa niya iyon para siguraduhin n