Kumaway kaway si Raig sa harapan ng mukha ng itim na salamangkero. At dahil nasa ilalim ito ng isang hipnotismo ay hindi man lang ito kumurap at nanatiling nakatulala lang sa kawalan. Wala rin makitang kahit anong emosyon sa mukha niya ngayon. "Woahhh... Talagang nagawa ni Binibining Leya na kontrolin ang isipan niya... Nagawa mo ang isang mahika na hindi kayang gawin man lang ni Master Hassan," manghang komento pa ni Raig, "Hindi ko tuloy alam kung may bagay pa ba na hindi kayang gawin ng binibini." "Tao lang din naman ako kaya may kahinaan din ako," sagot ko, "Pero siyempre sa akin na ang anumang kahinaan ko na iyon." "Eh~~~" bulalas muli ni Raig, "Hindi ko maiwasan na magkaroon ng kuryosidad sa kahinaan mo na iyon." Pilit na nginitian ko naman siya para tapusin na ang walang kabuluh