Katulad ng aking pinangarap ay naging mapayapa ang pamumuhay ko sa bayan ng Cait. Unti unti ko na rin naramdaman ang pagtanggap sa akin ng mga tagabayan. May ilan ilan na nga sa kanila na sumusubok na batiin at kausapin ako tuwing makakasalubong ako sa daan. Alam ko na bahagya nawala ang pagkailang nila sa akin bilang isang dayo. "Leya, magandang araw sa iyo!" "Aba, aba! Lalo kaya yata gumaganda ah!" "Leya! Patungo ka na ba ngayon sa taniman?" "Leya, nagustuhan ko ang iniluto mong tanghalian kahapon!" "Ate Leya, minsan laro tayo ha!" "Huwag ka masyado magpabilad sa arawan, Leya! Sayang ang ganda ng kutis mo." "Buo na muli ang araw ko dahil sa nakita kita Binibining Leya!" Ngayon, wala na ako maihihiling pa kundi magpatuloy ang ganito klase na pamumuhay sa bayan na ito. Na sana tu