Princess 23

2038 Words

Wala niisang sumubok na magsalita sa amin ni Sir Aziel pagkatapos na magkasama kami na paalisin ni Raig sa mansyon ng count. Mahigpit na binilinan kasi ni Raig ang kanyang kaibigan na ihatid ako sa tahanan nina Aling Ester na siyang agarang sinang-ayunan naman ni Count Bardoz. Pinagbantaan pa nila si Sir Aziel na malalagot siya sa oras na masaktan ang niisang hibla ng buhok ko sa aking katawan. Kaya ngayon ay walang nagawa si Sir Aziel kundi sumunod sa nais nila. Sinubukan ko naman na sabihin kay Sir Aziel na hindi na niya kailangan gawin iyon dahil kaya ko naman protektahan ang aking sarili. Kaso dahil sa malaki ang utang na loob niya sa mag-ama na Bardoz ay nagmatigas siya na sundin ang utos nila sa kanya. Sa huli ay ako na lang sumuko na kumbinsihin siya na iwanan ako. Iyon nga lang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD