"P-Paano niyo n-nalaman... na ako si P-Prinsesa Kataleya?" nag-uusig na pagtatanong ko kay Count Bardoz habang pinapakalma ang sarili, "H-Hindi ko pa n-naman po kayo n-nakaharap noon di ba? A-At imposible na m-makapasok kayo sa aking p-palasyo? T-Tsaka k-karaniwan lang din ang i-itsura ko na ito sa m-mga b-bayan... K-Kaya paano niyo ko n-nakilala?" Namayani ang mahabang katahimikan sa aming pagitan na dalawa. Kitang kita pa ang pagkataranta sa mukha ng count dahil sa matinding pagsususpetya ko sa kanya sa oras na ito. Anumang isip ang gawin ko ay napaka-imposible yata na malaman niya agad na ako ang unang prinsesa. Maliban na lang kung isa siya sa mga opisyales na nakaharap ko noon sa palasyo ng emperor. "Maniwala kayo! Wala akong masamang intensyon para ipaalam sa inyo na alam ko ang in