Bago pa ako makatanggi sa nais na palabasin ni Sir Aziel ay tulung tulong na hinila na ako ng mga bata patungo sa loob ng bahay ampunan. "T-Teka..." natatarantang pagpigil ko sa kanilang ginagawa sa takot na masaktan ko sila dahil sa kakaibang lakas na mayroon ako. Ngunit nang makita ko ang malalawak na ngiti na binibigay nila sa akin ay naisipan ko na hayaan na lang sila sa kanilang ginagawa. Marahil katulad ng mungkahi ni Sir Aziel ay sasakyan ko na lang ang inaakala ng mga bata para lang hindi mawala ang mga ngiti nilang ito. "Ate, ano po ang pangalan niyo?" mahinhin na pagtatanong sa akin ng isa sa mga batang babae na may yakap yakap na sirang manika na gawa sa tela. "Ah... A-Ako nga pala si L-Leya..." utal at mahinang pagsagot ko naman sa tanong niya, "T-Tawagin mo ko na Ate Ley