Katulad ng plano ni Aling Ester ay pasamantala na pinarada ni Mang Almiro ang karwahe para kumain muna kami sa nadaanang kainan. Dahil nagkalaman na kahit papaano ang tiyan ko ay sobrang tumanggi ako na sumama pa sa kanila sa loob. "Leya, alam ko na gutom ka pa kaya sumama ka na sa amin sa loob," patuloy na pagyaya muli sa akin ni Aling Ester, "Tsaka nasa hangganan ang bayan ng Cait at aabutin iyon ng halos tatlong araw bago natin marating... kaya mas mabuti na magkalaman ang tiyan mo bago tayo magsimula na maglakbay..." "H-Huwag n-na po t-talaga... M-M-Magbabantay na l-lang po ako r-rito sa k-karwahe niyo... H-Hanggang sa m-makabalik kayo..." umiiling na pagtanggi ko. Sobrang nahihiya na kasi ako dahil sa pang-aabala ko sa kanilang mag-asawa. Malaking bagay na nga ang isama nila ako s