Natigilan ako dahil sa itinawag sa akin na pangalan ni Aling Ester. Leya... Tinawag lang naman niya ako bilang Leya... Marahil iyon ay dahil hindi niya narinig ang buong pagbanggit ko ng aking pangalan kanina. Hindi na nakakapagtaka dahil sobrang hina at halos pabulong ko ito sinabi. At dahil sa parte pa rin naman iyon ng aking buong pangalan ay tingin ko walang rason na ibahin ko pa ito. Ibig sabihin ay magagamit ko ang pangalang Leya bilang simula ng aking panibagong buhay. Hindi na ako ngayon si Prinsesa Kataleya kundi isang karaniwang tao na si Leya. Tsaka sa totoo lang medyo naging masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay nabigyan ako ng isang maituturing na palayaw. Nabasa ko kasi noon sa mga libro na tanging mga malalapit na tao lang ang siyang nagbibigay ng palayaw sa isang