Gusto na talaga maiyak ni Sir Nasir at ng iba pa niyang mga kasamahan mula sa kanilang dinanas na paghihirap sa nagdaang mga araw. Pakiramdam nila ay ito na yata ang pinaka-nakakapagod na paglalakbay sa tanang buhay nila. Hindi pa nga sila lubos na nakakabawi mula sa pinagdaanan na hirap sa kagubatan ay ilang ulit muli sila naharap sa alanganin na sitwasyon. Iyon ay dahil sa ilang beses sila napahamak sa paulit ulit na ginagawa ng kanilang pinuno. Kada kasi may makikita si Sir Lenox na babaeng may kulay rosas na buhok at may berdeng mga mata ay lagi niya nilalapitan at tinatanong ang mga ito kung sila ba si Prinsesa Kataleya. At katulad nang nangyari sa bayan ng Nagal ay muling pinaghahabol sila ng mga galit na galit na tao. Sa tingin kasi ng mga tagabayan ay ginagawa iyon ni Sir Leno