"Ihiga niyo siya rito!" "Bilisan niyo ang mga kilos!" "Buksan niyo pa ang ibang kwarto! May iba pang pasyente na daldalhin!" "Unahin niyo asikasuhin ang mga kritikal!" "Kunin niyo ang lahat ng nakaimbak natin na potion sa likuran!" "Kailangan namin ng tulong dito!" Iyon ang bumungad sa akin na tagpo nang makapasok kami nina Sir Aziel sa loob ng ospital na nasa kanluran ng bayan ng Cait. Hindi magkadamayaw sa inaasikaso ngayon ang bawat manggagamot sa mga salamangkero na nabiktima ng mahika na tumagas mula sa lamia. Kita pa ang pagkagulat sa mga mukha ng mga manggagamot nang makita ang malubhang kalagayan ng mga dinalang salamangkero. Dahil sobrang nangingitim ang mga balat nila at maya't maya ang mga pag-ungol mula sa labis na sakit na para bang pinapaso sila sa loob ng mga kalamna