Kinabukasan... Napakaaga ko na nagtungo sa kapatagan. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa labis na pag-iisip kung paano ko nga ba mapapalakas pa ang aming pwersa. Sa aking naranasan, napagtanto ko na napakalayo pa ng aming lakas mula sa buong lakas ng demonyo na iyon. Paulit ulit din kasi bumabalik sa aking isipan ang nangyaring pag-atake sa akin ng demonyo. May mga katanungan kasi ito na iniwan sa aking isipan ng mga oras na iyon. Ang tanong kung bakit galit na galit ang demonyo sa akin at sa anuman kaya na koneksyon ko sa sinuman na tao na kakilala niya. Pagkatapos ay bago pa siya maglaho nag-iwan pa siya ng banta na papatayin niya ako sa oras na makawala siya. Kaya kahit sino na nasa sitwasyon ko ay hindi rin makakatulog sa ganoong pangyayari. Manhid o pusong bato na lang siguro