"Gaaaaaaah!" "Waaaaah!" "Tulooooong!" "Tama naaaa!" "Aaaaaaah!" "Ayoko naaaa!" "Waaaaaaaa!" "Suko na akooo!" "Tigil naaaaa!" "Graaaaaaahhh!" Pagkatapos ng huli kong ibinigay na malakas na suntok sa mukha ng itim na salamangkero ay pagewang gewang na tumumba ang katawan niya sa kalupaan. Marahas na hiniklat ko naman ang roba niya at inalog alog siya para alamin kung nagpapanggap lamang siya na wala ng malay. Ngunit laylay na talaga ang mga kamay niya. "Napatay ko ba siya?" gulat kong sambit at tinapik tapik siya sa pisngi, "Hoy! Huwag ka muna mamamatay! Kailangan ka pa namin para sa mga impormasyon na alam mo! Hoy!" Biglang napabuga naman ako ng maluwag na hininga nang malaman na humihinga pa rin siya. Mababalewala lang kasi ang aming ginawa na ito kung hindi namin siya mahuhul