Pagkatapos na magbigay ng kanyang desisyon ni Count Bardoz ay namayani ang mahabang katahimikan sa buong mansyon. Kitang kita pa nga sa mukha nina Sir Aziel at Kareem ang kanilang pagtutol pero gayun pa man ay hindi nila magawang sabihin iyon sa harapan ng count. Dahil na rin sa mataas na respeto nila sa kanya. "Marahil ay wala kayong tiwala sa ngayon kay Sir Lenox dahil isa siyang dayo at nanilbihan kay Prinsesa Aubriella... Pero sa aming naging pag-uusap ay naramdaman ko na mapagkakatiwalaan siyang tao," agarang pagpapaliwanag pa ni Count Bardoz nang mapansin niya ang naging reaksyon na iyon ng dalawa, "Sa aking desisyon na ito ay isinaalang alang ko rin ang kahilingan ni Binibining Leya na maisama siya sa kanyang binubuong pwersa. Alam ko kung gaano kadesperado na ang lahat sa nalalapi