VLEAH APRICITY'S POV Salubong ang dalawang kilay ko habang nakaupo sa isang silya rito sa loob ng bahay-kubo ni Aling Odette. Naglalaro pa si Mikay sa labas at mukhang uuwi na maya-maya. Matapos kong makausap si Edward kanina, hindi ko maiwasang mapatulala na lang habang labis na iniisip ang mga salitang binitawan niya sa akin kanina. "Halika na, Vleah, kumain na tayo. Luto na ang pagkain." Pag-aaya sa akin ni Aling Odette habang bitbit ang dala-dala nitong ulam. "Sige po, salamat, tatawagin ko na muna si Mikay." "Ay nako, hindi na kailangan, sensitibo ang pang-amoy ng batang 'yon. Maaamoy niya lang 'tong niluto ko, uuwi na 'yon kaagad." Nakangiti nitong wika dahilan upang mapangiti na rin ako. Ngayong nakaupo na kami pareho, kaagad niya akong sinandokan ng pagkain kaya awtomatiko a