WARNING: The following scene of this chapter is showing ab*se and v*olence that may trigger the reader’s mind. Read with caution.
VLEAH APRICITY’S POV
Pang-apat na araw na mula nong huli kong nakita si Dean, at ika-apat na araw ko na ring subok ‘to na makausap si Enrico.
“Enrico, bakit hindi mo ako kinakausap?” Deretsahang tanong ko sa kanya habang sunod nang sunod sa kanya rito sa hardin.
Hindi ko kasama si Feliz ngayin dahil naghahanda na iyon ng pagkain ngayong tanghalian. For the last 4 days, I made sure I got her trust of letting me out by myself.
At ito na nga ang unang pagkakataong na hinayaan niya akong lumabas ng mag-isa, ngunit kailangan din nilang maisiguro na kasama ko ang iba pa nilang kasamahan, katulad ni Enrico.
“Alam mo? Sobrang tahimik mo talaga,” sabi ko atsaka ito muling sinundan nang magtungo ito sa kanyang wooden shed.
Nang pumasok ito sa loob, kaagad din akong nagpunta ron at hindi maiwasang mapatingin sa buong lugar.
Palihim akong napalunok nang makita ang iba’t-ibang mga kagamitan niya sa paghahardin lalo na’at sobrang tulis ng mga ito.
Paano ba kita mapapaamo?
“Ah!” Sinadya kong masugatan ang aking kamay dahilan upang mapatingin ito sa akin. Hindi naman ito ganon kalaki kaya ayos lang.
Kailangan mo ‘kong pansinin at kausapin ngayon, Enrico!
Sa isang idlap ay kaagad niyang narating ang aking pwesto atsaka mabilis na hinawakan ang isa kong kamay. Hindi niya ako nilingon pero dali-dali itong kumuha ng isang malinis na tela sa gilid atsaka kaagad akong dinala sa isang lababo.
I let Enrico wash my wounds before wiping it off.
“Hindi mo dapat hinahawakan ang mga bagay dito.” Seryoso niyang saad bago ako tinignan ng deretso sa mata. Sa pagtama ng paningin naming dalawa, hindi ko maiwasang matigilan.
Teka, sobrang lapit naman ata namin sa isa’t-isa.
Napansin niya rin siguro ‘yon kaya kaagad itong lumayo matapos niyang magamot ang sugat ko.
“Akala ko hindi ka talaga nagsasalita e,” wika ko habang nakatingin dito.
Napabuga ako ng hangin nang talikuran niya ako atsaka muling lumabas sa hardin.
“Teka! Enrico naman!” Bwiset! Balak niya ba akong pagurin sa pagsunod-sunod ko sa kanya?!
Nang bigla itong huminto, tuluyan akong tumama sa kanyang likuran dahilan upang mapahagod ako sa aking noo.
“Ano ba ang gusto mo? Hindi mo ba nakikitang nagtatrabaho ako?”
Ang sungit!
“Gusto ko lang naman makipag-usap.”
“Wala akong oras para diyan.” At muli na naman itong nagbungkal ng lupa sa gilid kung saan magtatanim na naman siya ng panibagong klase ng halaman.
“Hindi ko alam kung hanggang kailan lang ako rito, kaya gusto kong makipag-usap sa’yo. Baka kinabukasan, malamig na bangkay na lang ako.” Pagbibiro ko lang naman ngunit kita ko kung paano siya natigilan sa aking huling sinabi dahilan upang kaagad itong mapalingon sa akin.
“Alam mo na?”
Ha? Ang alin?
Nang makita niya ang pagkalito sa aking mukha ay muli itong nag-iwas ng tingin.
“Pumasok ka na sa loob ng mansyon, kung gusto mong may makakausap, tawagin mo si Feliz.” Walang ganang sambit nito.
Ang sungit-sungit talaga!
“Eh ikaw ang gusto ko.” Sa pagsabi ko non, muli na naman itong natigilan, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya ako magawang lingunin.
“Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo, Vleah.” Pagbibigay babala niya sa akin dahilan upang malito na naman ako.
Ganito ba talaga siya? Ang weird naman.
Paano ko ba makuha ang loob niya nang sa ganon ay matulungan niya akong makatakas rito.
Hindi ko masyadong nakikita si Enrico sa loob kaya alam kong madalas ito rito sa labas. Kung ganon, siya ang may alam sa lugar dito tulad ng mga pasikot-sikot na daan o shortcuts.
Malay ko ba kung nasa Pilipinas pa ako o ano, basta ang importante ay makakaalis at makakalayo ako rito. Si Feliz ang susi ko para makalabas ako ng mansyon, habang si Enrico naman dito sa labas.
“Ano ang ginagawa mo?” Kunot-noo nitong saad nang agawin ko sa kanya ang kanyang pangbungkal ng lupa.
“Kung tutulungan kita sa trabaho mo, kakausapin mo na ba ako?”
“Hindi pa ba tayo nag-uusap?” Nakataas ang isang kilay nitong sambit.
Aba! Pilosopo rin.
Inirapan ko siya atsaka yumuko sa kanyang harapan upang magbungkal ng lupa. Kaagad itong napaiwas ng tingin na tila ba may iniiwasan itong tignan.
“Wag ka ngang yumuko sa harapan ko.”
“Edi umusog ka. Hindi ka nakakatulong sa pagbubungkal ko rito.”
“Akin na nga ‘yan.”
“Tumabi ka kasi! Ako na rito.” Tinabig ko ang kamay niya bago niya pa mahawakan ang pambungkal.
“Akin na ‘yan, Vleah.”
“Ako na nga diba, Enrico?”
Mukhang magkasing-edad lang naman kaming dalawa kaya hindi na kailangang maging pormal. Tsaka ayokong pormal akong tinatrato dito tulad nalang ni Mang Gregor— na kesyo raw ay asawa ako ng master niya.
Hindi nagtagal ay mukhang hindi na kinaya ni Enrico ang kakulitan ko kaya ang naging resulta ay nag-aagawan na kami ngayon.
“Hayaan mo na kasi akong tulungan ka.” Hinila ko papalapit sa aking pambungkal.
“Trabaho ko ‘to at hindi ko kailangan ang tulong mo.” Hinila na naman niya ang pambungkal papalapit sa kanya.
“Akin na kasi—“
“Ayoko nga, gusto kong tumulong!”
Nasa gitna kami ng pagtatalo nang bigla kaming matigilan ng isang mabigat na presensiya. Sa paglingon namin ni Enrico sa gilid, hindi ko maiwasang matigilan nang makita ang lalakeng hindi ko inaasahan ngayon.
“What’s going on here?” Bungad niya habang seryoso ngunit walang kaemo-emosyong mukhang nakatingin sa aming dalawa.
“M-Master.” Rinig kong wika ni Enrico kasabay nang pagbitaw niya sa pambungkal.
He bowed his head in front of him and didn’t bother to straighten his back once again until he hears Dean said so.
“Vleah.” His voice the moment he called me brings shiver down to my spine.
Akala ko ba ay bukas pa siya makakabalik dito? B-Bakit siya—
“Are you having fun with my gardener?”
Bakit ako biglang nanginig?
“Dean, gusto ko lang—“
“Are you?” He cut me off which made me tighten the grip against the rake.
“O-Oo.” Hindi ko na maiwasang mautal.
“I can tell. You’re having too much fun to the point you forgot your 30 minutes actually already ended 4 minutes ago.” Nang sabihin niya ‘yon, ngayon ko lang napansin ang hawak-hawak niyang hugis bilog na orasan habang si Feliz ay nanginginig na nakatayo sa kanyang likuran.
“M-Master, kasalan ko po kasi hindi ko tinawag si Madame Vleah. H-Hindi niya po alam ang oras.” Pagtatanggol sa akin ni Feliz dahilan upang lingunin siya ni Dean.
“Is this true, Vleah?” Dean asked and I have no idea if I should nod or not.
Pakiramdam ko sa oras na tumango ako sa kanya ay may naghihintay na parusa kay Feliz.
“Hindi.” Nang sabihin ko ‘yon, bigla na lang nabato si Feliz sa kanyang kinauupuan habang si Dean ay tuluyan ng humarap sa akin.
He’s wearing his typical all black clothes, kasalungat sa kulay puti kong bestida.
His dark clothes emphasize his dark personality and heavy aura.
“Alam kong kanina pa natapos ang tatlumpung minutong binigay mo sa akin araw-araw, pero nanatili parin ako rito sa labas dahil ‘yon ang gusto ko. Kulang na kulang pa ang tatlumpung-minutong binigay mo, Dean.”
Deretsahan kong sabi dahilan upang pati ako rin ay magulat.
Hindi ako nautal.
“I see…” Dean said before putting the clock inside his pocket.
Nanlaki ang mga mata ni Feliz habang si Enrico ay gulat akong tinignan sa sinabi ko.
“Will you care if you follow me, Vleah?” Napalunok ako bago humakbang papalapit sa kanya.
Tahimik akong sumunod kay Dean hanggang sa makapasok na kami sa loob. Nang makapasok na kaming dalawa sa loob ng silid ko, initusan niya akong isara ang dalawang pinto.
Nanginginig ang mga kamay kong sinara iyon bago dahan-dahan na humarap sa kanya na ngayon ay prenteng nakaupo na sa isang silya.
“Come here.” Napapikit ako bago ako sumunod sa gusto niya.
“Closer… closer, Vleah… there.” Ilang pulgada na lang ang distansya naming dalawa sa isa’t-isa.
“Turn around,” aniya habang tinatanggal ang suot niyang necktie.
Napasinghap ako nang ipiring na naman niya iyon aking mga mata sabay hawi ng mahaba kong buhok sa aking likuran.
“D-Dean, yung tungkol kay Enrico— gusto ko lang siyang tulungan.”
“Really?” He whispered behind my ears before slowly slinding his hands against my slender arms, feeling the warmth of his palm.
“P-Parurusahan mo ba ako?”
“Hmm, you got it. Now, place your hands right here.” Iginiya niya ang aking kamay papunta sa paanan ng kama bago ko siya naramdamang umalis sa aking tabi.
Sobrang kalmado lang nang pagkakasabi niya ‘yon pero tumaas na balahibo ko sa batok.
“You hurt yourself.” He stated.
“K-Kanina lang ‘to, tsaka aksidente lang naman.” Hindi na ito kumibo pa at sa isang idlap kang ay napasinghap ako nang bigla niyang paluin ang aking pang-upo gamit ang isang bagay.
“1 for hit for every minute you lasts outside.” Panimula niya dahilan upang mapahawak ako ng mahigpit sa kama.
Nakapiring ang mga mata ko kaya hindi ko siya nakikita.
Kaagad kong naikagat ang aking ibabang labi nang may panibago na namang tumama sa katawan ko. Mas masakit na ‘yon kesa sa una ngunit pinipigilan ko parin ang sarili kong mapaiyak.
That’s two, I only have two more.
“I don’t like women who won’t follow my orders, Vleah, may you always keep that in mind.”
Napaigting ako nang paluin na naman niya ako. Sa pagkakataong ito, may kumawala nang luha sa aking mga mata pero hindi ako gumawa ng ingay.
“Batas ko ang masusunod dito, Vleah, you being my wife doesn’t mean you have the authority to go against me.”
At sa pang-apat na pagkakataong, muli akong napaigtad sa sakit. This time, I bit my lower lip to stop myself from whining.
Nanghihina akong napaluhod sa sahig habang nakahawak sa kama. Hinayaan ko ang aking katawan na tila isang lantang gulay na nakaluhod sa paanan ng aking kama.
“You’re not allowed to go outside your room tonight. Dito ka kakain mamaya.” And with that I heard the door opened and shut instantly.
Nang hindi ko na maramdaman ang presensiya niya, dayan-dahan kong tinanggal ang piring sa aking mga mata.
Nanginginig ako sa takot dahil kay Dean. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong saktan ng ganitoc just because I failed to follow his orders.
“Masama siya magalit.”
Naikuyom ko ang aking kamao bago tinulungan ang aking sarili na mapatayo. My back is still aching with the pain.
“V-Vleah.” Napalingon ako sa pinto ng aking silid nang bumukas iyon atsaka iniluwa si Feliz. Nang makita niya ang sitwasyon ko, bigla itong kumaripas ng takbo papalapit sa akin bago napaiyak sa aking harapan.
“B-Bakit mo ginawa ‘yon? T-Tignan mo ang napala mo, Vleah. Nasaktan ka dahil sa’kin. Ako d-dapat yung napaparusahan at h-hindi ikaw.” Aniya sa gitna ng kanyang paghikbi.
Napahinga na lang ako ng malalim bago ko siya hinila papalapit sa aking atsaka iyo niyakap.
“Ayos lang ako, Feliz. Alam kong may paggagamitan pa siya sa’kin kaya hindi niya ako pwedeng saktan ng sobra-sobra.” Pampalubag loob kong wika sa kanya.
“S-Si Enrico… m-may pinapabigay siya sa’yo.” Aniya bago suminghot at pagkatapos niyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
It was an ointment.
Mukhang alam na nila kanina pa lang kung ano ang mangyayari sa akin. Halatang naranasan na rin nila ang galit ni Dean dahil hindi ko na mabilang ang salitang binitawan sa akin ni Feliz noon na masama talaga siyang magalit.
“Vleah, hindi aalis si master sa susunod na apat na araw. K-Kaya pakiusap, wag mo nang gawin ang ginawa mo sa susunod para hindi ka maparusahan.” Tanging tango na lang ang ginawa ko bago niya akong niyakap atsaka muling napasinghot sa aking dibdib.
Hindi man kita ganon kakilala, Dean, pero isa lang ang masasabi ko… wala kang puso.
A cold-hearted man like you needs to burn in hell.