V: The Gardener

1867 Words
VLEAH APRICITY'S POV Masakit ang buo kong katawan kinabukasan at sa paggising ko, hindi ko na naabutan si Dean. Sa pagmulat ng aking mga mata, ang mukha ni Feliz ang bumungad sa akin. Sobrang gulo ng buong kama, ang mga unan ay nasa sahig na, at tanging kumot na lang ang tumatakip sa buo kong katawan. Gusot at nasira na ang sinuot ko kagabi kaya hindi ko na 'yon mapapakinabangan pa. Habang pinaliliguan ako ni Feliz, kita ko sa repleksyon ng malaking salamin sa aking harapan ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon sa mukha ng makita niya ang hubad kong katawan. Dean left a lot of traces from last night. And when I say, 'I lot', I mean a lot. Tumikhim si Feliz atsaka ako mabilis na pinaliguan. Maingat itong iniangat ang aking braso atsaka sinabonan ang aking likuran. Medyo mapapangiwi ako sa tuwing didiinan niya ng kaunti iyon. Bite marks, bruises, hickeys, all of them are scattered all over my body. Mukhang tanging mukha ko lang ata ang walang marka mula sa kanya. "Hindi ko inaasahan na ganito pala katindi ang magiging unang gabi namin, Feliz." Panimula ko dahilan upang matigilan ito. "Mas masahol pa sa hayop ang amo mo." Walang pagdadalawang-isip kong sambit dahilan upang mapalunok ito. Tila siya pa ang nahihiya sa kagagawan ni Dean sa akin. Sinunod ko ang payo ni Feliz sa akin kagabi at 'yon ay ang hayaan ang 'asawa ko' sa gusto niyang mangyari. Ngunit hindi ko inaasahan na ganito ang magiging resulta non. Feliz will keep on advising me to always obey Dean, nang sa ganon ay wala raw masamang mangyari sa akin. Ginawa ko ang sinabi niya, sinunod ko ang kanyang payo, pero ano ang napala ko? "B-Babalik si Master sa susunod na linggo, y-yon ang huli niyang sinabi sa akin bago siya umalis." Mahina ngunit nauutal na sambit ni Feliz habang binibihisan na ako. Pinasuot niya ako ng isang mahabang bestida na matatakpan ang buo kong katawan ngunit umayaw ako. "Hindi ito ang gusto ko, ipasuot mo sa'kin iyon," sabi ko sabay turo sa isang kulay itim na bestida na kitang-kita ang aking leeg at mga braso. "S-Sigurado po ba kayo?" "Oo." Tipid kong sagot kaya iyon mismo ang pinasuot niya sa akin. Alagang-alaga ako ni Feliz, ngunit kahit anong pagpapaganda niya sa akin, heto at magkakapasa parin naman ako. "Pagkatapos niya pong kumain ay dederetso na kayo sa aklatan. Don po naghihintay si Mang Gregor para sa una niyong leksyon ngayong araw." Hindi ako kumibo at patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain. Ganito lang ang palagi kong ginagawa sa mga nakalipas na linggo. Maligo, magpaganda, kumain, at mag-aral. Wala akong ibang nakakausap dito kundi sina Feliz at Mang Gregor lang. Ezra is distant, while Enrico-- the other servant, is quiet and I can rarely see him in this old place-like mansion. "Maganda umaga--" Hindi natapos ni Mang Gregor ang gusto niyang sabihin nang makita niya ako. Nabato ito sa kanyang pwesto nang makita niya ang aking mga pasa mula sa leeg pababa sa aking mga braso. "Magandang umaga rin, Mang Gregor." Kaswal kong wika bago ambilis na umupo sa harap ng isang mahabang mesa na puno ng mga libro. I've been studying woman etiquettes. Hindi ko alam kung para saan 'to, pero hinayaan ko lang ang aking sarili na matuto. Nang lingunin ko siya, kaagad itong nag-iwas ng tingin sabay tikhim. "We will start our lecture here, Vleah, so please do listen." Deretso akong napaupo sa aking silya habang taimtim na nakatingin sa kanya. "I will, so please do start." I uttered which made him nodded his head. Hindi ako pala-Ingles, ngunit dahil dito ay natutunan ko na ring magsalita ng ganon. Araw-araw, ito ang palagi kong ginagawa, natapos ko na ngang basahin ang ilang libro dahil wala naman akong ginagawa rito sa loob. I looked like a prison in this old castle from nowhere. At hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakalabas mula rito... "Vleah, the master told me one thing before he left." Rinig kong wika ni Mang Gregor habang nagliligpit na ito ng mga libro. "Ano po 'yon?" tanong ko ngunit wala talaga akong paki kung ano 'yon. I just felt like, I needed to ask about it. "Pinahihintulutan ka niyang lumabas ng mansyon." Nang sabihin niya 'yon, bigla akong napaderetso ng tayo atsaka ito tuluyang hinarap nang lalabas na sana ako. "Talaga?" "Oo." "Araw-araw?" Sa ilang linggo ko rito sa loob, ngayon lang ako makakalabas ulit. Ngayon lang ulit ako makakaapak ng lupa. "Oo, ngunit tatlumpung minuto lang ang pwede mong igugol sa labas bawat araw. At hindi ka na pwedeng lumabas pagsapit ng alas cinco ng hapon." Nang marinig ko ang kondisyones niya, hindi ko maiwasang manlumo ng bahagya. Of course, he will not give me the freedom I want that easily. Tatlumpung minuto araw-araw. Mabuti na 'yon kesa sa wala. "Sige, salamat." Tumango siya sa akin bago ako lumabas ng aklatan. Sa aking paglabas, kaagad akong kumaripas ng takbo sa mahabang pasilyo na ito ngunit bigla rin akong napahinto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likuran. "Vleah, may nakalimutan pa akong sabihin sa'yo." "Ano 'yon?" "Hindi ka pwedeng lumabas hangga't hindi mo kasama si Feliz." Napahinga ako ng malalim bago dahan-dahan na napatango sa kanya. The old Gregor bowed down his head at me before walking on the opposite direction. Instead of heading towards the mansion's main door, I ran towards my room where I can see Feliz. Nang makapasok ako sa loob ay kaagad itong napatayo mula sa pagkakaupo sa isang silya, halatang hinihintay ang aking pagdating. "Vleah, mabuti at natapos na ang--" "Lalabas ako." Napakurap ito nang sabihin ko 'yon. "Hindi ako pwedeng makalabas nang hindi ka kasama kaya samahan mo 'ko, ngayon din." Dali-dali kong saad dahilan upang mapatango ito. Sa pagdating namin sa main door, kita kong humugot si Feliz ng susi dahilan upang mapatingin ako roon. She unlocked the door and when she opened it, the cold breeze immediately brings shiver down to my spine. "Sigurado ka bang lalabas ka ngayon, Vleah? Makulimlim sa labas at mukhang uulan na." "Ayos lang, lalabas ako." Nauna na akong lumabas atsaka mabilis na inilibot ang aking paningin. Nang lingunin ko si Feliz sa aking likuran kita kong may inilabas itong maliit na orasa na hugis bilog atsaka may ginawa roon. I see... she's setting up a timer. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago niya pa akong mahuling nakatingin sa kanya. "V-Vleah, san ka pupunta? Hindi mo pa alam ang daan dito." Kahit na nakapaa lang ako, kaagad kong tinakbo ang isang daan papunta sa kung saan. "Vleah! Teka lang, baka mapano ka! Malalagot ako nito!" I ran and ran as fast as I can. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, ang tanging nasa isip ko lang ay ang tumakbo. Hindi ko alam kung saan lupalop ako dinala ni Dean. Sa aking pagtakbo sa masukal na kagubatang ito, bigla akong napahinto nang may mabangga akong isang lalake. "Ah!" Napaupo ako sa lupa at hindi maiwasang mapadaing nang tumama ang aking pang-upo sa isang bato. Inis kong nilingon ang lalakeng bumunggo sa akin ngunit nang magpang-abot ang aming paningin, hindi ko maiwasang matigilan. It's him. It's Enrico. Napalunok ako nang makita kong nakahawak ito ng isang bolo habang nakatingin sa akin. Hindi ito kumibo at pinagmasdan lang ako. Kaagad niyang napansina ng ilang pasa sa akin leeg at braso dahilan upang mag-iwas kaagad ako ng tingin sabay tayo. "Vleah!" Kaagad akong naabutan ni Feliz atsaka ako pinaharap sa kanya. "Nababaliw ka na ba?! Bakit ka biglang tumakbo?!" Nag-aalala at may bahid na takot nitong saad sa akin. "Ako ang malilintikan sa ginawa mo." Hinihingal pa nitong saad bago namin sabay na nilingon si Enrico. "Pasensya na, medyo nanabik lang ako na makalabas. Tsaka tatlumpong minuto lang ang binigay sa'kin ni Dean araw-araw, kaya nilubos ko na kaagad." Pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan ay sumagi sa isipan ko ang tumakas kaagad. Kung hindi lang sana sa lalakeng 'to, baka hindi na ako naabutan ni Feliz. Pero peste, nasan ba talaga ako ngayon? Nasa gitna ba 'to ng malaking kagubatan? "Enrico, andito ka pala. Natapos mo na ba ang trabaho mo?" Tanong sa kanya ni Feliz na ikinatango lang nito. Nang tignan ko si Enrico, muli kong napansin ang pagtingin niya sa akin mga pasa bago kami tinalikuran atsaka pasimpleng naglakad papalayo. Hindi ko alam kung bakit ako nahiya nang mapatingin ito sa aking mga pasa. Dapat sinunod ko na lang pinasuot sa akin ni Feliz kanina. "May hardin dito, gusto mo bang pumunta tayo roon?" Rinig kong tanong ni Feliz dahilan upang mapatango na lang ako. "Enrico! Sa hardin ba ang punta mo?" Pagtawag ni Feliz sa kasama niya. Panandalian itong huminto atsaka tumango. Ganyan na ba talaga siya? Hindi palasita? Simpleng tango at iling lang ata ang kayang gawin. "Tara, maganda ang hardin dito. Iyon ang paborito kong parte ng mansyon." Kaagad akong hinatak ni Feliz papunta sa sinasabi niyang hardin. Nakasunod lang kami ni Enrico hanggang sa tuluyan naming narating ang isang malaking gate na gawa sa bakal at pinalilibutan na ng mga halaman. It looks enchanted but slightly creepy. Ngunit nang makapasok na kami sa loob, laking gulat ko nang makita ang iba't-ibang klase ng mga halaman at bulaklak. Ito na ata ang pinakamalaki at pinakamagandang hardin na nakita ko. Naamoy ko ang natural na halimuyak ng mga bulaklak. The center fountain made of stone definitely looks old and outdated, but the flowers that surrounds it makes it enchanted. Nang ilibot ko ang aking paningin sa buong hardin, hindi ko maiwasang mapansin si Enrico na may kinukutkot na lupa gamit ang kanyang bolo sa may di kalayuan. Pinagmasdan ko ito bago ko siya tinignan na magtanim ng isang supling ng halaman. Siya ang hardinero nila. "Si Enrico ang nagpapaganda ng buong hardin na 'to, ang galing niya hindi ba? Hindi mo aakalain na isang lalake ang may gawa nito." Rinig kong wika ni Feliz habang pinagmamasdana ng mga bulaklak. "Madalas ka ba rito?" "Hindi, kasi hindi naman dito nakaestasyon ang trabaho ko." "Ganon ba? Gusto mo bang bumisita tayo rito araw-araw?" Tanong ko dahilan upang kuminang ang kanyang mga mata. "Talaga? Pwede ba?" "Oo naman." "Salamat, Vleah!" Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. Kailangan ko lang makuha ang kiliti mo, Feliz. Pasensya ka na kung kinailangan kong gamitin ka para makatakas ako rito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung ano ang pwedeng gawin sa akin ni Dean. Dean is an unpredictable and definitely a despicable man. Hindi ko pa ito nakikitang nagalit kaya hindi ko rin maiwasang mangamba. Mahal ko ang buhay ko, at kung kailangan kong manggamit ng ibang tao para makawala ako sa lugar na 'to, gagawin ko. Habang nakayakap sa akin si Feliz, kita kong napatingin ulit si Enrico sa aking direksyon. Nakaluhod ito sa lupa habang ginawang tungkod ang kanyang bolo atsaka deretsong nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha niya mula rito sa aking pwesto bago unti-unting ngumiti. He immediately looked away before digging another hole on the ground before Feliz pulled away from the hug. Nang hayaan kong maglibot-libot si Feliz, palihim kong pinagmamasdan si Enrico sa kanyang pwesto. Mukhang pwede rin kitang gamitin, Enrico...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD