Chapter 6

1872 Words
Chapter 6 "Hatsu!" bahing ni Marli. "Batsing talaga! Parang halimaw kung makabahing. Kagulat! Haha! O game na. Blow your nose." natatawang palatak ni Travis habang nasa library sila. Inipit nito ang ilong niya sa tissue kaya suminga siya doon. Medyo tinamaan siya ng sipon kaya panay ang bahing niya. "Kadiri Batsing! Hahaha! Ang lapot!" pang-aasar nito sa kanya sabay hagis ng tissue na pinagsingahan niya eksakto sa basurahan. "Heh! Bakit ka ba nandito? Di ba dapat kasama ka nina Kuya magpractice ng sayaw? May sayaw ang dance troupe sa JS diba?" "Oo nga! Bili mo na lang kaya kaming ice cream ni Jarrence?" ungot ni Margi at hinila pa ang laylayan ng uniform ni Travis. "Oo nga Kuya!" sang-ayon ni Jarrence. "Sshhh!" saway ng librarian sa kanilang apat. Napayuko tuloy sila. "Ang gugulo niyo kasi. May inaabangan ako dito. Ang sabi dito daw siya naglalagi, eh." pabulong na sabi ni Travis. "Sino?" kunot noong tanong niya. "Si Sarah..." abot hanggang tenga ang ngiting sagot nito. "Sino'ng Sarah?" magkapanabay na tanong ni Margi at Jarrence. "Iyong nilalandi niya." kulang na lang ay umirap na sagot niya sabay buklat ng isang libro. "Grabe naman Batsing? Landi kaagad? Nilalagawan ang right term. Okay?" "Gano'n din 'yon 'no!" giit niya. Sinimangutan siya nito. "Yayayain ko siyang maging date ko sa prom!" sabi pa nito. Mayamaya lang ay bigla siya nitong siniko. "Aray! Bakit?" "Ayun!" nguso nito sa babaeng morena na kakapasok lang ng library. Mahaba ang tuwid na buhok nito at nakahead band kaya mas nagmukhang inosente ang maamong mukha nito. "Sarah." bati ni Travis nang eksaktong mapadaan ang babae sa lamesa nila. "Hi." nakangiting bati naman nito. "Mag-isa ka lang?" tanong pa ni Travis. "Yes. May sasabihin ka ba? Kasi magreresearch pa ko, eh." "Ano kasi...saglit lang." tila tarantang ani Travis at bumaling sa backpack niyang nasa upuan. May kinuha ito doon. Isang mamahaling tsokolate at isang tangkay ng puting rosas. "P-Para sa'yo." kulang na lang ay mautal na ani Travis kay Sarah. Samantalang silang tatlo naman ay sabay-sabay na humalumbaba para panuorin ang pagliligawan at paglalandian ng mga ito. "Para sa'n to, Travis?" nakangiting tanong pa ni Sarah. "I-I want you to be my date...sa darating na prom? Kung okay lang sa'yo at kung wala ka pang natatanguan na iba." Ngumiti si Sarah. "Actually ayoko sana pumunta. Pero sabi nila kailangan daw nating maexperience 'yon saka niyaya mo ko, eh." "Does it mean...pumapayag ka?" parang pigil pa ang paghingang tanong ni Travis. "Yes." nakangiting sagot pa ni Sarah. Lihim siyang napairap. Sasagot din naman pala ng yes nagpaligoy-ligoy pa! "Talaga? Salamat!" halatang tuwang-tuwang ani Travis. "Welcome." pasweet na sagot ni Sarah. Nagkatitigan pa ang mga ito kaya naman nagkatinginan silang tatlo. "Hatsu!" bahing pa niya kaya naman naputol ang 'eye contact' ng mga ito. Nilingon tuloy siya ni Travis at pasimpleng pinandilatan ng mata. Inirapan lang niya ito. "Sarah. Pwedeng samahan kita magresearch?" malanding baling ulit ni Travis kay Sarah. "Sure." pagpayag naman nito kaya naiwan silang tatlo doon. "Lumalandi na pala si Kuya?" komento ni Jarrence. "Tingin mo kambal, okay naman iyong nililigawan niya?" pangunguha pa ni Margi sa opinyon niya. "Di ko alam. Mukha namang mabait pero siguro kilalanin muna natin bago husgahan?" aniya kaya napatango na lang ang dalawa. **** "Sarah N. Malinis. Di ba Batsing pati apelyido niya napakadalisay? Parang walang bahid kasalanan? Tapos alam mo, simple lang pala ang pamumuhay nila. Scholar siya kaya nakapasok siya sa school natin. Kapag nakatapos daw siya iaahon daw niya ang pamilya niya sa kahirapan. She's perfect. Matalino, masikap, mabait at maganda! What more could I ask for? Nakakainspire siya Batsing. Napakaswerte ko kapag napasagot ko siya..." tila nangangarap na pagkukwento sa kanya ni Travis habang panay ang kain niya ng baked mac. Birthday ng Daddy Gino niya kaya may handaan sa bahay ng mga ito. Sila ang magkatabi sa upuan ni Travis kaya panay ang daldal nito sa kanya. Napapailing na nga lang ang kakambal niya pati si Jarrence dahil paulit-ulit na lang ito. Tila hibang na hibang talaga ito kay Sarah. "Tapos alam mo ba Batsing pangarap daw niyang magkaroon ng malaking bahay. Teka nga bakit parang hindi ka kumikibo diyan? Wala ka man lang bang sasabihin? Comment ka naman?" Napabuntong hininga siya at bumaling dito. "Too good to be true." tanging nasabi niya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka ba naniniwala na perpekto siya at bagay kami?" "Bagay? Pwede. Pero perpekto? Ewan ko. Siguro almost perfect but not that perfect. Lahat tayo may flaws. So I guess siya meron din. Getting to know stage kayo di ba? Siyempre good side lang niya ang ipapakilala niya sa'yo alangan namang 'yong bad side di ba? Saka mo na sabihing perfect siya kapag kilala niyo na ang isa't-isa. Gets mo?" Natahimik ito. Tila nililimi ang kanyang sinabi. "Point well taken...pero basta perfect siya para sa'kin Batsing!" Napairap siya at napailing. "Sige sabi mo, eh." "Kumain na nga lang tayo. Akin na lang 'to!" tawa nito at tinusok ng tinidor ang balat ng fried chicken na inihiwalay na niya sa laman ng manok dahil paborito niya iyon. "Kuya akin 'yan!" palag niya. "Gusto mo? Kunin mo!" anito at nanakbo palayo habang bitbit ang plato niya. Naaasar talaga siya kapag inaagawan siya ng balat ng manok kaya hinabol niya ito. Nakarating sila sa loob ng bahay nila. Sinunggaban niya ito nang maabutan pero umiwas ito kaya mistulang yakap niya ang binatilyo. Sa edad nitong kinse ay nasa anim na talampakan na ang height nito. Siya naman kahit dose ang edad ay halos nasa 5'4" na ang taas. Bigla siyang tumangkad at medyo namayat nang magsimula siyang magdalaga. "Akin na yan!" bulalas niya. Ang hilig talaga nitong pagtripan siya! "Kaya hindi lumiliit yang pisngi mo, eh. Batsing ka pa rin! Hmm yum! Yum!" anito at kinain ang balat ng manok. Napasimangot siya at nagpapapadiyak na lumayo dito. Naiiyak siya sa inis saka siya umupo sofa at sumubsob sa mga unan na nandoon. "Batsing? Umiiyak ka ba?" tila nataranta ng anito at umupo sa tabi niya. Hindi siya sumagot. "Huy...binibiro ka lang, eh. Ito na. Hindi ko naman inubos ah? Huy!" sinundot pa nito ang tagiliran niya kaya napaigtad siya at napaharap dito. "Akina nga yan!" inis na aniya at kinuha dito ang pinggan. Kinain niya kaagad ang mga balat ng manok. "Drinamahan mo lang ako, Batsing! Haha. Penge!" natatawang anito at akmang dadampot pero iniiwas niya ang pinggan kaya nasiksik siya nito sa dulo ng sofa dahil ginigitgit siya. "Neknek mo! Kumuha ka ng sa'yo! Dami-dami do'n." "Sige na. Lab mo ko di ba? Ibigay mo pagmahal mo. Bigay mo na kasi haha." pangungulit pa rin nito at pilit inaabot ang pinggan. "Ehem." Natigilan sila at napalingon sa likuran. Her Father was standing there. Seryoso ang mukha ni Gino at nakahalukipkip pa. Kapag nagpupunta ito sa school nila hindi pwedeng walang kikiligin na student o teacher. Nasa late 30's na ito pero mukha pa ring heartthrob. "Ano'ng pinagkakaguluhan niyo? At ano 'yong naririnig ko na kapag mahal ibibigay?" Nagkatinginan sila ni Travis. Tumayo siya at nilapitan ang ama. "Dad. Eto, oh. Balat ng fried chicken. Inaagaw niya sa'kin." aniya at ipinakita dito ang hawak na pinggan. Napangiwi ito. "Akala ko kung ano na." bulong ni Gino. "Ano po 'yon Tito?" tanong ni Travis. "Ang sabi ko aswang ka yata---i mean bumalik na kayo sa labas. Tama na yang harutan niyo. At ikaw anak tama na yang balat na yan. Mamaya kabata-bata mo mahigh blood ka. Sige ka." "Eh, Dad favorite ko 'to." tutol niya. Ngumiti ito at bahagyang yumuko. "Kahit na. Bawas-bawasan mo na from now on, okay? Para din yan sa health mo. Nagets mo ang Dada?" nakangiti ng sabi nito at hinalikan siya sa noo. Napangiti siya. Alam niyang may pagkahealth conscious ang ama dahil leukemia survivor ito. "Okay Dad! Labas na kami." aniya at yumakap pa dito saka niya binalingan si Travis. "Taya!" hampas niya sa braso ng binata sabay karipas ng takbo palabas ng bahay. "Batsing!" habol nito sa kanya. Napailing na lang tuloy si Gino habang habol sila ng tingin. **** "Okay ka lang Kuya?" usisa ng kakambal niyang si Margi sa Kuya Gian nila. Hindi ito sumagot. Animo hindi narinig ang tanong ni Margi. Nilalandi lang nito ang pagkain na halatang walang ganang kumain. "Siyempre kambal, hindi. Wala na ang Ate Sam, eh. Quiet ka na. Baka pagalitan tayo." pabulong na tugon niya at humalik pa siya sa pisngi nito. "Eh, bakit ba siya umalis?" usisa pa ni Jarrence. "Siyempre chance na niyang makasama tatay niya di ka pa sasama? Quiet ka na rin." saway niya dito at hinalikan din ito sa pisngi. "Ewww!" sabay na react ng mga ito at punas sa pisngi na ikinatawa niya. Pag hinahalikan niya kasi ang mga ito sa pisngi ganun palagi ang reaksiyon ng mga ito kaya palagi din niyang ginagawa. Trip talaga niyang mang-asar. Noong nakaraang linggo lang naganap ang JS ng kuya nila. Supposedly si Samantha ang kadate ng kuya Gian nila, iyon nga lang ay hindi sinipot ni Samantha si Gian. Pagkatapos ay umalis na ito ng bahay nila kasama ang ama nito na matagal ng umabanduna sa mga ito. Hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam sa kanila si Samantha. "JC penge ako niyan." untag niya sa pinsan na kumakain ng carbonara. "Sira bumili ka!" anito at iniiwas iyon. "Tinatamad ako. Bili mo ko. Bitin pala tong inorder kong lasagna at sandwich, eh." "Ayaw." "Sige pakiss na lang." "O sige ayan na. Bibili na lang ako. Bilhan na rin kita ng extra drinks baka agawin mo pa yung bibilin ko." nakasimangot na anito at tumayo na. "Hehe. Sige salamat!" Natatawang kinuha niya ang carbonara nito at kinain iyon. "Batsing!" napalingon siya nang may tumawag. Napakunot noo siya nang makitang si Travis iyon pero may kasama. Si Sarah. Kanina pa nila hinihintay si Travis. May bitbit ding tray ang mga ito. "Bakit kasama niya 'yan?" untag ni Margi. "Ewan ko." kibit-balikat na sagot niya dahil hindi rin niya alam. Unless may dahilan? "May sasabay sa'tin. Okay lang ba?" tanong pa ni Travis sa kanila nang makalapit. Hindi sila nakasagot. "Babe, upo ka na. Mababait ang mga 'yan. Wag ka mahiya." nakangiting ani Travis kay Sarah na tila naiilang sa kanila. "Babe?" paglilinaw niya sa itinawag nito kay Sarah nang parehas ng makaupo ang mga ito. "Yes Batsing. I would like to tell you all that we are in a relationship." "Kayo na?" tanong pa ni Margi. "Kelan pa?" si Jarrence naman. "Thirty minutes ago? Nag yes na siya, eh. So kami na. Sana welcome siya sa squad natin?" "Ah...o-oo." tila labas sa ilong na sagot niya. "The best ka talaga Batsing! Haha." natutuwang ani Travis. "Pre congrats. Mauna na ko sa classroom. Tatapusin ko pa 'yong project natin." paalam ng kuya Gian nila at tumayo na. "Kambal kita na lang tayo sa uwian." paalam ng kuya nila sa kanilang magkapatid saka ito lumakad palayo. Nagkatinginan sila ni Margi. Alam nilang apektado ang kuya nila sa pag-alis ni Samantha. Napatingin siya sa magsiyota. Asikasong-asikaso ni Travis si Sarah. Muntik na siyang masamid nang makitang sinubuan pa nito ang girlfriend nito. Parang ibig niyang mapangiwi sa nakikita. Nakakaumay pala kapag masiyadong sweet ang nasa harapan mo. Nakakagigil pati! Sarap hambalusin ng hotdog!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD