Chapter 5
Pagdating nila sa bahay sinabi kaagad ni Margi sa Mommy at Daddy nila ang sitwasiyon niya.
"Aw dalaga ka na. Mawawala na yang mga baby fats mo. Hindi ka na aasarin ni Travis na Batsing." nakangiting sabi ng Mommy Lia nila.
Napansin naman nilang seryoso ang mukha ng Daddy nila.
"Hey something wrong?" untag ni Lia sa asawa.
"Dalaga na sila, konti na lang may aaligid ng mga aswang diyan!" parang kulang na lang na maiyak na reaksiyon ng Daddy nila.
Para itong nalugi kung makasimangot.
"Ano pong aswang? May aswang ba dito?!" hintakot na tanong ni Margi.
"B-Baka ako ang una nilang kainin kasi mas malaman ako! Ngiii!" nahintakutang reaksiyon din niya kaya nagyakap silang magkapatid.
Natawa tuloy bigla ang Daddy Gino nila na kanina lang ay seryoso.
Bahagya itong yumukod at niyakap sila pareho saka hinalikan sa noo.
"Basta kahit anong mangyari, baby pa rin kayo ng Daddy."
"Naks ang drama naman nitong hubby ko. Haha! Damang-dama mo na siguro yung feeling ni Papa nung dinagit mo ko? Haha!" pang-aasar ng Mommy nila dito.
"Ge tawa ka lang diyan, baby. Yari ka talaga sa'kin mamaya." ngisi ng Daddy nila.
"Whatever!" nakairap na sagot ng Mommy nila na ikinatawa naman ni Gino.
****
"O paano, dito muna kayo? Saglit lang kami ng Tito Terrence niyo."
"Yes Ninang." sabay nilang sagot ni Margi sa Tita Jane nila habang nagkakabit pa ito ng earrings.
Hindi naman talaga nila ito Ninang dahil ang kuya Gian Lee nila ang inaanak ng mga ito.
Pero nakasanayan na lang nila, tutal naman ay parang pangalawang magulang na rin nila ang mga ito.
Nasa bahay sila ng mga ito na katapat lang naman ng bahay nila.
Trip lang nilang mag hang out.
"O pag may kailangan andiyan lang ang Yaya. Wag basta magpapasok ng kung sinu-sino okay?" bilin din ng asawa ng Tita Jane nila na si Terrence.
"Yes Ninong."
"Okay bye Kids! See you later." paalam ng mga ito.
"Huy Jarrence! Kuha ka foods!" utos niya sa kaibigan.
"Ikaw na 'no! Andun lang yung kusina. Nandun din si Kuya Travis. Busy ako." anito habang abala sa pagkalikot ng tablet niya.
"Hmmp!" irap niya dito at tumayo na.
Nagtungo siya sa kusina kaya naiwan ang dalawa.
Naabutan niya si Travis na abala sa pagbabate ng itlog.
"Busy ka?"
Ngumiti ito.
"Nandiyan ka pala. Si Margi?"
"Nasa sala kasama si Jarrence. Ano'ng ginagawa mo?"
"Nagpapractice magluto ng omelette."
"Para saan naman?" usisa pa niya at umupo sa stool katapat ng kitchen counter.
"Para sa balak kong ligawan. Si Sarah iyong class president namin. Kain ka muna. Alam kong gutom ka na naman." nakangising sagot nito at binigyan pa siya ng lasagna at chocolate drink.
Alam talaga nito ang gusto niya.
"Sinong Sarah? Iyon ba ang munting prinsesa?" pagbibiro niya habang kinakain ang bigay nito.
"Corny mo Batsing! Haha. Basta. Maganda siya at kailangang mapasagot ko siya kapag nasarapan siya dito sa omelette."
"Patatas ang gusto no'n. Sarah, eh."
"Ang galing mo naman! Spanish potaeto omelette nga itong ginagawa ko. Paano mo nalaman? Kilala mo ba siya?"
"Sira! Nagkalat sa sss yung memes nung Sarah ang munting prinsesa. Patatas daw ang gusto nun. May pic ka ba? Patingin!"
"Teka saglit." anito at kinuha ang pitaka sa likuran ng shorts nito.
May hinugot itong picture.
"Here she is." anito at iniabot iyon sa kanya kaya kinuha niya at kinilatis.
"Okay lang. Ang landi mo, sa'n mo kinuha 'to?"
Natawa ito sa sinabi niya.
"Kinupit ko dun sa mga nakapost na pic ng student council sa bulletin board. Saka malandi talaga? Darating ang araw na titibok din yang puso mo at lalandi ka ring katulad ko."
Napairap siya sa sinabi nito.
"Talaga namang tumitibok ang puso 'no? Mga patay lang ang hindi!"
"Hindi gano'n Batsing. Ang sinasabi ko hindi yung normal na t***k!"
"Abnormal ganun?"
"Yes! It may sound funny pero kapag nagkacrush ka o na inlove ka sa isang tao titibok ng mabilis yang puso mo na malayo sa normal na t***k. Tapos kapag nakikita mo siya matataranta ka, sumasaya ka. Kapag malapit siya sa'yo parang hindi ka makahinga ng maayos at palagi na siyang nasa isipan mo..." anitong tila nagniningning pa ang mga mata.
Tinampal niya ito dahil para itong natulala sa kawalan.
"Ay ewan ko sa'yo! Malandi ka talaga."
"Fifteen na ko Batsing. Natural lang na magkagusto na ko sa babae. Basta mark my word, darating ang araw na magkakagusto ka rin sa isang tao. Lalo pa ngayon dalaga ka na. Maybe one of these days magkukwento ka rin sa'kin kapag nagkacrush ka na."
"Hmmp. Ewan. Lutuin mo na nga yang omelette mo. Ako ang titikim kung papasa sa Sarah mo." sabi na lang niya.
Wala pa naman kasi siyang crush kaya hindi siya interesado sa mga pinagsasabi nito.
"Sige. Sabihin mo sa'kin kapag masarap o hindi." nakangiting pagpayag nito at tumalikod na saka pinihit ang stove at nagsalang ng frying pan.
Nakita niyang naiwan nito ang wallet sa kitchen counter malapit sa kanya kaya kinuha niya iyon para ibalik ang picture ng crush nito.
Binuksan niya ang wallet nito at inilagay doon ang litrato ni Sarah.
Sasarhan na sana niya iyon nang mapansin niyang may nakautlaw na bagay.
Kinuha niya iyon.
Maliit na pakete iyon na kulay brown at may drawing pang animo ibon na kulay puti.
"Trust classic condo.m?" mahinang basa niya.
Ano kaya iyon?
Napasulyap siya kay Travis. Abala pa rin ito sa pagluluto.
Parang candy ang pakete. May candy palang trust?
Binuksan niya iyon.
Napakunot noo siya nang malamang hindi naman pala candy ang laman niyon. Parang goma na lobo.
Iyon nga lamang ay pahaba at mas manipis kaysa sa pangkaraniwang lobo na nakikita niya.
Natuwa siya.
May balloon pala na nakapakete?
At may iba pa palang tawag doon. Hindi lang balloon kundi con.dom.
Mahilig siya sa lobo kaya dali-dali niyang hinipan iyon.
Naaliw siya dahil amoy chocolate din iyon.
Ui sosyal! May pascent pa!
"Batsing!" pasigaw na tawag ni Travis nang mapalingon ito.
Animo nagulat ito sa ginagawa niyang pag-ihip doon.
Lumapit ito at mabilis na hinablot iyon sa kanya pero hindi niya ibinigay.
"B-Bakit?" litong tanong niya.
"Hindi laruan 'yan! Bakit mo ba kasi pinakialaman?"
"Isosoli ko lang naman talaga yung picture nung Sarah mo tapos nakita ko yan sa wallet mo! Akala ko candy, lobo pala!"
"Hindi nga lobo yan! Akin na!"
"Bakit ka nanininigaw?! O yan! Isaksak mo sa baga mo! Nagka Sarah ka lang dumamot ka na!" inis na aniya at inihagis iyon pabalik kay Travis.
Noon lang kasi siya nito nasigawan.
Dati naman hindi issue dito kung magalaw man niya ang gamit nito.
Pigil ang iyak na tumayo siya at akmang lalabas na ng kusina pero hinatak siya nito.
"Sorry na...i didn't mean that."
"S-Sorry mo mukha mo!" nangingilid na ang luha niya.
Nabigla kasi siya.
"Batsing naman-"
"Hachu!" napahatsing na siya.
Napapansin niya na napapabahing siya tuwing tumataas ang emosiyon niya.
Its either sobra siyang masaya, malungkot, napapahiya or upset.
"Sshhh...wag kang iiyak Batsing." mahinahon ng anito na tila nataranta na.
"B-Bakit kasi ayaw mo pang ibigay? Eh, lobo lang naman 'yan! Kay Sarah mo ibibigay 'yan 'no?"
Napahilamos ito sa mukha na parang hindi alam kung paano magsasalita.
"Halika nga dito." hinila siya nito pabalik sa stool at pinaupo saka ito humila ng isa pang stool at umupo sa tapat niya.
"Batsing kasi...hindi lobo 'yon, eh. Hindi laruan."
"Eh, ano 'yon? Bakit bumintog nung hipan ko? Weird lang ng shape parang saging imbes na bilog?" litong tanong niya nang mahimasmasan.
"Baby ka pa, hindi mo pa maiintindihan at hindi mo pa dapat malaman. Basta ito na lang ang tandaan mo. Proteksiyon 'yon."
"Proteksiyon? Ano 'yon anting-anting? Agimat? Ang galing naman!"
Natawa ito sa kainosentehan niya.
"Parang gano'n. Para sa mga nagbibinata. Para hindi makasira at masira ang future."
"Ha? Ang labo! Di ko gets." kunot noong aniya.
"Kaya nga. Saka for the boys only yan kaya hindi mo na kailangang alamin. Siguro sa future pero hindi ngayon. Okay ba?" anito at ginulo pa ang buhok niya.
"Sige na nga...eh, si Kuya meron niyang co...ano nga yung tawag diyan? Con.dom?"
"Hala Batsing! Wag mo ng banggitin ang word na yan. Yari tayo nito!"
"Bakit?"
"Basta! Please lang, okay? At yung kuya mo siguro meron din."
"Sige na nga. Di ko na babanggitin. Eh, si Dad kaya may agimat din?"
Tumawa ulit ito sa tanong niya.
"I don't think na kailangan pa ni Tito Gino niyan. Hay wag na nga nating pag-usapan 'to. Basta secret lang natin 'to okay? It's just between you and me. Secret lang natin to ha?"
Napaisip siya saglit.
"Sige secret!" aniya kaya napangiti ito.
"Bati na tayo?"
Siya naman ang napangiti sa tanong nito.
"Oo bati na!"
"Ayan! Yaan mo ibibili na lang kita ng mas malaking lobo kesa dito."
"Talaga?"
"Oo naman! O teka swear ka nga muna sa'kin? I trust you Marli to be my partner in crime." anito at itinaas ang pinky finger.
"Oo na! Partners! You can trust on me!" nakangiting aniya at ipiningki ang hinliliit niya dito habang nakangiti sila sa isa't-isa.
"Oo na! Partners! You can trust on me!" nakangiting aniya at ipiningki ang hinliliit niya dito habang nakangiti sila sa isa't-isa
"Kaya love na love kita Batsing, eh."
"Haha! Oo na. Lab din naman kita kuya!"