Chapter 7

1158 Words
Chapter 7 Simula nang araw na naging magkasintahan ang mga ito tila malaki na ang ipinagbago ni Travis. Bihira na silang magkausap at magkasama. Kagaya ngayon. "Kuya Travis! Lika!" tawag niya nang makitang may bibit itong tray na may pagkain para sa lunch. As usual kasama na naman nito si Sarah. "Kay Sarah ako sasabay." senyas nito at itinuro pa ang girlfriend saka ito tumalikod. Napansin pa niyang hinila ito ni Sarah na parang ayaw palapitin sa kanila. Umupo ang mga ito sa isang bakanteng mesa kaya napasimangot siya. "Ano ba yan? Silang dalawa lang pala ang kakain bakit hindi pa dito?" palatak ni Margi. Dismayadong bumalik siya ng upo sa pagitan ng kakambal at ni Jarrence. "Ano ba naman kayo? Siyempre kailangan nila ng privacy. Sila na di ba? Isa pa nakakauta din makitang naglalandian sila sa harap natin. Gusto niyo ba 'yon?" ani Jarrence sa kanila. Napatingin tuloy siya sa mga bakanteng upuan ng favorite spot nila sa canteen. Ilan taon din silang magkakasama doon ng kuya Gian Lee nila, Samantha, JC at Travis. Pero unang nawala si Samantha. Parang simula noon nagpakabusy na ng husto ang Kuya Gian nila sa mga activities ng school. Basketball, dance troupe. Kasama si JC. Kaya bihira ng nakakasabay ang mga ito. It's either maagang maglunch ang mga ito or late na. Tapos ngayon may kalandian lang si Travis parang nakalimutan na sila nito. "Tayo na lang tatlo. Walang iwanan, ah?" baling niya sa kapatid at kay Jarrence saka inakbayan ang mga ito. "Oo! Promise!" sabay na sagot ng dalawa. "Muahh! Muahh!" halik niya sa pisngi ng mga ito. "Ewww!" tili ng mga ito sabay pahid sa mga pisnging hinalikan niya kaya napatawa siya. **** Dali-daling nagpunta si Marli sa banyo. Ihing-ihi na siya. Nagpaexcuse lang siya sa teacher. Nang makaihi ay nagflush siya ng toilet. Muntik pa siyang mapatalon sa gulat dahil paglabas niya ng cubicle ay may taong dumaan sa harap niya. Eh, sa pagkakatanda niya walang tao sa banyo nang pumasok siya. "Ikaw pala." bati sa kanya ni Sarah saka ito nagtungo sa malaking salamin. "Hi." matipid na bati niya at humakbang papunta rin sa salamin kung nasaan din ang sink. Pagkakataon nga naman. Nakasabay pa talaga niya ito. "Wala kang klase?" untag nito habang naghuhugas siya ng kamay. Ito naman ay naglalagay ng lip balm. "Meron." "Ah okay...Uhm. Batsing Right?" "No." "Ha? Eh 'yon ang tawag sa'yo ni Babe Travis. Or 'yong kakambal mo ang Batsing? Pero ikaw talaga 'yon, eh." tila litong tanong nito. "What I mean sa No is...don't call me Batsing. Only my close friends can call me Batsing. Marli. Call me Marli." prangka niyang sagot saka tumitig sa salamin. Nakikita niya ang bawat kilos nito doon. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pasimpleng pag-angat ng kaliwang kilay nito na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. "Okay...so Marli. Gaano kayo kaclose ni Travis?" "Why do you ask?" aniya at pinatay na ang sink saka siya humagip ng tissue paper at ipinunas sa basang kamay. "Wala naman. Curious lang. Para alam ko kung sino ba ang dapat kong pagselosan at hindi." Siya naman ang umangat ang kilay sa tinuran nito. "Pakiclaro. Malabo ang dating mo." "What i mean is medyo may pagkaselosa ko. Sa bahay kasi ang dami kong kapatid. Palaging maraming kahati. Isusubo ko na nga lang ibibigay ko pa sa kanila. Kaya alam mo na. Kung sakali kasi, sa unang pagkakataon kay Travis lang ako walang magiging kahati. Kaya ayoko ng may kaagaw pagdating sa kanya. Gusto ko akin lang siya. Noong hindi pa siya nanliligaw sa'kin nakikita ko kayo minsan sa canteen. Nagtatawanan, nagkukulitan. Nakita ko kung gaano kayo kaclose. Kaya gusto kong klaruhin kung ano ba kayo? Alam mo kasi Marli marami na akong pinagdaanan. Mahirap maging mahirap. Pero heto kinakaya ko naman. Kaya alam mo kahit tapak-tapakan ako ng paulit-ulit hindi ako sumusuko. Kaya kung sakaling may umagaw kay Travis hindi ako basta-basta patatalo." seryosong turan nito habang magkatitigan sila sa salamin. "Tapos alam mo bukang bibig ka pa niya. Tawang-tawa nga siya sa'yo kapag napapasulyap siya sa favorite spot ninyo kung gaano ka kagana kumain. Nakakamiss ka raw palang kasabay? Imagine that? Kami na nga ang magkasama napapansin ka pa niya." dagdag pa nito. Nagpanting ang tenga niya. Hindi man nito sabihin ng diretso ay halatang pinagseselosan siya ng bruhang ito. Buti sana kung nilalandi talaga niya si Travis. Pero hindi. Kuya ang tingin niya dito. Ayaw pa naman niya na napagbibintangan. Well lahat naman ng tao ayaw mangyari iyon. "Alam mo Sarah, 'wag kang praning hindi nakakaganda yan. Unang-una twelve lang ako. Wala pa kong kalandian hormones katulad ng sa'yo. Hindi ko kasalanan kung close kami ni Kuya Travis. We've been together for years so hindi mo maiaalis kung mabanggit man niya ko o alinman sa'min. May relasiyon kayo di ba? Talagang kahit papaano maoobliga kang kilalanin ang mga tao sa paligid niya. Di ba nga ikaw nagkukwento ka sa kanya tungkol sa buhay mo? Kung gaano kayo kahirap? Gano'n din si Kuya nagkukuwento rin siya ng mga bagay na may kinalaman sa kanya at parte kami ng mga 'yon. Ang lagay, eh, ikaw lang ang may karapatang magstory telling? Pag siya bawal? Huy hindi lahat tungkol sa'yo! Payo ko lang, ah? Lawakan mo utak mo. Wag kang one sided kaya ka green minded, eh!" Nakita niyang napatiim bagang ito sa tinuran niya. "Alam mo for a twelve year old kid? You're rude!" asik nito. Umangat ang kilay niya at ngumisi. "I know how to respect. Depende nga lang sa kaharap ko kung kagalang-galang ba talaga? Baluktot kasi yang utak mo. Nagseselos ka sa dose anyos? Mahiya ka naman 'te. Kasalanan ko bang titigan ako ni Kuya kahit sa malayo? Inutusan ko ba? Hindi di ba? Isip din. Matalino ka di ba? Wag ka kasing inggit, nakakapangit!" aniya at tumalikod na pero hinagip nito ang braso niya kaya napaharap ulit siya dito. Nilapitan niya ito. Hindi siya naduduwag dahil magkasing tangkad lang naman sila. "Layuan mo si Travis!" utos nito. Natawa siya. "Baliw ka po? You know what, my parents raised me to be nice and tough at the same time. Hindi pwedeng magpa-api dahil lintik lang ang walang ganti! I can be an Angel but most of the time lumalabas din ang sungay ko. Kaya wag mo kong babanggain dahil susuwagin kita!" sigaw niya at pagigil ding sinambilat ang braso nito saka mariing pinisil iyon. Napangiwi ito sa sakit at halatang nagulat. "A-Ano ba?" daing nito. Napailing siya at padabog niyang binitiwan ang braso nito saka siya lumakad papunta sa pintuan. Akmang lalabas na siya nang maalala ang sinabi nito kanina. "Kawawa ka naman. Sa dami niyong magkakapatid sabi mo nga wala ka ng maisubo. Kaya go ahead, kung gusto mong isubo si Travis ng buo, eh di sige. Mabilaukan ka sana!" irap niya. Gigil siyang naglakad pabalik ng classroom. Kapag siya tinoyo may kalalagyan sa kanya ang Babe ni Travis! Si Sarah ang malanding mahadera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD