Chapter 8

1757 Words
Chapter 8 "Sinabi niya 'yon?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Margi at Jarrence. "Oo. Maldita pala ang bruha. Bait-baitan lang. Ngani-ngani ko na ngang sabunutan kaso lang nangako tayo kina Dada na hindi dapat tayo maprincipal ulit, eh." sagot niya. Naikwento niya sa dalawa na pinagdiskitahan siya ni Sarah. Ang malanding mahadera. "Sira ulo pala 'yon? Praning lang? Pagseselosan tayo? Ikaw? Eh, sa magkakasabay tayong lumaki pakialam ba niya? Possessive pala!" halatang inis na turan ng kakambal niya. "Kaya nga, eh. Gusto mo isumbong ko kay Kuya? Para break na sila kaagad!" suhestiyon ni Jarrence. Natawa siya. "Wag na. Baka isipin pa niya sinisiraan lang natin 'yong bruha niyang girlfriend. Isa pa si Kuya Travis dapat mismo ang makatuklas ng itinatago niyang sungay." aniya. "Pero paano mangyayari 'yon? He's blinded by her beauty, angelic smile, sweet voice! Pwe!" nakasimangot na palatak ni Jarrence. "In time. Tama naman si kambal. Sa ngayon steady lang tayo. Baka naman talagang sawa na siyang makihati sa mga kapatid niya at ngayon lang siya magkakaroon ng alam mo na...solong pag-aari." ani Margi. Kung minsan mas mahaba ang pang-unawa at pasensiya nito kaysa sa kanya which she assumed na nakuha nito sa ama nila. Napakapasensiyoso ng ama nila. Kung minsan nga imbes na mainis tumatawa na lang ito at iiling. "Pero kambal, hindi bagay si Travis na pwedeng gawing pag-aari or trophy. Hays! Bahala na nga. Wag na wag lang niya ulit niya ko kakantiin dahil uubusin ko talaga lahat ng buhok niya sa katawan!" gigil na turan niya. "Ang lagay, eh, ikaw lang ang mangangalbo sa kanya? Sama ko!" ani Jarrence. "Oo nga! Ako rin. She's making me gigil din!" sang-ayon ng kakambal kaya napangiti na siya saka inakbayan ang mga ito. "Kaya lab na lab ko kayo, eh! Muahh! Muah!" halik pa niya sa pisngi ng mga ito. "Eewww!" "Eewww!" sabay-sabay na react ng mga ito na mas ikinatawa niya. "O paano? Tayo na ngayon ang team TABIG?" aniya. "Ano naman ‘yon?" litong tanong ni Margi. "The Anti b***h Girlfriend. Kaya T.A.B.I.G.! Tatabigin natin lahat ng mga malditang girlfriends!" "Ayos ‘yan! Cool!" bulalas ni Jarrence. **** "Del Fuego for three points!" sabi ng announcer kaya naman napapalakpak sila nina Jarrence dahil nakashoot si Travis. "Tuwang-tuwa din 'yong bruhang supportive girlfriend, oh." danggil pa ni Margi sa balikat niya. Katabi niya ang dalawa sa unang baitang ng bleachers, malapit sa mga players. Iyon lagi ang pwesto nila sa tuwing manunood sila ng laro nina Travis at Kuya Gian nila pati si JC. Intram ng school nila kaya naman wala silang ibang gagawin kundi manuod ng mga laro. Ang kuya Gian nila ang team captain. Kaunti lang ang pagitan nila kay Sarah. Apat na tao lang ang nakapagitan sa kanila. "Yuck! Nagflying kiss pa si Kuya kay Sarah!" palatak ni Jarrence. Maging sila ay napangiwi nang makita ang ginawa nitong pagflying kiss sa bruhang girlfriend. Tuwang-tuwa tuloy si Sarah. Mukhang inspirado talaga si Travis. "Ang baduy! Uminom na nga lang tayo." palatak niya at napailing. Iniabot niya sa dalawa ang mga chocolate drink na dala nila na nasa isang paper bag. Imbes na pagtuunan ng pansin ang bruha ay uminom na lang sila at mas itinuon ang pansin sa game. Kalaunan ay idineklarang panalo ang team nina Travis. Bumaba silang tatlo para puntahan ang mga ito. "Wow! Congratualations!" bati nila sa kuya Gian nila. "Thanks kambal. Kayo talaga lucky charm ko, eh." nakangiting anang kuya nila at ginulo pa ang buhok nila. "Oo nga. Payakap nga!" ani JC at akmang yayakap sa kanila ang pawisang katawan nito. "Ewww!" iwas nila nina Jarrence. Halatang nang-aasar lang ang tukmol na si JC. "Inumin mo na nga lang 'to!" aniya sa pinsan at inihagis dito ang isang chuckie na nasalo naman nito. Pati kuya nila ay inabutan din nila. Tuwing pagkatapos ng game ay trip ng mga itong uminom niyon. "O may isa pa? Kay kuya Travis yan di ba?" ani Jarrence sa nag-iisang chocolate drink na natitira sa paper bag. "I don't think he'll ever drink that again. May pagatorade na si Sarah Mahadera." pasimpleng nguso ni Margi kina Travis. "Babe! Congrats!" dinig pa nilang bulalas ni Sarah at yumakap pa kay Travis na hindi kalayuan sa kanila. "Salamat babe. I love you." ani Travis at humalik pa sa noo nito habang bitbit ang blue volt gatorade na bigay nga ng girlfriend nito. Naghiyawan tuloy ang buong team maging sina JC at kuya Gian nila. Napangiwi siya. Talaga namang nakakakilabot ang kabaduyan at kalandiang taglay ng mga ito. "Yuck." dinig niyang palatak nina Jarrence at kambal niya. "Eh, di akin na lang 'to." sabi niya at kinuha sa paper bag ang natirang chuckie. Napailing siya at napasimsim pa sa chuckie. Ewan ba niya. Pero nakaramdam siya ng lungkot. Hindi na kailangan ni Travis ang chuckie niya... "Hoy Batsing!" napalingon siya nang tinawag siya nito. "W-What?" Nakangiting nilapitan siya nito habang hawak sa kamay ang girlfriend nito. "Hindi mo ko ikocongrats? Saka hindi mo ko bibigyan niyan?" nguso nito sa iniinom niya. Sila-sila na lang ang naiwan, nauna ng umalis ang mga kateam mates nito. "Eh, di congrats. Pero wala ng chuckie. Last na to." irap niya. "Walang last last. Hindi ako sanay ng hindi umiinom nito pagkatapos ng game. Akin na 'yan!" tumatawang anito at hinablot sa kanya iyon saka walang pakundangang sumipsip sa straw na nainuman na niya. Napanganga siya. Wala naman sanang kaso at wala rin namang malisya sa kanilang dalawa kung gawin man nito iyon, dahil sanay na sila na minsan ay nagkakataon na iisa lang iniinuman nila pero iba na ngayon... May mga mata ng nakatutok sa kanila at naningkit pa iyon dahil sa pagkamalisyosa. Halatang hindi nagustuhan ni Sarah ang inasal ni Travis na nakisalo pa ito sa iniinom niya. "Travis halika na. I'm hungry." biglang hatak ni Sarah sa nobyo. "O sige na. O pa'no, kambal, Jarrence. Mauna na kami. Bye." paalam ni Travis sa kanila. Nahabol na lang nila ito ng tingin habang papalayo at hindi nakaligtas sa paningin niya nang pasimpleng hinablot ni Sarah ang iniinom na chuckie ni Travis saka itinapon iyon sa nadaanang trash bin. "Did you see that?" palatak ni Jarrence. "Uhuh. Tinapon niya 'yong chuckie!" diin ni Margi. "Hoy! Tara na! Maliligo na ko." yakag ni Gian kay JC. "Maliligo muna kami. Kita tayo sa canteen." paalam ni JC. Nang maiwan silang tatlo ay parang iisa ang mga pag-iisip na tumakbo sila palapit sa basurahan. Walang pangingiming binuksan niya ang taklob niyon at nakita nga niya ang chuckie na itinapon ni Sarah. Marami pang laman iyon pero itinapon nga ng bruha! "Grabe siya. Sinayang niya. Kung tayo nga hindi natin inaaksaya 'yan, eh!" palatak ni Jarrence. "Sumusobra na talaga ang bruhang 'yan! Makikita niya! Tabigin na natin palabas ng earth ang impaktang ‘yon!" naniningkit ang mga matang turan niya. Mistulang hunters na hinanting nila si Sarah ng araw na iyon pero hirap silang makakuha ng tiyempo. Mailap ito dahil laging nakabuntot kay Travis. Hanggang sa naispatan nila itong papasok ng locker room. Mabilis silang pumasok. May mga nakasalubong pa silang kapwa estudiyante na palabas. Napangiti sila ng makitang si Sarah na lang ang nasa loob. Abala ito sa paghahanap ng kung ano sa loob ng locker nito nang lumapit sila. Bigla niyang isinara ang locker nito ng malakas kaya muntik ng maipit ang mukha nito kung hindi lang nakailag. "Bilis ng reflexes mo, ah?" bored niyang puna. Nakita niya ang biglaang pamumula ng mukha nito sa galit. "Nantitrip ka ba? Eh, kung naipit ang mukha ko do'n?!" asik nito. "Eh, di pisak! Simple. Dami mong arte?" "Ano bang gusto mo? Bakit ba kayo nandito?" Napapangising nagkatinginan sila nina Jarrence. "May itatanong lang kami. Wag kang kabahan." kalmadong ani Margi at lumakad papunta sa kanang bahagi ng tagiliran ni Sarah. "Oo nga. Chill ka lang te." nakangiting ani Jarrence at humakbang papunta sa kaliwa nito. Mistulang kinorner ito ng dalawa habang nakatayo lang siya sa unahan ni Sarah. "Usap lang tayo Bhe." ngiting asong aniya at humalukipkip. "Ano'ng Bhe? Wag mo kong tawaging Bhe! Hindi tayo close!" pagtataray nito kaya umangat ang kilay niya. "Aba Marli pumapalag! Tadiyakan mo na!" pambubuyo ni Jarrence saka tumakbo sa pintuan at inilock iyon. "Sshhh! Jarrence ano ka ba? Hindi tayo bully makikipag-usap lang tayo dito kay Bhe. As in Best Hypocrite Ever!" pagdidiin niya sa ibig sabihin ng Bhe para sa kanya. Nagtagis ang mga bagang ni Sarah sa tinuran niya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" banta nito. "Bakit ko babawiin? Totoo naman di ba? Ipokrita ka! Bait-baitan. Akala mo siguro hindi ko nakita na itinapon mo 'to 'no?" aniya sabay pakita ng chuckie na kinuha niya kanina sa basurahan. Tumawa ito. "Para kang bata! Yan lang nagwawala ka na? Nagsama ka pa ng mga alagad mo? Ayokong painumin siya niyan dahil nakakataba! Parang ikaw!" nang-aasar na sabi pa nito kaya napaangat ang kilay niya. "Sira ka pala, eh! Kung kami nga hindi namin inaaksaya 'yan, ikaw pa ba? Kapalan?" batok ni Margi dito na ikinagulat nila ni Jarrence pero at the same time natawa sila. Mukhang napatid na ang pasensiya ng kambal niya. Hinagilap niya ang baba nito at mariing pinisil iyon. Napangiwi ito. "Nakakataba? Eh, ikaw lalong humahaba ang baba! Lalong tumulis, oh." pang-aasar niya. Ngayon lang niya napansin na may kahabaan pala ang baba nito. Babalina ang bruha. "Isusumbong ko kayo sa principal!" tila mangiyak-ngiyak ng palag ni Sarah at akmang aalis pero pinigilan ito ng dalawa ni Jarrence. Hinawakan ng mga ito ang braso ni Sarah. "Alam mo Sarah, pakipalitan ng pangalan mo. Hindi bagay, eh. Lavinia na lang. Tunog kontrabida bagay na bagay sa ugali mo. Magsusumbong ka? Samahan ka pa namin kung gusto mo. Hilig mo kasing mag-inaso. Inaano ka ba?." "Wala naman kaming pakialam talaga, sa kung anumang meron kayo, eh. Kaya lang grabe talaga ugali mo. Wag mo kasi kaming pakialaman para hindi rin namin kayo pakialaman. Dapat sa'yo tinuturuan ng leksiyon, eh." seryosong dagdag ni Jarrence. Nagpupumiglas si Sarah pero ayaw talaga itong pakawalan ng dalawa. "Kapag nalaman 'to ni Travis nasisiguro kong kayo ang tuturuan niya ng leksiyon! Your friendship will be ruined! Alam kong mas pipiliin niya ko kaysa sa inyo! He loves me more than anything else! Iyon ang sabi niya! Kaya alam kong mas lamang ako kaysa sa inyo! He'll be with me forever!" asik nito. "Tara na." yakag niya sa dalawa pero bago iyon ay muli niyang binalingan ang bruha. "Sabi mo nga pala forever kayo ni Travis? Bhe, sisiguruhin ko sa'yong walang forever kaya tumalon ka na sa river!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD