Chapter 9 "Busy ang baby Marli ko, ah?" puna ng Mommy Lia niya nang pumasok ito sa kwarto niya. Ngumiti siya dito habang hawak ang tablet niya. Lumapit ito at tinabihan siya ng upo sa kama. "O profile ni Travis yan, ah?" puna nito. "Oo nga po." Nasa news feed niya kasi ang mga status nito. Nagmonthsary na raw ang mga ito ni Sarah. Nakapost ang isang litrato nito kasama si Sarah na may hawak pang bulaklak habang magkatitigan. Nakakasuka din ang caption ni Travis na 'Lucky to have her.' Sa social media na nga lang niya nababalitaan ang ganap sa mga ito. Halos hindi na rin kasi sila magkita sa school at kapag weekend naman nakikipagdate si Travis. Mukhang hindi naman nagsumbong si Sarah dahil wala pang aksiyon si Travis. "Girlfriend ba niya 'yan?" tanong ng Mommy niya. "Unfortun