Chapter 32 "P-Para kang tanga..." nasabi ni Marli ng sabihin ni Travis na pwede niya itong maging boyfriend in the meantime. Binawi niya ang kamay niya na hawak nito. "Ayaw mo?" seryosong tanong nito. "S-Seryoso ka ba?" "Oo." Natigagal siya. Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Bumilis lalo ang t***k ng puso niya. Kinagat niya ang sariling dila para pigilan ang tili na gustong kumawala sa bibig niya. Kinikilig na siya... Naputol lang siya sa kahibangan ng bigla itong tumawa. "Hoy Batsing biro lang! Mukhang kinilig ka na yata diyan? Namumula ka na, oh!" kantiyaw nito habang tumatawa pa rin. Awtomatikong nagtagis ang bagang niya. Sumama ang loob at napasimangot. Kung makatawa pa ang loko parang wala ng bukas. Sarap sungalngalin ng ngala-ngala! "Stop the car." malamig n