Chapter 33

1378 Words

Chapter 33 "H-Hintayin mo ko. Bababa ako. Doon ka na lang dumaan sa may back gate, para diretso ka na sa garden." aniya at nagmamadaling umalis sa tapat ng bintana. Bukod sa inip na siya sa pamamalagi sa silid ay namiss rin niya ito. Humagip siya ng jacket at isinuot iyon pati ang hood sa ulo niya para hindi siya mahamugan. Kumuha rin siya ng mask para takpan ang ilong at bibig. Maingat siyang lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdanan. Dumiretso siya sa hardin at nilapitan ang back gate para buksan iyon. Nakita niyang nakatayo na doon si Travis na halatang naghihintay na mapagbuksan niya. "Pasok-" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng hatakin siya nito at yakapin. "Namiss kita, Batsing." bulalas nito pero kaagad niya itong itinulak saka siya nagmamadaling dumistansiya ng isang dipa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD