Chapter 31 "Teka, sasabihin ko kay Travis itong nalaman ko. Malay mo ligawan ka kapag nalaman niya. Eh, di natulungan pa kita?" tumatawang ani JC at akmang aalis na pero hinila niya ito saka siya lumuhod at niyakap ang binti ng hinayupak. "JC, hayop ka. Animal ka talaga! Bwisit ka. Pero parang awa mo na wag mo kong ibuking. Ililibre kita ng kahit ano’ng gusto mo, wag mo lang sabihin!" ngawngaw niya kaya napahalakhak ito. "Wow! Ang pinsan kong tigre nagmamakaawa? Interesting. Pero tumayo ka nga diyan." utos nito at hinatak siya patayo. "H-Hindi mo na ko ibubuko?" "Eh, di inaamin mong gusto mo talaga siya?" nakahulukipkip ng tanong nito. "Buko mo na di ba? Alangang itanggi ko pa?" asar na aniya. Napangiti ito at napailing. "Since when?" Napakibit balikat siya sa tanong nito. "E-Ewa