Chapter 3
"Asan si Travis?" tanong ng Kuya nilang si Gian habang papasok sila ng principal's office.
"Nakatakbo kuya. Babalikan nga dapat tayo, eh, kaso lang sinenyasan ko na wag na lang. Yari yun kina Ninang Jane pag napasama pa dito." sagot niya.
Napagalitan sila ng principal kaya ipinatawag ang mga magulang nila.
"At least ngayon hindi na tayo mahihirapang magsabi na ipinapatawag sina Dada. Si Principal na mismo nagpatawag, eh." bulong niya sa kambal na si Margi na katabi niya sa sofa sa loob ng principal's office.
"Oo nga, pero lagot pa rin tayo." halatang nag-aalala pa ring sagot nito.
Nakaramdam siya ng pagkainip kaya naman inilabas niya ang digital cam sa bag.
Pasimple niyang kinunan ang Kuya Gian Lee at si Samantha na katabi rin nito.
Napakaseryoso kasi ng mga ito.
"Kuya! Ate Sam smile!" aniya sabay flash ng camera
"Marli!" saway ni Gian nang mapansin ang ginawa niya.
Nagflash kasi ang kamera.
"Bakit dala-dala mo yan? Diba bilin na bilin sa'yo nina Mommy 'wag mong dadalhin 'yan dito sa school? Akin na nga!" pagsusungit nito at akmang hahablutin iyon pero iniiwas niya.
Napabungisngis siya.
"Bakit ba? Ang cute-cute niyo kaya, haha. Parang anytime iiyak na kayo parehas ni Ate Samantha! Haha."
Napatigil sila ng mapansing dumating ang mga magulang nila.
"Dada! Mom!" takbo nila sa mga ito.
"Mr. And Mrs. Fortaleza glad you came." bungad ng principal.
"What happened?" mahinahong tanong sa kanila ng ama nilang si Gino.
"Nakipag-away ang mga anak niyo sa mga grade six student na kaklase ng panganay niyong si Gian Lee." ang principal na ang sumagot saka pinaupo ang mga magulang nila sa upuang nasa unahan ng desk ng principal.
"Paano ho ba nagsimula?" ang Mommy Lia nila ang nagtanong.
"Edi mga anak niyo ang nagsimula." sabat ng isang magulang na katabi si Raymond na namumula ang pisngi. Kasama pa ang dalawang nambully rin sa kanila.
"Kinakausap ka? Sabat ka ng sabat? Ikaw ba principal?!" supalpal ni Lia dito kaya nagbungisngisan sila ni Margi dahil sa angas ng Mommy nila.
"Lia." awat ng Daddy nila.
"Siya kasi mukha na ngang singit, singit pa ng singit!" sagot pa ng Ina nila kaya mas lalo silang napabungisngis.
"Well hindi ko pa alam kung ano ba ang puno't dulo basta inabutan na lang namin na may riot sa canteen. Gusto ko sila mismo ang magkwento para sabay-sabay nating malaman." anang principal.
"Kita mo na nambintang kaagad isa ka pa rin naman palang walang alam?" pasaring ni Lia dun sa magulang.
Hindi ito umimik.
"We didn't mean any harm kaya lang they've started it." siya ang unang nagsalita.
"Oo nga, we're just eating our lunch then suddenly that beast came at pinapaalis kami sa table. Pwesto raw nila iyon ng friends niya." dagdag ni Margi at turo sa tatlong bwisit na mga lalake na panay mga nakayuko at namumula pa rin ang mga pisngi.
"As far as we know po, hindi naman kanila iyong table kaya hindi kami umalis but then tinulak at binatukan po nila kami kaya po nasampal ko siya." pagkukwento niya pa.
"I did the same thing kasi balak nilang suntukin si Marli kaya inunahan ko na po ng sampal iyong isa." dagdag ni Margi.
"Gian paano kayo nadawit dito?" baling ng Daddy niya sa dalawa ni Samantha na parehas tahimik.
"Magkasama po kami ni Samantha papuntang canteen, inabutan ko pong pinagtitripan nina Raymond ang kambal kaya po sinuntok ko siya. Maangas naman po kasi talaga siya." kwento ni Gian.
"U-Umaawat lang po ako kaya lang kasi pinagtutulungan kami ng mga 'yan kaya tinulungan ko na lang po sina Gian. S-Sorry po." nakayukong dagdag ni Samantha.
Nang masettled ang gulo pinalabas na rin sila pero bago iyon kinausap muna ng principal at ng teacher nilang si Mrs Magubat ang mga magulang nila.
"Dapat sa mga anak niyo pinapangaralan niyo." pasaring ni Mrs. Hernandez na nakairingin kanina ng Mommy Lia nila na nakasabay nila sa parking lot ng school.
"Sa pagkakaalam ko mga bata ang may away hindi mga isip bata." ngisi ni Lia dito saka ito nilapitan.
"Lia tama na 'yan." awat na naman ng ama nila dito.
"Ito kasi eh. Akala mo kung sino para pangaralan at pagmagandahan ako wala namang kaya iyong anak niya kundi maliliit." irap dito ni Lia.
"Ngayon ko lang narealize kung ano ang puno siya ang bunga. Kita mo ang taba-taba mo tapos papatulan mo ko? Ina ka nga ng anak mo!" singhal pa ni Lia rito.
"Alam mo mabait naman ang mga anak ko kung hindi napoprovoke. Parang ako wag mo kong sinisimulan kung ayaw mong tapusin kita! Hmp!" at umamba si Lia ng suntok kaya napatili ito.
"Let's go na anak!" tarantang anito at hinila ang anak saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Nakarinig kami ng palakpakan.
"Cool mom!" cheer nila.
"Kids! Behave." banta bg Daddy nila kaya nagdudumaling pumasok sila sa kotse.
****
"Hephephep." tawag ni Gino sa sa kanila noong akmang papanhik sila paitaas ng bahay ng makauwi sila.
"Why Dad?" tanong nila.
"Upo." turo nito sa sofa.
Napapakamot sa batok at ulo na sumunod sila at nagsiupo.
Tinabihan naman sila ng Mommy Lia nila.
"Ayoko ng mauulit 'to. I-promise niyo 'yan." panimula ng ama.
"Yes Dada as long as hindi na rin nila uulitin." sagot nila ni Margi.
"Gian Lee?" baling nito sa kuya nila.
"Sure Dad basta 'wag lang nila aawayin ulit mga kapatid ko saka si Sam." pagsang-ayon nito.
"Thank you kuya." sabay na sabi nila ng kakambal at hinalikan nila ito sa pisngi na ikinangiti ni Gian.
"Lia?" baling nito sa Mommy nila.
"Bakit pati ako?" angal nito.
"Inaway mo rin kanina yung isang magulang dun."
"Siya naman nagstart eh." katwiran pa ng ina.
"Kahit na dapat behave ka sa harapan ng mga anak natin."
Tumayo ang ina nila at pinamewangan ang ama nila.
"Pinapagalitan mo ko?"
"No pinagsasabihan ka lang baby."
"Mabuti na yung malinaw." sabi ni Mommy nila kaya nagbungisngisan silang magkakapatid. Cute kasi ng Daddy nila.
"Teka hindi pa ko tapos. Marli and Margi may reklamo sa inyo adviser niyo. Nagkokopyahan daw kayo during exam." anang Daddy nila kaya nagkatinginan sila ni Margi.
"Lagot kayo." pananakot pa ng kuya nila.
"Hindi po kami nagkokopyahan, may nakalimutan lang po akong term kaya po itinanong ko kay Marli." sagot ni Margi.
"Oo nga po Dada saka bad po ba yun di ba po turo niyo share your blessings bawal madamot. Eh bakit po si Teacher tinuturuan kami na magdamot? Sino po ba sa inyo talaga ang tama?" tanong naman niya. Parehas na napahampas ang mga ito sa noo.
"Kasi ganito yun anak. Sa school bawal magkopyahan ng sagot kasi kung gagawin niyo yun hindi matetest kung ano yung mga skills niyo. Alangan namang parehas kayo palagi basta sa susunod-"
"Lesson learned Dada! Wag kaming magpapahuli!" putol nila ni Margi sa tatay nila.
Natawa na lang ito.
"We love you!" bulalas nila at sabay-sabay nilang niyakap.
"Oo na! I love you ng marami." pagsuko nito kaya nagkatawanan sila.
****
"Walangya ka pre! Bakit ka tumakbo? Kami lang tuloy napiga dun!" sabi ng Kuya Gian Lee nila kay Travis nang puntahan sila nito sa bahay.
"Pupuntahan ko naman dapat kayo kaso lang itong si Batsing sinenyasan ako na wag na lang daw. Pasensiya na. Yari din sana ko kina Tita Jane kung nagkataon."
"Ewan ko sa'yo. Pero at least naturuan natin ng leksiyon sina Raymond."
"Dapat lang 'yon. Ikaw Batsing ayos ka lang? Kayo ni Margi?" baling nito sa kanila.
Kasalukuyan silang nagmemeryenda habang kapwa sila abala ni Margi sa pagdadrawing ng mga bandila ng iba't-ibang bansa sa mababang center table ng sala at nakalupagi sa carpeted na sahig.
Assignment kasi nila iyon.
"Oo ayos lang. Nakasampal naman, eh." tatawang-tawang sagot ni Margi.
"Oo nga! Sarap pala manampal, eh. Haha!" tawa din niya.
"Oo nakasampal ka nga, pero ang panget niyang flag mo! Bakit hindi pantay yang pagkukulay mo? Hindi rin tuwid yang linya ng mga flag mo. Hindi proportion. Bingot, eh. Tingnan mo 'tong si Margi. Maayos yung sa kanya. Tatapon yan ng teacher mo!" pang-aasar ni Travis sa kanya kaya binato niya ito ng Crayola.
"Yabang mo. Ikaw ba magaling magdrawing?"
"Aba siyempre. Akin na nga, dodrawing kita." anito at tumabi sa kanya.
Kumuha ito ng malinis na papel at nagdrawing ng bandila.
"Gian! Siraulo ka talaga! Ang baboy lang? Bakit mo dinilaan yang sandwich? Di ba sabi ko hati tayo? Last piece na 'yan, eh!" dinig nilang inis na sabi ni Samantha na kasama rin nilang magmeryenda.
"Sorry. I change my mind. Kung gusto mo pwede mo pa rin namang kainin 'to. Iyon nga lang may extra laway ko na." nakangising sagot ng kuya Gian Lee nila.
Nasakal tuloy ito ni Samantha. Hanggang sa maghabulan ang mga ito palabas.
Para magpatayan siguro. Haha.
Sanay na sila sa mga ito.
Kadalasan na aso't-pusa.
"Wait lang wiwi lang ako. Pabantay drawing ko baka liparin." ani Margi at nagmamadaling umalis.
Halatang ihing-ihi na talaga.
Napabaling tuloy ang tingin niya kay Travis na seryosong idinodrawing siya ng mga bandila. Silang dalawa na lang ang natira.
"Oi Kuya Travis. Thank you nga pala. Kung di kayo dumating baka nasuntok na kami ni kambal sa mukha."
Napangiti ito at tiningnan siya.
"Sumbong mo lang sa'kin kapag may nantrip sa inyo, ako bahala. Mata lang ang walang latay kapag may umagrabiyado sa inyo." anito saka siya inakbayan.
Napangiti siya. Natutuwa siya sa pagiging protective nito sa kanila.
Bata palang sila ni Margi, kasama na nila ito. Parang pangalawang kuya nila maliban kay Gian.
"Weh talaga?"
"Oo nga. I'll protect you no matter what happens. Walang pwedeng umaway sa Batsing ko...tandaan mo 'yan." anito at hinalikan pa siya sa noo saka ito kumalas sa pagkakaakbay at muling bumalik sa pagdodrawing.
"Haha! Lab you na Kuya!" tawa niya.
Ang mga parents niya at kuya Gian Lee lang niya ang sinasabihan niya nun pati ang kambal niya. Ngayon pati ito ay kasama na sa mga mahal niya.
"Keso mo naman! Pero...Lab you too. Batsing."