Chapter 2

1607 Words
Chapter 2 "Kambal! Psst! Margi." pasimpleng tawag ng batang si Marli sa kakambal. Pasimple pa niyang sinipa ang upuan nito. Lumingon naman ang tinawag. Pasulimpat pa itong tumingin sa kanya. "Bakit?" halos pabulong na tanong ni Margi. "Ano'ng sagot mo sa number 3?" alanganin ang ngiting tanong ni Marli. Nasa isang pagsusulit sila. Periodical test ng Grade 3 students. One sit apart ang layo ng upuan nila at kasalukuyang nakatalikod sa gawi nila ang guro nila. Mistula itong gwardiyang nagroroving sa classroom para matiyak na walang magkokopyahan. Tumingin muna si Margi sa gurong nakatalikod pa rin at pasimpleng iniangat nito ang papel para makita niya ang sagot. Mabilis niyang hinawakan ang lapis at mabilis pa sa alas kwatrong isinulat sa test paper ang nakitang sagot ni Margi. "Thanks!" nakangiting pasasalamat niya at nagthumbs up sa kambal nang matapos. Muling bumaling ang siyam na taong gulang na si Marli sa papel para magsagot na ng kanya. Eksakto namang humarap na ulit sa gawi nila ang guro at lumakad sa hanay nila. Napangiti siya dahil hindi sila nito nahuli. At nang makalagpas ito sa upuan nila ay naramdaman naman niyang may sumipa sa upuan niya kaya napatunghay siya. "May sagot ka na sa number 7? Nakalimutan ko ang term dun..." tanong naman ni Margi sa kanya. Tiningnan niya ang papel kung may sagot na ba siya dun at nang makitang meron na ay pasimple niyang iniangat ang test paper para makita ng kakambal. Kung narito si Jarrence na anak ng Ninong Terrence nila tatlo silang nagtatanungan, kaklase rin at best friend nila ito. Nilagnat kasi ito kaya special exam ang mangyayari dito kapag gumaling na. Ilang buwan lang naman ang tanda nila dito kaya naging magkakaklase sila. "Marli! Margi!" tawag ng guro nila na nakita sila. Parehas silang pinanlamigan at kinabahan. Buko sila! "Bakit nagkokopyahan kayo?!" halos mag-usok ang ilong na tanong ni Mrs. Magubat sa kanila. Ang masungit at matandang dalaga nilang guro. Napatingin tuloy sa kanila ang mga kaklase nila na naantala sa pagsasagot. "H-Hindi po." katwiran niya kay Mrs. Magubat. Sa isip-isip niya ay bagay na bagay dito ang apelyido. Sabog kasi ang buhok nito. Parang hindi marunong magsuklay. Nakatali nga iyon pero para pa rin namang walis ng tingting dahil ang tigas tingnan. Hindi yata marunong magconditioner ang guro nila? "Ano'ng hindi? Eh, kitang-kita ko na nakaangat ang papel mo! Pinapatulad mo itong kakambal mo! O ngayon, hindi ba malinaw na pangongopya iyon?" dakdak nito. Napalunok siya at napatingin sa kakambal na halatang kinakabahan din. "Hindi po pangongopya ang tawag do'n. Share your blessings po ang tawag do'n..." sagot niya kaya biglang nagkatawanan ang mga kaklase nila. Mas lalo tuloy nagsalubong ang manipis na kilay ng guro nila. "Ano'ng share your blessings?! Pinaglololoko mo ba ko ha, Maria Lian?" mataas na ang tonong tanong nito. "Eh, 'yon po ang sabi ng Dada Gino ko, eh. Kapag may nangangailangan tulungan. Sabi naman po ng Mommy Lia ko charity begins at home." tugon niya kaya mas lalong nagkaingay sa classroom dahil sa tawanan ng mga kaklase nila. Halatang mas lalong napika ang guro nila. Nagulat pa siya ng bigla nitong hagipin ang tenga niya para piralin o pingutin. Nakita niyang mabilis na lumapit si Margi sa kanila at walang anumang tinanggal ng kakambal niya ang kamay ng guro sa tenga niya. "Alam niyo po bang nasa batas na bawal manakit ng estudiyante ang mga guro? If i were you po teacher hindi ko gagawin 'yan. Kayo rin po, baka hindi kayo umabot sa retirement niyo kapag nasipa kayo sa school na 'to dahil diyan sa pamimingot niyo." seryosong sabi ni Margi kaya biglang nabitiwan ni Mrs. Magubat ang tenga niya. "I want to talk to your parents! Dalhin niyo sila dito!" paangil pero halatang ibinabangon lang nito ang kaba dahil sa sinabi ng kapatid niya. Parehas silang napangiwi ni Margi. Mas lalo yata silang lagot ngayon! Balisa sila pareho ng sumapit ang lunch. Bitbit ang kani-kanilang pack lunch na niluto ng Mommy Lia nila. Naupo sila sa isang bakanteng lamesa sa canteen. "Lagot tayo lalo nito." sabi niya sa kakambal habang binubuksan ang baon nila. "Oo nga, eh. Pero wala naman tayong magagawa. Patulong na lang tayo kina Kuya Gian kung paano sasabihin kina Dada na ipinapatawag sila." ani Margi. Napatango siya. "Asan na ba sila? Ang tagal naman. Gutom na ko." aniya at binuksan na ang takip ng stainless lunch box. Nasinghot niya kaagad ang mabangong aroma ng lunch niya. Palagi kasi silang sabay magrecess at maglunch ng kuya Gian Lee nila. Kasama ang ate Samantha nila na anak ng isa sa maids nila. Kasabay rin nilang kumain si Travis. Pamangkin ng Ninong Terrence at Ninang Jane ng kuya nila. "Parating na siguro. Mamaya ka kumain. Diyan ka lang bibili lang ako ng Chuckie natin. Naubos ko na kasi kanina iyong padala ni Mommy sa'tin. Ininom ko kanina ng pasimple nung nag-eexam tayo." anito. "Hala ka! Pati iyong akin binaknatan mo?" "Oo, eh. Haha. Kaya nga ako na ang bibili. Diyan ka lang." "Hoy!" napapitlag sila pareho ng may humampas sa lamesa nila hindi pa man nakakatayo si Margi para bumili. Tatlong lalake na halatang mas matanda sa kanila. Namukhaan kaagad ni Marli ang isa. Isa iyon sa kaklase ng kapatid na si Gian Lee. "Hoy! Kasing itim ka nga ng sunog na kahoy! So? Problema mo?" asar na tanong niya. "Aba talas ng dila mo, ah? Umalis nga kayo rito. Pwesto namin 'yan!" utos ng nasa gitna na mataba. Mistulang ito ang tumatayong leader. "At bakit kami aalis? Nabili niyo na ba 'to?" inis na pakli ng kakambal niya. "Kayo ba aalis o gusto niyong pitikin pa namin kayo, ha? Mga bubwit!" nakangising pang-aasar ng isa na mukhang butiking pasay kaya naman kumulo ang dugo nila. "Sino'ng bubwit? Yayabang niyong apat, ah? Porket dalawa lang kami rito." kalmadong sabi niya. "Ano'ng apat? Tatlo kami rito! Bobo lang? Hindi marunong magbilang?" palag ng isang mukhang mestisong bangus. "Mas bobo ka! Mukha ka pang maputlang unggoy! Dalawa kayo idagdag mo pa yang boss mong baluga na doble ang katawan, eh, di apat! 2 plus 2 equals 4! Baboy damo, eh." nangingising sabi niya kaya natawa si Margi. "Bwisit ka, ah? Gusto mong baliin ko ang katawan mo?" asar na sagot ng nasa gitna na halatang nainsulto. Itinulak at binatukan sila ng mga ito kaya naman nanggigil siya sa galit. Hinagip pa nito ang kwelyo ng uniform niya kaya naman bahagya siyang napaangat. "Ah, gano'n? Gusto mong tusukin kita ng kawayan sa pwet at ipalechon kitang baboy damo ka?! Dapat sa'yo sinasampal, eh!" singhal niya at umangat na ang kamay niya pasampal sa malapangganang sa lapad na mukha nito. Lumagitik iyon kaya nagkatinginan ang dalawang kasamahan nito na halatang nagulat sa inasal niya. Nabitiwan siya nito. "Lintik ka, ah!" mura nito at napaatras siya nung akmang susuntukin siya nito pero bago iyon ay narinig niyang may lumagitik ulit. Sinampal pala ito ni Margi. Nagkatinginan ang tatlo. Pagkukway nilapitan sila. Nagyakap sila ni Margi at sabay na napaatras. Alam nilang yari sila... Napabahing siya. Gano'n siya kapag may nararamdamang kakaiba o di kaya ay natatakot. Dinaluhong sila ng tatlo at balak ng upakan sa mukha pero may sumapak dito. Talsik si taba sa lapag. "Batsing!" si Travis pala. "Kuya Travis!" sabay pa nilang react ni Margi. "Ayos ka lang Batsing? Ikaw Margi?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "O-Oo." "Sira ulo ka Raymond! Paduduguin ko yang bunganga mo!" dinig nilang may nagmura. Ang kuya Gian Lee pala nila iyon kasama si Samantha. Magkakasabay na dumating ang mga ito dahil magkakaklase din. May humigit kay Travis, iyong maputlang unggoy. Imbes na masapak nito si Travis ay baliktad ang nangyari. Ito pa ang nasapak ni Travis. Plakda rin ito sa lapag. Nakatawag atensiyon na rin sila sa mga ilang students doon. "Hoy kambal! Tulungan niyo ko dito!" sigaw sa kanila ni Samantha na sinakyan sa likod iyong mukhang butiking pasay na isa sa tatlong nambubully sa kanila. Kaagad nila itong nilapitan ni Margi. Sinampal nila parehas ang lalake. Hindi ito makapiglas dahil nasa likod nito si Samantha at nakapulupot ang braso sa leeg nito. Kinagat pa nila ang kamay nito kaya napahiyaw ito lalo ng kagatin ni Sam ang tenga nito. "Pwe! Amoy tutuli ka!" ani Sam at bumaba na sa likuran nito na may kasama pang pagbatok. Nagkarambola na sila sa canteen. Riot kung riot. Nagsitakbuhan palabas ang ilan sa mga nakakita. May mga ilang nagstay at mas binuyo pa sila. Tig-isa si Travis at Gian ng inuupakan. Dumampot siya ng ketchup at toyo na nasa lamesa saka isinaboy sa tatlong salbahe. Sinabunutan pa niya ang mga ito kahit napalupagi na ito nina Gian at Travis. "Batsing! Tama na 'yan. Bugbog na 'yan!" awat sa kanya ni Travis ng muli niyang sinampal si Tabachoy na Raymond na nakahiga na sa sahig. Putok ang nguso nito pati na ang isa pa nitong kasama. Binuhat siya nito mula sa likuran. "Isa pa!" piglas niya. "Tigil na sabi. Isa!" saway nito kaya napapadiyak siya. "Sa susunod na pagtripan niyo ang mga kapatid ko manghihiram kayo ng mukha sa aso!" halatang galit na galit na banta ng Kuya Gian Lee nila sa tatlo. "Prrt!" napatigil sila ng may pumito. Iyong tatlong guards ng school. "Takbo!" sigaw ni Samantha kaya nagkanya-kanya na sila. Nadapa si Margi kaya tinulungan niya ito. Nahuli tuloy sila ng guard. Pati si Samantha nahagip kaya napilitang bumalik si Gian Lee. Malayo na ang natakbo ni Travis palabas ng canteen bago pa nito namalayang hindi pala sila nakasunod dito kaya napalingon ito. Binitbit sila mapwera kay Travis na nakatakbo. Akmang lalapit pa ito pero sinenyasan niya ito na huwag ng lumapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD