Chapter 4

1155 Words
Chapter 4 "Andito na pala ang Baby kambal ko, tamang-tama gising na kayo. Tara dito." tawag ni Gino sa mga anak pagkakababa pa lang ng dalawa sa hagdanan. "Why Dada?" tanong ni Marli matapos silang halikan ng ama sa noo. "Nandito ang Tito Carlo at Tita Shirley niyo. Kasama ang pinsan niyong si JC. Nasa dining sila." anang Mommy Lia nila kaya napatakbo sila sa dining. "Tito! Tita!" tawag nila sa mga ito at humalik pa sa pisngi ng mga ito. "Ang lalaki niyo na, ah? Lalo ka na Marli. Ang chubby mo." pang-aasar ng Tito Carlo niya sa kanya at pinisil pa ang namumurok na pisngi niya. "Tito!" napangiwing aniya kaya nagkatawanan ang mga ito. Tumabi sila ng upo kay JC na anak ng mga ito. Sabay silang humalik sa pisngi ng pinsan. Kaunting buwan lang ang pagitan nila. Bibihirang umuwi ang mga ito sa Pilipinas dahil sa U.S. nakabase. "Tita why the long face?" puna ng kuya nila na halatang kagigising lang din. "Actually malungkot talaga itong Tita niyo. Her parents met an accident. Kaya from now on dito na kami para mabilis makamove on ang Tita Shirley niyo. Magkakapit bahay na tayo ngayon..." ang Tito Carlo niya ang sumagot. "Condolence po..." sabay-sabay nilang sabi. "I'm gonna be fine kids. Lalo pa at nandiyan kayo." nakangiting ani Shirley sa kanila. "Sweet naman ng asawa ko. Pakiss nga ako." ani Carlo kaya nakita nila kung paano namula ang Tita Shirley nila. "Papa kakaganyan mo magkakapatid ako bigla!" hirit ni JC. "Hindi naman malabo yun!" sagot ng ama kaya nakurot na ito sa tagiliran ng Tita Shirley nila. Naging kaklase nila si JC kaya naman hindi ito nahirapang mag-adjust. "Dagdag ka na sa squad namin, ha?" ani Margi kay JC habang kumakain sila sa canteen. Kasama ang Kuya Gian Lee nila, Samantha, si Travis at Jarrence. "Ano'ng squad?" tanong ni JC. "Batsing Squad! Palakihan ng pisngi!" tumatawang sabat ni Travis at pinalobo pa ang pisngi na halatang inaasar siya. Nagkatawanan tuloy ang mga ito. Hinampas niya ito ng malakas. "Buset ka talaga Kuya Travis!" "Haha! Ang laki naman talaga ng pisngi mo! Parang ensaymada, eh. Pakagat nga!" anito at ibinuka ang bibig na akmang kakagatin siya. Iyon din ang isa sa palatandaan kung bakit mas madaling maidentify silang kambal. Kumpara kay Margi mas mataba siya dito. "Hoy tama na nga 'yan. Kumain na tayo." saway ni Samantha na natatawa rin. "Kuya ano yung tuli?" biglang tanong ni Jarrence kay Travis. Nagkatinginan ang tatlong lalake. "Saan mo narinig yan Jarrence?" tanong ni Gian Lee. "Kina Daddy. Ang sabi pagdating ng summer sabay-sabay na raw kayong magpapatuli. Including JC..." "Bakit pati ako?! Bata pa ko!" tutol ni JC na ikinatawa ni Samantha. "Hahaha! Gano'n talaga JC! Late na nga itong dalawa ni Gian, eh. Good luck sa inyo!" "Ano yung tuli Ate Sam?" maang na tanong niya. "Batsing wag mo ng itanong! Kumain ka na lang." saway ni Travis at saka nito isinubo ang kinakaing burger sa bibig niya. Hindi man nasagot ang tanong niya noong araw na iyon nalaman naman niya iyon ng sumapit ang summer. Nagulat na lang sila nang makitang animo namimilipit sa sakit ang kuya Gian Lee nila nang umuwi ito kasama ang Daddy niya. Nakasuot ito ng maluwang na short at hawak-hawak nito iyon sa unahan na parang ayaw nitong ilapat. Iyon pala ang tuli. "Binata na ang baby boy natin." sabi ng Daddy nila sa Mommy nila. "Gosh! Kawawa naman ang baby natin!" react ng Mommy nila. "Mom! Bakit ganyan si Kuya? Parang gusto ng magpaospital, eh." tanong niya sa Ina habang nakatitig sa kuya niyang nakahilata sa sofa at nakangiwi. "Marli anak ganyan talaga pag nagbibinata. O sige na wag muna niyong lapitan kasi baka may mangamatis." "Ano po yung mangangamatis?" usisa naman ng kakambal niyang si Margi. "Margi. Marli. 'Wag niyo ng itanong, okay? Sige na maglaro na lang kayo, kami na bahala sa kuya niyo." ani Gino sa kanila. "Sige po Dada." At tulad nga ng inaasahan, kasama sina Travis at JC sa mga so called nagbibinata. Panay ang bungisngis nila ng kakambal at ni Jarrence dahil pawang mga paika-ika rin maglakad sina JC at Travis. "Laro tayo!" yakag niya sa dalawa habang hawak niya ang bola ng volleyball. "It hurts like hell and you expect me to play?" nakasimangot na ani JC kaya mas natawa sila. Nawala na raw kasi ang epekto ng anesthesia sa mga ito kaya hindi maipinta ang mga mukha. "Kuya Travis?" baling niya dito para asarin. "Makalakad lang ulit ako ng maayos, yari ka sa'kin Batsing!" "Weh?" "Pag ikaw nakita kong niregla tatawanan din kita! Two to three years from now? Hah!" "Ewww!" nakangiwi at halos sabay-sabay nilang react ni Margi at Jarrence. **** "Batsing! Ayos ka lang?" untag ng kinse anyos na si Travis nang lapitan sila nito. Tatlong taon na kaagad ang matulin na lumipas. Nakaupo sila sa bleachers ng kakambal niya kasama si Jarrence. Nanunood sila ng basketball sa gym dahil may practice ang kuya Gian nila pati na si Travis at JC. Nakaugalian na nila na sabay-sabay umuwi. "H-Hindi." sagot niya habang nakaipit ang mga braso niya sa tiyan. Sumasakit kasi iyon. "Kanina pa nga yan ganyan Kuya. Niyayakag kong umuwi. Ayaw naman." ani Jarrence. "Namumutla na nga, eh. Sabi ko nga, mauuna na kami, pababalikan ko na lang kayo ni Gian sa driver." ani Margi. "Alam ko na. Natatae ka! Siguro kumain ka na naman ng marami?" pang-aasar ni Travis at pinisil na naman ang pisngi niya. Inis na tinabig niya ito. "Heh! Diyan ka na nga! Tara na. Maiwan na sila diyan." yakag niya sa kakambal at kay Jarrence saka siya tumayo at nagpatiuna ng lumakad. "Batsing!" tawag ni Travis at nagulat na lang siya ng yakapin siya nito mula sa likuran. Hindi siya nakahuma. "Hachu!" napabahing pa siya. "T-Teka? Bakit ka nangyayakap?" tanong pa niya. "Hindi ka na baby Batsing..." "W-What?!" nalilito niyang tanong. "May dugo sa palda mo. Dalaga ka na..." Napahumindig siya sa tinuran nito. Dalaga na siya? Kunsabagay ay dose anyos na siya. Hindi na imposible iyon. Kung ang kakambal nga niya ay nagdalaga na rin. Nauna lang sa kanya si Margi ng mga dalawang linggo. Ngayon ay siya naman. "H-Halata ba?" kinakabahan niyang tanong dahil baka may makakitang iba tuksuhin pa siya. "Hindi naman. Margi. Lika rito. Umuwi na kayo. Isabay niyo na tong si Jarrence. May tagos si Marli." ani Travis habang nakayakap pa rin sa likuran niya. "Hala kambal! Dalaga ka na rin." gulat na ani Margi. "Shookt! Baka ako na ang susunod?" halatang tense na sabi ni Jarrence. "Mamaya na kayo mag-usap. Tara sa parking." Sinamahan sila nito. "Eeehh...bakit ako may dugo?" reklamo niya habang naglalakad sila at nasa likuran pa rin niya ito. "Gano'n talaga Batsing. Relax ka lang." "H-Hindi mo ko pagtatawanan? Pinagtawanan kita nung tinuli ka, eh." naitanong niya. Iniexpect na niyang tatawanan siya nito ng malakas. "Hindi. Ikaw lang naman 'tong pilya, eh." Napangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD