Kinabukasan, sa campus, alas otso ng umaga. "Nasaan na kaya sina Nica?" tanong ni Lara sa sarili niya. Sabi alas otso umano ang time ng art session namin, ba't ako pa lang dito... Mayamaya pa ay nakita niyang paparating si Mr. Leon. Agad siyang umiwas pero... "Lara! Hey, wait!" Nagmamadali siyang umalis. "Ay, ikaw po pala 'yan sir..." pekeng ngiti ni Lara sa guro. "Iniiwasan mo ba ako?" "Ah eh, hindi naman po..." natataranta siya sa oras na iyon, pero pilit niyang pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalata siya ni sir Leon. "Ba't parang takot na takot ka kapag nakikita ako. Are you afraid of me?" "No, sir. I am just afraid of myself when I am with you..." nabiglang sambit ni Lara saka tinabunan ang sariling bibig. "What are you saying?" medyo nalilitong sambit ni Leon.